LHS : Chap.33 [Everything Has Changed]

226 2 1
                                    

Chapter 33 : Everything Has Changed.

JIANNE’s POV

*Flashback*

“Hello everyone. I’m so happy that you came to my son’s birthday party..” Napatigil ako sa pag-inom ng  wine nang magsalita ang daddy ni Renan.

Si Renan nasa stage din..

“And we are pleased to introduce to you..”

“Sino kaya?” tanong ni Cutipie.

“Aba malay ko.. Makinig nalang tayo.”

“Anika Sofia V. Morgan. Future Mrs. Yokohama.” biglang lumabas si Fifi, at nagbow.

Nagpalakpakan ang lahat.

“Teka.. S-si Fifi ang fiance ni Renan?” bigla nalang nagsalita si Xance.

Nagbulungan ang mga Phoenix, maya maya nag-walk-out si Xance. Problema nun?

*End of  Flashback*

“Ayan miss, ok na po yung pagka-fit?” sabi ng cotourier.

“Okay na po.” then nag-smile ako sa kanya. Umalis naman sya para bigyan ako ng time sa harap ng salamin.

Ang ganda ng bride’s maid gown ko. color aquamarine.assymetrical dress sya na may parang vines vines yung strap.

Then may mga swarovski stones.

Grabe. Hindi ko padin malubos isipin na in just a week, ikakasal na sina Renan at Fifi. Hays.

FIFI’s POV

Kasalukuyan kaming nasa Mahollandee Hotel, kung saan titignan namin ang venue ng reception namin.

Kasama ni Renan ang bestman nyang si Sam, at kasama ko naman ang bride’s maid ko na si Jianne.

Ang reception ay ‘by the bay’.

In just a week ikakasal na ako.. 

*Flashback*

“Dad. Nakakatuwa, dito din pala yung birthday party ni Renan.” excited na sabi ko kay Daddy habang naglalakad kami..

“Oh? Nakakatuwa nga.” sabay nag-smile lang si Daddy

“And we’re here..” sabay hinto namin sa tapat ng isang function hall.

Pagbukas ni Dad ng pinto..

“Ikaw?”

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon