Gamit ang kamay niyang nakaposas, tahimik na pinunasan niya ang mga luha niya.
Mapaklang napangiti siya. Only Greg can make her cry. Ang daming nabago nito sa kaniya sa loob ng maikling panahon.
Saglit na pumasok sa utak niya ang walang-buhay na ngayon na si Leon. He saved them. Hindi niya alam kung paano o kung bakit. Pero iniligtas sila nito.
Tumingin siya sa labas ng bintana ng umaandar na police car.
Kahit kailan ay hindi sumagi sa isip niya na gagawin niya ito. Na isusuko niya ang sarili niya sa mga pulis mailigtas lang ang buhay ng tao na papatayin niya rin sana.
Kahit kailan hindi sumagi sa isip niya na posible pala na may magmahal sa kaniya. Na posible palang matutunan niya rin itong mahalin.
Hindi iyon kasama sa mga bagay na itinuro sa kaniya ni Leon. Tanging si Greg lang ang nakapagturo sa kaniya noon.
Napapikit siya at dahan-dahang bumalik sa isipan niya ang mga alaala niya noong bata pa siya.
Paano nga ba siya napasok sa gulong ito? Paano nga ba siya nauwi sa ganitong klaseng buhay?
Isang simpleng pamilya lang naman ang hiling niya noon. Isang lugar na matatawag niyang tahanan. Isang taong tatanggapin siya sa kung sino siya.
Siguro nga ay huli na para pagsisihan pa ang mga bagay na nagawa niya. Huli na. Na baka hindi niya na ulit makita pa ang kaisa-isahang tao na tumanggap sa kaniya.
Na baka huling yakap na ang mahigpit na yakap nila kanina.
Pero kahit gaano man naging kaiksi ang panahon na nakasama niya ito, paulit-ulit niyang pipiliin iyon kaysa mabuhay ng matagal na hindi ito kasama.
Huminga siya ng malalim at isinandal ang ulo sa bintana.
Mami-miss kita, Greg.
-----
Maingat at marahang tumayo siya mula sa pagkakahiga. Pinakiramdaman niya ang mga kasama niya sa kuwarto. Mahimbing na ang tulog ng mga ito.
Dahan-dahan siyang tumayo at kinuha ang bag niya sa ilalim ng papag niya.
Magagaan ang hakbang na tinungo niya ang pintuan ng kuwarto. Nilingon niya pa ulit ng isang beses ang kuwartong iyon. Ang kuwartong ilang taon niya ng tinutulugan.
Pagod na siyang maghintay ng pamilyang kukupkop sa kaniya. Kung ang sarili niya ngang magulang ay ayaw sa kaniya, paano naman siya magugustuhan ng iba?
Maingat na binuksan niya ang pinto at sumilip. Madilim ang pasilyo. Tulog na ang lahat ng mga tao.
Maliliit ang hakbang na lumabas siya ng kuwarto at isinara iyon. Kinakapa ang daan na nagpalinga-linga siya sa paligid.
Nang makarating sa dulo ng pasilyo ay nagmamadaling binuksan niya ang pinto. Isang malamig na hangin ang sumalubong sa kaniya.
"Kaunti na lang malaya na ako." Bulong niya at maingat na isinara ang pinto.
Pumunta siya sa pader at ihinagis sa kabila ang bag niya. Pagkatapos ay sumampa siya sa pader at pinilit akyatin iyon. Pagdating sa tuktok ay isang madilim na daan ang nakita niya. Napalunok siya sa kaba.
"Kaya mo 'yan. Mas maigi sa labas kaysa dito sa loob." Pangungumbinsi niya sa sarili. Dahil sa isiping iyon ay huminga siya ng malalim bago tumalon sa kabila.
BINABASA MO ANG
Deadly Romance (completed)
Action-COMPLETED- ---- She's a hired killer. She was hired to kill him. He is her target. He was supposed to be dead. Isang lalaking hindi sinasadyang masaksihan ang isang krimen. Isang babaeng binabayaran para pumatay. But fate has other plan. Who would...