LHS : Chap.25.3 [Who's Who?]

216 1 0
                                        

Chapter 25.3 : Who’s Who?

Sam’s POV

Pagbaba namin ng stage, nagulat kami ng biglang may yumakap kay Luke.

Nakatayo kasi sila, nakiki-jamming din sa pag tugtog namin kanina.

“Miss.. uhmm.. Pwede ba.. Baka magalit yung girlfriend ko.” sabi ni Luke habang tinatanggal yung pagkaka-yakap sa kanya nung babae.

Pero walang epekto.. Mahigpit parin itong nakayakap sa kanya.

“Miss.. B-bakit ka umiiyak?” tinignan kong mabuti ang babae. Umiiyak nga sya.

“Shocks. Diba di naman sya invited?”

“Sino yan? I’ve never seen her in Oxford.”

“Yeah.. Me too..”

Yan ang mga usap-usapan ng iba pang guest.

“Ahm.. Ate, excuse me po.. Hindi po pwede dito, isa po itong private party.” sabi nung EmCee kanina.

Napatingin ako kay Jianne. Nakatingin lang din sya sa babae. Sino kaya yun?

Nilapitan ko si Fifi.

“Fifi.. Sino yun?” bulong ko sa kanya.

Umiling lang sya, at parang naguguluhan din.

Tinignan ko ang ibang Phoenix, naguguluhan din sila.

Natanggal na ni Luke ang pagkaka-yakap sa kanya nung babae. Napayuko nalang yung babae habang umiiyak.

“Loves. Pasensya ka na ah.. Hindi ko alam kung sino yun eh. Wag kang magseselos ah.” sabay yakap ni Luke kay Jianne. Ugh. Umiwas nalang ako ng tingin.

“L-luke.” halos pumiyok na sabi nung babae.

Napatingin si Luke sa kanya.

Akmang lalapit naman ang mga security guard, pero hinarang sila ng ibang Phoenix at kinausap.

Mukhang alam ko na..

“L-luke.” tawag ulit ng babae, at tumingin kay Luke.

Hindi sya ganun kagandahan, pero maamo ang mukha nya..

Hindi rin sya mukhang mayaman base sa pananamit nya.

“L-luke..” at lumapit ang babae kay Luke..

Umatras naman si Luke. “Luke naman eh, wag mo ‘kong ganituhin.”  at mas bumilis ang pag-agos ng luha mula sa mga mata ng hindi kilalang babae.

“I’m sorry miss.. I don’t know you.” akmang hahawakan ng babae ang kamay ni Luke, pero tinabig nya ito. Na dahilan ng pagkatumba ng babae.

“Ayy!” sigaw ng nakararami.

Pumunta naman sina Fifi at Cassie sa side nung babae. Para alalayan ito.

“Luke.. Si.. Si Lianne to.”  napalaki naman ang mata nina Fifi, Cassie, Nans at Jianne.. Mukhang alam na nila kung sino ang babaeng ito.

“Sino si Lianne.” tanong ko kay Len. Posibleng alam nya, baka nakwento ni Nans.

“Fiance ni Luke.”sagot nya habang naka-tingin parin sa babae.

“Hindi kita kilala miss.” giit parin ni Luke. Tangna pre. Pinapahirapan mo yung babae. Sarap mong suntukin.

“Luke.. Mahal na mahal kita. Please, wag mong gawin sa’kin to. Di ko kayang wala ka.” sabay luhod nung babae sa harapan ni Luke.

Doon ko lang napansin ang gauge sa may pulso nito.

“Pre, nagtangka yatang magpakamatay yung babae.” oo nga, mukha nga..

“Security, paki-labas tong babaeng to. Nang-gugulo sa party.”

“”No.. No.. WAG! Luke! Please.” pagmamakaawa parin nung babae habang kinukuha na sya ng security guards.

“Luke! Alalahanin mo ‘ko! Si Lianne to. Ang babaeng minahal mo, pinaglaban mo ko sa mga magulang mo diba? Bakit di mo labanan yang kung anu mang gumugulo sa isip mo? LUKE! IKAKASAL NA TAYO SA ISANG LINGGO! LOVES. PLEASE.. Don’t do this to me..” at unti-unti nang naglaho ang boses ng babae.. Malamang nailabas na sya ng security.

“AHHHH!”

Tumingin kaming lahat kay Luke. Nakahawak sya sa ulo nya, namimilipit sa sakin, at sumisigaw..

Biglang nawalan ng malay.

**

Nandito kami sa ospital..

Sinugod namin si Luke sa ospital.

Nagulo tuloy namin ang party ni Aljan. Tsk.

“Cutiepie.” lumapit sakin si Jianne na parang naiiyak na.

Lumabas muna kami at hinayaan na mapag-isa si Lianne sa kwarto ni Luke.

umupo kami sa waiting area sa labas ng room ni Luke.

Yung ibang phoenix inuwi yung mga gamit namin sa bahay..

Yung iba bumili ng pagkain.

Lagpas alas dose na pala ng hating gabi.

Narinig ko na humihikbi si Cutiepie, kaya niyakap ko sya.

“Hush now, Cutiepie.” sabi ko habang hinahaplos ang buhok nya, hays, namiss ko sya.

“Cutiepie. Feeling ko, ako yung dahilan kung bakit nasira ang love story nina Luke at Lianne.”

“No cutiepie, aksidente lang ang lahat..”

“NURRSSEE!” napabalikwas kami sa sigaw galing sa kwarto ni Luke.

**

isang linggo na ang nakakaraan simula ng araw na yun..

Nandito kami sa reception ng kasal nina Luke at Lianne.

Grabe, ang saya saya nila tignan..

Hindi mo mahahalata na may malungkot na nangyari sa kanila last week.

Ang love nga naman.. It moves in a mysterious way.

Napatingin ako kay Cutiepie, masaya syang nakatingin sa newly wed.

“In a year’s time.. Ikakasal narin tayo.” bulong ko, na nakapag-pangiti sa kanya.

_______________________

Binigyan ko lang ng closure yung story nina Luke at Lianne, kaya may part 3. XDD

Antaray, in a year’s time daw ikakasal na sina Sam at Jianne.. Abangan natin :)

FAN. VOTE. COMMENT.

---bluekendii loves you all :***

LOVE-HATE STORY (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon