Looking at him now, hugging his sisters and mother, may kakaiba siyang nararamdaman. Though naiinis na naman siya dahil umiiyak ito. Gusto niya tuloy hilahin ang mukha nito at punasan ang mga luha nito para lang tumigil ito sa pag-iyak.
Alam niya kung bakit ito umiiyak. Wala itong ibang bukambibig bukod sa baka hindi na ulit nito makita pa ang pamilya nito.
At ngayon nga ay kasama na nito ang pamilya nito. Pamilya na kahit kailan ay hindi siya nagkaroon.
Si Leon lang ang pinakamalapit na tao na meron siya. At ngayon ay isa na rin ito sa mga naghahanap sa kanila.
Wala na siyang kahit na ano. Kaya wala ng mawawala sa kaniya kapag namatay siya sa pagtulong dito.
She felt something deep inside her though. Something strong. Something fierce. Something fiery. Something she've never felt before.
Something new. Something she only felt when she met him.
Hindi niya matukoy kung ano 'yon. Pero hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng Taxi Driver kanina.
Nagseselos siya.
Who would have thought na makakaramdam siya ng ganoon? Ilang beses niya na ngang naisip na barilin ang Tin na 'yon.
Nakatingin lang siya sa masayang pamilya. Hanggang sa makita niyang nagpasalamat sa kaniya si Greg.
Masaya siya para dito. Sana lang ay malusutan nila ng maayos ang gulo na napasok nila.
Nakita niyang naglalakad ang pamilya papunta sa direksyon niya. Tumuwid siya ng tayo. She crossed her arms at hindi nilubayan ang mga ito ng tingin.
She don't want them to know that she felt left out. That she felt out of place.
"Iris, pamilya ko nga pala. Sila Gemmalyn at Georgina. Mga kapatid ko." Sabi nito sabay turo sa dalawang nakababatang kapatid na babae. "Tapos si nanay nga pala." Habol pa nito.
Matipid na tinanguan niya lang ito.
"Hi, ate. Ang cool mo naman tignan!" Sabi ni Georgina at inikutan pa siya.
"Umayos ka nga, Gina! Nakakahiya ka!" Sita rito ni Gemma.
"Hello, hija." Bati sa kaniya ng nanay nito. Tumingin siya kay Greg. Nakangiting tinanguan lang siya nito.
Kumunot ang noo niya. Ano'ng ibig sabihin nito sa ngiting 'yon? Hindi niya maintindihan.
"Nagsasalita ka ba?" Tanong sa kaniya ni Georgina.
Kumunot ang noo niya. "Ofcourse."
Hinila ni Gemma ang kapatid nito na kanina pa siya iniikutan.
"Pagpasensyahan mo na 'to, ate. Minsan lang kasi 'to makakita ng tao." Sabi nito.
"It's okay." Maikling sagot niya.
"So... Saan ang kuwarto niyo?" Pagsingit ni Greg sa usapan.
"Grabe kuya! Ang ganda ng tinulugan namin! Ang laki, at ang lambot ng kama!" Malakas na sagot ni Georgina. Kumapit pa ito kay Greg. Kumapit din sa kabilang braso nito ang isa pang kapatid nito. Hinila ito ng mga kapatid nito papunta sa tinutuluyan ng mga ito.
Tahimik na sumunod lang siya sa mga ito. Nagulat pa siya ng sumabay sa kaniya ang nanay ni Greg.
"Puwede ko bang malaman kung ano talaga ang nangyayari? Kung bakit kinailangan naming umalis ng bahay?" Mahinang tanong nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...