"Nasaan na ba tayo?"
"Saan tayo pupunta?"
"Ano ng gagawin natin?"
"May pupuntahan ba tayo?"
Naiinis na bigla niyang ihininto ang kotse niya. Kinuha niya ang baril sa ilalim ng upuan niya at itinutok rito.
Kanina pa siya naririndi sa kakatanong nito. Kanina pa niya ito gustong patahimikin. Ngayon ay iniisip tuloy niya na sana pinatay niya na lang ito. Baka nga kailangan na talaga itong patahimikin. Masyado kasing madaldal.
"Nakikita mo ba 'tong baril na 'to?" Naniningkit ang mga mata na tanong niya rito. Napalunok ito bago dahan-dahang tumango. "Good. Dahil gagamitin ko 'tong baril na 'to para patayin ka kapag hindi ka tumigil sa kakatanong mo."
"S..sorry." Kabadong sabi nito. Inirapan niya ito at ibinalik ang baril sa ilalim ng upuan niya bago ipinagpatuloy ang pagda-drive.
Ilang oras na siyang nagmamaneho. Walang direksyon. Walang pupuntahan. Hindi niya rin maintindihan kung bakit niya ba ginagawa ito. Kung bakit niya ba tinutulungan ang nakakabuysit na madaldal na lalaki sa tabi niya. Kung bakit iniligtas niya 'to mula sa kamatayan. Hindi rin niya alam.
Maybe because there's something in him na ngayon niya na lang ulit nakita. Maybe because she saw something in him na kahit kailan ay hindi niya inaasahang makikita niya pa.
Innocence and kindness.
Hindi rin siya makapaniwala na may ganoon pa palang klase ng tao sa masamang mundong ito.
And somehow, she wanted to protect him.
Napasulyap siya sa ngayon ay tahimik na kasama niya na nakatingin sa labas ng bintana ng kotse. Nakasiksik rin ito sa gilid ng pinto.
Sigurado siya ngayon na hindi lang ang Mayor ang humahabol sa kanila. Pati si Leon. At sigurado rin siya na isa sa mga araw na ito ay mahahanap sila nito.
Was this guy worth all the trouble?
Was a little kindness from him worth all the risks?
"Iris." Narinig niyang banggit nito bago siya hinarap. Tumaas ang kilay niya bago nag-focus ulit sa pagda-drive. "Iris ba talaga ang pangalan mo?"
Lumiko siya sa kanan at tinignan sa rearview mirror kung may sumusunod sa kanila. So far ay wala pa naman.
"Yes. That's my name." Sagot niya rito. Nakita niya sa gilid ng mata nya ang pagtango nito. Nakapikit na ang mga mata nito.
He must be very tired. Kahit siya ay pagod na rin. Alas dos na ng madaling-araw. Kailangan na nilang magpahinga.
"Thank you, Iris." Mahinang sabi nito. Nakapikit pa rin ito. Hindi niya tuloy alam kung gising pa ba ito or nananaginip na lang.
"Rest. Maghahanap ako ng pinakamalapit na matutuluyan para makapag-pahinga tayo." Sabi niya rito. Hindi niya alam kung naiintindihan pa ba nito ang sinasabi niya.
Hindi na ito nagsalita. Tuluyan ng napuno ng katahimikan sa loob ng kotse.
At sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, parang hindi niya iyon nagustuhan.
-----
"Hey, wake up." Paggising niya sa mahimbing na natutulog na lalaki. Ni hindi man lang ito kumilos. Umungol lang ito at bumalik ulit sa pagtulog.
Naiinis na sinampal niya ito ng malakas. Nanlalaki ang mga mata na napabalikwas ito ng bangon hawak ang pisngi na sinampal niya.
"Bakit mo 'ko sinampal?" Nagtatakang tanong nito. Napalinga tuloy ito sa paligid.
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...