LHS : Chap.34 [His Side Of The Story]

224 2 1
                                        

Para hindi naman kayo magalit kay Xance. :D

Don't skip, kahit isang word.

Chapter 34 : His Side Of The Story

Xance's POV

March 14.

Bachelor's Party ni Renan. Pero inuman lang, walang other things na..alam niyo na.Solo namin tong Knight. Sinarado ni Len, regalo na raw niya para kay Renan.

Biglang nag-vibrate ang phone ko, tinignan ko ang screen 'Calling... Mahal ko'. I slided it to the left, ayoko muna nang may ibang kausap ngayon. I-fofocus ko nalang muna ang sarili ko sa Bachelor's Party ni Renan. Siya ang unang ikakasal sa barkada, kaya I'm sure na eto ang huling Boy's Night Out namin na kumpleto kami.

"Hey Xance. Yra's monitoring on you?" Napalingon ako sa nagsalita, ang groom. "Yeah.." Matipid na sagot ko at nag-shot na ng tequila.

"Mahal mo pa ba sya?" napatingin ako kay Renan. Nagtatagalog na pala to, nakakatawa nga lang yung accent nya. "Nagtatagalog ka na pala pare."

"Yeah. Anika forced me to speak tagalog sometimes." Ah.. Si B--Fifi pala. Lintek! Masanay ka na nga Xance, tapos na ang pagpapanggap mo. No need nang tawagin siyang Babe kahit sa isip mo lang.

Pero napansin ko lang talaga, ang laki ng impluwensya ni Fifi sa amin. Si Renan napagtagalog nya, si Ken, natutong magmahal. Ako..  "But don't change the topic. Do you still love her?" Tanong ulit ni Renan. "Sino?" Walang ka-gatol-gatol na tanong ko.

"Yra of course, who else do you love?" Oo nga naman, sino pa nga bang iniisip ko? Xance, get your head straight, hindi mo gugustuhing ma-misinterpret ka ng mga kaibigan mo.

"I don't know.." At nag-shot ulit ako. Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sakin, gulong gulo na ako.

"Do you still remember that curiousity that you have when you first saw Anika?" he asked with a dreamy smile. "You're curious who she is.. where she live.. until that day on My Dream Land."

FLASHBACK

Nakakaasar naman tong mga to. Nagyayaya nalang ng photoshoot, sa My Dream Land pa, baka mamaya makita ko dun si Fifi, yung pinsan ni Jianne.

Si Jianne, sila yung may-ari nung theme park, nakilala ko sya nung may dare sya na interview-hin at istalk ang vocalist naming si Sam.  Ako ang nag-bigay ng information sa kanya.

Sino si Fifi? Secret crush ko siya Parang na-curious lang ako sa kanya since nung nagdare sila na bigyan ko sya ng teddy bear last year.

"Manong ayan na sila.. ipara mo nalang dyan." sabi ko sa driver namin nung makita ko sina Sam na naka-tambay sa isang part ng park.

Pagka-baba ko ng van, nag-kwentuhan lang kami about sa concept ng photoshoot ng biglang may humila sakin.

And before I knew it, she's already kissing me. Hindi ko pa napprocess ang nangyari nang bigla syang tumakbo.

Buong araw akong wala sa wisyo nun, iniisip ko talaga kung sino, pero hindi ko maisip eh.

Kinabukasan pagpasok namin, pati ibang boys ng Phoenix hindi narin maka-move on sa nangyari.

"Hyung.. sino kaya yung humalik sayo no?" tanong ni Ken habang nag-lalakad kami sa hallway.

"Maganda kaya sya?" tanong naman ni Sam. Eto talaga, puro kagandahan ang alam.

Pagkaliko namin, napansin ko na may mga poster na naka-dikit. Tinignan kong mabuti, shot siya sa isang park, nakatalikod yung lalaki kaya hindi nakikita ang mukha. Pero alam kong ako yun, yun ang suot ko kahapon sa My Dream Land eh.

LOVE-HATE STORY (Editing)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon