Chapter 5: Nancy's Special Day
JIANNE's POV
"Now I'm standing alone in a crowded room, and we're not speaking. And I'm dying to know, is it killing you like it's killing me? Yeah"
Nandito ako ngayon sa bahay nila Fifi. three days na ang nakakaraan simula ng araw na 'yun. Simula nun, hindi na raw lumalabas ng kwarto nya si Fifi. Lagi lang nyang pinapatugtog yang The Story of Us, at yakap yung oversized teddy bear na pink na bigay "DAW" ni JV nya.
Bakit "DAW"? Flashback tayo.. 1yr and a month ago.
~*FLASHBACK*~
Nasa locker kami ngayon para kumuha ng books para sa susunod naming subjects nang biglang tumili si Fifi.
"Oh my gosh, Jianne. Look at these!" shocked na sabi ni Fifi. Tinignan ko kung anong ikina-shock niya, nakatingin lang siya sa loob ng locker niya, sumilip ako at nakita ang isang teddy bear na pink na pinagsiksikan sa loob ng locker niya. Tinulungan ko siyang tanggalin yun. Tuwang tuwa naman ang pinsan ko dahil nga ang cute nung teddy bear.
"Hi Babe!" Napalingon ako sa nagsalita, si JV. Lumapad naman ang ngiti ni Fifi at pinahawak sa akin ang teddy bear. "Thanks Babe! The best ka talaga!" Sabay yakap niya kay JV. Parang nagulat ang mokong at hindi alam kung bakit siya biglang niyakap ng pinsan ko.
"Salamat sa teddy bear Babe." Masayang sabi parin ni Fifi habang nakayakap kay JV, tumingin naman ang lalake sa teddy bear na hawak ko. "Ah, oo. Walang anuman Babe, basta para sa'yo."
~* End of Flashback *~
"Tara na Jianne." Narinig kong tawag ng pinsan ko sa akin galing sa taas, lumingon ako upang makita ang ayos niya. Naka black tube dress siya na may silver ribbon sa waist at silver pumps. Naka-curl ang buhok niya pero naka-bagsak ang fringe niya. Hindi mo halatang depressed siya nitong mga nakaraang araw.
"Ang bongga mo today ah. Kinabog mo ako," biro ko sa kaniya pagkababa niya. Bilin kasi ng mommy niya na lagi naming patawanin si Fifi para hindi niya na maalala yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.
"Mas maganda ka kaya 'couz," puri niya sa akin. Naka-balloon dress ako na combination ng pink at yellow na may design na beads. Nude color ang pumps ko, at wavy naman ang hair ko.
When we arrived at the venue, sinalubong kami ng guards at usherettes na nagsasabing ilagay na naming ang masks namin.
Hindi gusto ni Nans ng cotillion-type na debut, gusto niya lang yung party talaga. Eleganteng party.
Napakalaki ng space, pagpasok mo, may isa pang two-door entrance. And then, tatambad sayo ang napaka-raming high table and stools. Sa gilid, may open bar, sa kabilang gilid, grand staircase, I think doon lalabas si Nans. Sa harap may stage at band set.
"We will begin the party in any minute." Nag-settle na ang mga bisita pagkarinig nila n'un. Ang table namin nina Fifi ay nasa harapan, katabi ng table ng family ni Nans. Ang mga family namin ay may mga sariling table din naman.
After a few minutes, nag-dim na ang ilaw at nagbabadya na ang spotlight. Tumugtog ang God Gave Me You ni Brian White bilang background music sa entrance ng debutante.
Pagpasok ng first verse ng kanta ay lumabas narin si Nans mula sa pintuan na nakatapat sa grand staircase. Naka-aquamarine siyang assymetrical dress at silver na stilettos. First time namin siyang makita na ganito, nung prom kasi namin ay hindi siya sumama. Ayaw niya kasi talaga ng mga dress-and-heels occasions. Pero hindi siya makakatangi dahil birthday niya ito.
BINABASA MO ANG
LOVE-HATE STORY (Editing)
Teen FictionAng love story na nakakalito, nakakahilo, nakakaiyak at nakakakilig. :"> (On editing and proofreading process po. Baka may mga informations and scenes na mag-iba ng konti.)
