1. The Girl MVP

1.1K 5 1
                                    

Chapter 1: The Girl MVP

Sabi nga nila, lahat ng bagay may dahilan. Ang bawat desisyon na ginagawa mo,may dahilan. Pano mo nga ba malalaman kung ang desisyon mo ay tama o mali? Kapag ba masaya ka, ibig sabihin tama ka na talaga? O isa palang itong sign na, may darating pang pangyayari na makakapag-parealize na mali ka at may darating na tama.

Fifi’s POV>>
October 22, 2011

Dear Diary,

Tapos na ang dare ni C, in-advance niya na kasi alam niya nang mananalo siya, grabe ang confidence. Yung dalawa ko pang kaibigan, kahapon gumawa ng dare. Buti pa sila tapos na. Hays! ang hirap pa ng finals namin sa Financial Accounting kanina! Buti nalang nag-review kami kanina ni C. At may problema pa ko, si B, sabi ng mga schoolmates ko, may nakita silang girl na kasama nya kahapon, nakaakbay pa s’ya! Hays, o sige, bbye na, may practice pa ko para sa league bukas. ----- M

Inipit ko na yung paper sa sanga ng malaking puno dito sa playground. Ito lang ang nag-iisang ganito kalaking puno dito. Puno siya ng mangga.

"FIFI!" May bigla bigla nalang nagsalita, and also poked my waist.

"Ay tanga!"  Nabigla ako at naitapon ko yung ballpen ko. Naman kasi eh, ayoko talaga ng ganun. Sobrang magugulatin kasi ako kahit sa mga maliliit na bagay.

"Sinong tanga?" Sabay upo ng magaling kong pinsan sa harap ko. At bakit naman kaya ako nasundan nun dito? Wala naman akong pinagsabihan na umalis ako ah. Tsk tsk. Stalker much talaga.

"Wala wala. Kailangang manggulat?? Horror house to?" Sarcastic na tanong ko kay Jianne.

"Kanina pa kaya ako text ng text, sabi na nga ba, nandito ka lang eh. Two years mo na ginagawa yan teh, di ka ba nagsasawa?" Sabi ni Jianne sakin with matching irap pa. Eto na naman sila. Lagi nalang nila akong pinipigilan dito sa pagsusulat sa diary ko.

"Eh, eto lang naman kaligayahan ko. Wag ka ngang magulo, Shupi! Shooo!" Manglalait pa sana ako nang biglang…

"Your coach is looking for you Fifi.” Sabi ni Nans sakin na casual na casual lang. Busy sa pagtetext eh, baka about sa business nila.

"Oo nga! Hinahanap ka na pati samin.” Sabi naman ni Cassie at naki-upo narin sa tabi ni Jianne.

At kumpleto na kami! Naku po. Pag-tutulungan na naman ako ng tatlo kong nanay, este kaibigan.

"Opo opo mga nanay, paalis na nga po oh."
"Nanay ka dyan! Tch! Bumalik na tayo sa school."

Ipinag-drive kami ni Nans papunta sa school, deretso agad kami sa court kasi alam kong late na ako. Kung itatanong nyo kung anung sport, Basketball! Yan ang sport ko. Kahit classmates kami ni Jianne, magkaiba kami ng kinuhang PE, Taekwondo sa kanya, favorite sport niya yun eh.

**
After magpractice, nag-shower na ko, at hinatid na ko ni Jianne, wala pa kasi akong car, dahil mag-18 years old palang ako two months from now.

Pagkapasok ko sa gate ay may napansin agad ako, ang kotse nina Mommy, nasa garahe. Teka, diba nasa Park ‘n Ride yan? Dapat bukas pa ang uwi nila galing sa business meeting.

Pumasok narin ako sa bahay, sobrang nakakapagod talaga. Last practice na namin kasi yung kanina eh. Finals na kasi namin bukas.

"ANIKAAAA" Papa-akyat palang sana ako sa hagdan ng makarinig ako ng tili. Paglingon ko, si Mommy nga! Lumapit ako para yakapin siya. Namiss ko sila ah, two weeks din yun.

"BABY!!" Sumingit din si Daddy sa yakapan. Ang saya! Buo na ulit kami sa bahay.

"Mommy, Daddy .. buti po umuwi na kayo. Kamusta ang business meeting sa France?." Tanong ko, alam ko ang ipinunta nila dun ay dahil may investor sa Diamond Food Corp.

"Okay naman, as usual, successful.” sabi ni Mommy ng may pagmamalaki. Sabi na nga ba eh, diyan ako bilib sa mga magulang ko, lahat kayang lagpasan.

"Anak, may dala kaming goodluck gift para sa last game mo."  Last game kasi dahil di ko naman pwedeng itake ulit yun next sem. Di rin pwedeng mag-varsity, nakakapagod, required na laging may practice, baka atakihin ako ng migraine ko in the middle of the game.

"Ano yun Dad?" Sobrang naeexcite talaga ako, kasi kapag sila ang nag-surprise, magugustuhan ko talaga. Nung 17th birthday ko nga, ang surprise nila sa akin ay nung payagan nila akong sumali sa immersion namin sa Rizal. Ang saya diba?

Sobrang laki ng ngiti ko habang hinihintay ang surprise nila sakin nang biglang may tumakbong aso palapit sakin! Shi tzu, ang cute cute, brown and white ang color nya. Whaaaa!! Dream ko to!

KINABUKASAN:
October 23, 2011

“Do your best Fifi.” “Kaya mo yan be!” Pag-ccheer up sakin nina Nans at Cassie. Nandito kami sa locker room, kakatapos ko lang kasing mag-bihis.

"Oo nga, hays, nandyan na kaya si Jianne? Tapos na tournament nya ah." May tournament ang maganda kong pinsan before ng game ko, napanood nga namin eh. Pero dapat talaga magkasabay ang basketball at taekwondo. Pero kinausap ni Nans yung nag-schedule. Well, iba talaga kapag anak ng may-ari ng school.

"Hey, I'm here na.." and speaking of the devil, este angel.

"Oh, ano? di na namin natapo-----." Sabi ni Cassie, pero hindi na sya pinatapos ni Jianne sa pagtatanong.

"Panalo ulit! Haha! ako pa."  Jianne, sabay flip ng hair. Wushuuu! Proud na proud ah.

“I became first at the gymnastics, Cassie won at the volleyball match, and so is Jianne.” Sabi ni Nans, lagi nalang tong kung hindi tahimik, nakaka-nosebleed.

"Kaya dapat ipanalo mo to.. Haha, saya nung nagawa naming dare, at pag nanalo ka, masaya din ang dare.." Sabi naman ni Jianne. Naalala ko na naman yang dare na yan na pakana niya. Sobrang confident pa! Ginawa na nya yung dare kahit di pa nya tournament.

"Calling all the players to please proceed to their team’s assigned benches."  Announcer

Pumwesto na ako sa court ng Yellow. Red team ang katapat namin ngayon kasi nung semi-finals ay nanalo rin sila.
--

"And now, we'll announce the MVP of this game."  Sabi naman ng emcee na  ikinagulat naming magbabarkada. "It's no other than Ms. Anika Sofia Morgan, number 3 of Yellow Phantom!”

“As expected.” Narinig ko namang sabi ng coach ko. Lahat ng taong nanonood ay pumapalakpak at nakatingin sa akin.

Tumayo ako pumunta sa stage at kinuha ang trophy yung mga audience naghihintay sa speech ko. Ang mga friendships ko naman, nag-thumbs up lang.

"Uhm." Grabe, nasspeechless ako. Hindi ko alam kung anung sasabihin kasi hindi ko naman to pinag-handaan. “BASKETBALL.. dati, nung unang months ko as a college student, I just used basketball as an excuse para makita ang crush na crush kong si Jaimes Vincent Bautista.” Madaming nag-react. May mga nag ‘Whoo!’ may mga mukhang kinilig.
“Hindi pa s’ya captain noon, pero isa sya sa mga star player ng varsity natin. Sumasali ako sa mga league kapag University Intrams dahil alam kong nanonood sya. Nakakatawa no? HAHA, isang freshman student, nagpapacute sa isang famous third year student.. Pero minahal ko ang basketball. Kasabay nun ang paglago ng nararamdaman ko sa kanya, at fortunately, minahal nya rin ako.” Nagsi-tilian ang mga babae. Hays, pati ako kinikilig sa mga pinagsasabi ko.

"Isang taon narin kami" isang malaking pause bago ako nagsalitang muli. "at magbbreak na kam----"  natigilan, nag-react na naman kasi sila. "hala!" "bakit???" Nagpapanic sila. Napatingin ako kay JV, parang napakunot din ang noo niya. Naman kasi, excited eh, di pa nga tapos.

"Teka, di pa tapos. Magbbreak na kami ni basketball. Dahil last game ko na to. Thank you sa award. This is for all of you..." Itinaas ko ang trophy ko, at naghiyawan ang mga tao. I bowed at bumaba na sa stage.

"Congrats babe. I LOVE YOU."  sabay yakap sakin ni JV pagkababa ko. Hays, this is heaven.

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon