LHS : Chap. 23 [Lucky or Unlucky?]

249 2 2
                                    

Chapter 23 : Lucky or Unlucky?

Fifi's POV

"Cutiepie. San mo gustong kumain?"

"Hmm.. Sa mcdo. I want fries, bubble gum float.. And uhm, spaghetti."

"Okay. Edi magmmcdo tayo. Yun gusto ng mahal ko."

"Ikaw insan? San mo gustong kumain?"

"Fifi."

"Insan!" nag-snap si couz sa may tenga ko.

"Huh?!" gulat na tanong ko.

"Sabi ko san mo gusto kumain?" ah.. Yun pala yun. Hays.

"Couz. Kanina ka pa wala sa sarili ah. May sakit ka ba?"

"Hmm, wala.." matamlay na sagot ko.

"San mo na gustong kumain?"

"Pwedeng iwan nyo na muna 'ko dito?"

napatigil naman si Jianne sa paglalakad. Yap, naglalakad kami papunta sa parking lot.

"Bakit couz?"

"Wala lang.. Please."

"Sige sige. Eto na pala yung pinag-parkan ni Sam. Mauna na kami couz ah. Ingat ka." sabay beso sakin ni couz.

"Sige, ingat din kayo." at sumakay na nga sila ng kotse, at umalis na.

"Ms. Morgan, bakit naglalakad po kayo?" tanong sakin ni kuya guard.

"Magpapahangin lang kuya."

"Sige po. Ingat kayo." nginitian ko lang sya at naglakad na palabas..

Lakad lang ako ng lakad..

Hanggang sa makarating ako sa park.

"Kaasar naman oh. Malas talaga. Friday the 13th! I hate you." sabi nung babaeng nakaupo sa bench.

Oo nga no? Friday the 13th pala ngayon.

Naupo nalang ako sa isa sa mga bench dun.

Iniisip ko lang.. Bakit, nung monthsary namin.. Este, fake monthsary namin ni Xance, ang sweet sweet nya sakin.

Hays..

Makapaglakad na nga ulit.

Lakad.. Lakad. 30 minutes na ata akong naglalakad. Ang sakit na ng paa ko, 4inches kasi yung heels ng sapatos ko.

Ayun! May waiting shed. Makaupo na nga muna.

Parang bihira yung dumadaang sasakyan dito. Nasan na kaya ako.

*tunog ng ulan*

huh? Umuulan? Nilahad ko yung palad ko sa part ng waiting shed na walang bubong. Ang lakas ng ulan. Soundtrip na nga lang muna ko.

Np : Blame it on the rain.

Pumikit ako at yumuko.. Finfeel ko lang yung ulan, yung katahimikan at yung kanta.

"Hays! Kaasar naman na ulan to oh. Bakit ngayon pa?" nagulat ako ng may magsalita sa tabi ko.

Pag-angat ko ng ulo ko, isang lalaki, matangkad, nakatalikod sakin.. Basang basa na sya, pero yung bag nya ata waterproof. Tulad nung akin.

Napalingon sya sakin.

"Fifi?" si Xance! Pagkakataon nga naman oh.

"Uy Xance. Ikaw pala yan." sabay tanggal ng earphones ko.

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon