LHS : Chap.25.2 [The Party Crasher]

237 3 2
                                        

Chapter 25, part 2 : The Party Crasher.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa kotse ni Jianne..

Nasa passenger's seat si Luke. Yap, kasama sya. >.<

Tapos kami nina Cassie at Nans nandito sa liko, dala ko yung acoustic guitar ko.

Xance, Stephen, Sam, Renan, Ken, Jarel, Leigh at Jam, nasa van ni Jayd.

May dala ring electric guitar yung tatlo. Tutugtog kasi kami.

SA PARTY..

"Whaaaa.. Maraming maraming salamat po, pumunta kayo." sabay yakap samin, Haha. Ang cute nya.

"Regalo namin." sabay abot ni Cassie nung dala nya. Gitara yun. Pinag-hati-hatian naming girls.

"Regalo din namin" sabay abot ni Sam nung dala-dala niya. Sa pagkakaalam ko, picture frame yun na super laki, lahat ng Phoenix & Co. nandun, tapos may pirma at message namin. Ang kuripot talaga nila. Psh.

"Pero may regalo din kami nina Xance, Renan at Ken."

"Oy, bakit may ganyan kayo? Madaya." Di pinansin ni Jayd si Sam at inabot nalang yung regalo nila. Teddy bear yun. Ang kyut nun. Swear.

Nakatulala lang si Aljan habang tinatanggap yung mga regalo namin.

"Uy Bes! Nakatulala ka dyan." sabay snap nung girl sa may tenga nya.

"AY! Whaaaa.. Bes! Masyado akong na-overwhelm. Ay, sya nga pala..Bestfriend ko.. Si Angela."

"Hello po. Pasok po kayo." at pumasok na nga kami..

Magkakahiwalay kami ng table.

kasama ko, sina Jianne, Luke, Jarel at Cassie.

Sa kabilang table, sina Xance, Sam, Renan, Ken at Jayd.

Sa isa pa, sina Nans, Stephen, Leigh at Jam.

"Love.. Kain ka na." sabay subo ni Luke ng spaghetti kay Jianne.

Napatingin ako sa kabilang table. May isang pares ng mga matang nakatingin dito sa dalawang katabi ko.

Grabe yung tingin ni Sam, parang papatay. Pero mas malala pa dyan yung kahapon.

*FLASHBACK*

"Couz. Sa tingin mo maiintindihan ni Cutiepie? " mangiyak-ngiyak na tanong ni Jianne.

"Oo naman." pagpapalakas ko ng loob sa pinsan ko.

Nandito kasi kami sa canteen, hinihintay si Sam.

"Cutiepiiieee!!" malayo palang alam mo na kung sino yun. Hays, maging ganyan padin kaya si Sam mamaya?

Couz, dun muna ko sa kabilang table." sabay tayo ko.

"Sige couz, salamat." sabay tayo rin nya. Umupo ako dun sa medyo malapit sa kanila, habang kumakain ng donut.

"I missed you cutiepie!" sabay yakap ni Sam kay Jianne.

"Me too. He-he-he." ang fake ng tawa ni Couz. Kinakabahan. Hays, sana keri lang.

"Uy Fifi! Bakit lumipat ka?"

"Dito nalang ako. Couple's time." sabay ngiti ko. Ngumiti nalang rin si Sam.

Umupo na sila.

"Anung pag-uusapan natin Cutipie?" todo ngiti pang tanong ni Sam. Hays, naaawa ako sa kanila. T_____T

"Eh kasi---" naku. Patay.

"Loves. Kanina pa kita hinahanap. Kmain ka na ba? Tara." sabay hila ni Luke kay Jianne. "Ay, sandali lang po ah.. Paistorbo sandali." sabay takbo ni Luke habang hawak padin yung kamay ni Jianne. Di na nakapag-react si Jianne.

LOVE-HATE STORY (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon