6 (Iris)

7.2K 300 8
                                    


Tahimik na nagda-drive lang siya. Kanina pa tulog ang kasama niya. The guy is really stupid. Baka ang pagpunta pa sa pamilya nito ang ikamatay nila. Pero sa tingin niya ay mas tanga siya. Mas tanga siya kasi kahit naiinis siya sa iyakin na lalaki na natutulog ngayon sa passenger seat, ay handa pa rin siyang tulungan ito.

It was still a wonder to her kung bakit binuhay niya pa ito. Alam niya ang kapalit ng ginawa niya. Alam niya ang gulong pinasok niya. Still, hindi siya nakakaramdam ng pagsisisi sa kaniyang ginawa.

Deep inside her, natatawa talaga siya kapag nakikitang natatakot ito tuwing pinagbabantaan niya. Duwag talaga ito. At hindi rin kayang manakit.

Hindi niya alam kung paano sila magtagagal sa ganoong set-up. Katulad ngayon, nagdidilim na ulit. Kailangan ulit nila ng matutuluyan.

Napabuga siya ng hangin ng maramdaman ang pananakit ng balikat niya. Nangangawit na siya kaka-drive maghapon. Ilang-araw na silang ganoon.

Three more days at makakarating na rin sila sa probinsya nito. They chose to travel by land. Mas safe din iyon. So far ay wala pa silang nae-encounter na problema. Pero alam niya sa sarili niya na isa sa mga araw na 'to ay maaabutan din sila. At kailangan nilang maging handa.

"Nasaan na tayo?" Narinig niyang tanong ng kakagising lang na katabi niya.

"Maghahanap lang ulit tayo ng matutuluyan natin. Matulog ka na lang ulit," sagot niya rito.

"Pagod ka na rin. Sana marunong akong mag-drive para naman makapagpahinga ka." Sabi nito at umayos ng upo.

"I'm not going to let you drive my baby anyway," sagot niya rito. Naramdaman na naman niyang nakatitig ito sa kaniya. Nakaramdam siya ng kakaiba. Naiinis na naman tuloy siya.

"Hoy lalaki, isa pang beses na titigan mo 'ko, sasagasaan kita. Naiintindihan mo?!" inis na sabi niya rito.

Mabilis itong nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa labas. "Gregory o Greg." Narinig niyang sabi nito. Tumaas ang kilay niya. "Hindi HOY ang pangalan ko. May pangalan ako. Tawagin mo naman ako sa pangalan ko."

Hindi niya napigilan ang matawa. "Don't be too sentimental. I don't think I need to call you by your name. Ang mga taong may kinalaman lang sa buhay ko ang tinatawag ko sa pangalan. You'll always be that crybaby guy to me. You'll always be a HOY to me," nakangising sagot niya rito.

"Ano'ng mararamdaman mo kapag tinawag ka sa kung ano-anong pangalan? May pangalan ka rin, Iris," sagot nito sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya bago napatingin sa sideview mirror. "People call me names. I was called a lot worse than Hoy." Sagot niya rito at lumiko sa kanan. Sinilip niya ulit ang rearview mirror at mahinang napamura.

"Bakit?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.

Napatingin siya rito. "Kumapit ka nang maigi. Wear your seatbelt," sabi niya rito.

Nagtatakang nakatingin lang ito sa kaniya. "I said wear your seatbelt!"

Nagmamadaling isinuot nito ang seatbelt. "Ano ba ang nangyayari?" tanong nito.

Umikot siya sa kaliwa at tumingin sa likuran. Nakasunod pa rin ang motor sa kanila. Una akala niya ay simpleng motorista lang ito. Pero nang mapansin niyang nakasunod ito sa bawat liko nila ay naghinala na siya. At mukhang tama ang hinala niya.

"Iris, ano'ng nangyayari?" kinakabahang tanong nito.

"Hold on." Maikling sabi niya rito at tinapakan ang accelerator. Pinaharurot niya ang kotse niya. Napapikit ito nang madiin habang nakahawak sa upuan.

Deadly Romance (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon