2. Kiss or Break-up?

606 4 0
                                    

Chapter 2: Kiss or Break-up?
October 23, 2011

FIFI’S POV>>

“Babe, date naman tayo, celebrate naman tayo.” Suggestion ko kay JV habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng school. Ihahatid niya kasi ako ngayon.

“Ahm, babe, next time nalang ah, pinapapunta kasi ako ni Dad sa office.” Sagot naman niya habang nagtetext. Mukhang napaka-busy ng boyfriend ko sa business nila ah.

“Ganun ba? Okay. Ay, siya nga pala, sino yung nakitang kasama mo daw sa park nung isang araw?” May ka-team kasi ako sa basketball na nagkwento na nakita daw niya si JV sa park at naka-akbay pa raw siya dito.

“Ah, yun ba? Si Ash yun, pinsan ko.. diba kinwento ko na yun..” Ah.. Yung pinsan daw niyang taga Oxford University din. Pero never ko pa talagang nakita yun.

“Ah, siya pala. Sige babe, tara na.” sumakay na nga kami sa kotse niya. As usual, pinagbuksan niya ako ng pinto, ganyan naman yan eh, napakasweet.

“San kita ihahatid? May pupuntahan pa ba kayo nila Jianne?” Tanong niya pagka-start niya ng kotse. Alam niya kasing mahilig talaga kaming gumalang apat.

“Sa playground nalang.. magkikita kita kasi kami dun.” Sabi ko habang tinetext yung tatlo, at pinaandar niga na ang kotse palabas ng university.

“Sa playground na naman? baka may nakakabasa na nyang mga sulat mo dun.. tigilan mo na yan.” Ayan na naman sya, lagi nalang nya akong pinapatigil, kaya di ko nalang sya pinapansin kapag ganyan.

Nang nakarating na kami sa playground, umalis rin si JV kaagad dahil nga kailangan daw siya ng Daddy nya sa business nila. Pagkaalis na pagkaalis niya ay kumuha ako ng papel at ballpen at nag-umpisa nang magsulat.

Dear Diary,
Nanalo kami! HAHA, yehey! AT MVP PA AKO.. Si B, nag-explain na sya sakin, yung girl daw na nakitang kasama nya, pinsan nya daw yun. Hmm, yun ata yung kinekwento nya dati na nag-aaral sa States.
Till here -- M

CASSIE’S POV>>

Galing kami sa bahay nila Fifi, kumuha ng pamalit nyang damit dahil dumiretso na naman sya sa playground. Nakita ko na yung aso niyang shi-tzu, pinangalanan niya palang Tori, ang cute niya.

Two years nya na ginagawa yung pagsusulat sa playground simula nung nag-college kami, lahat nasulat nya dun, yung love story nila ni JV, mga problema at achievements nya, pero di  nya nilalagay real names namin dahil baka may makabasa nga naman nun.

“Oy, Cassie, ayusan mo naman pag mamake-up!” Sabi sakin ni Jianne habang minemake-upan ko siya dito sa likod ng Ford Focus ko.  “Aba, nagpapamake-up ka na nga lang eh." Sagot ko na nakapag patahimik naman sa kaniya.

“Hey, we’re already here.” Si Nans ang pinagdrive namin dahil minamake-upan ko tong babaeng to.

“Fifi! Sakay na, mag-bihis ka na!”  May kurtina naman sa likuran nitong kotse ko kaya pwede na dito mag-bihis. Madalas kasi kaming gumala, kaya minsan dito na nga kami nagbibihis sa kotse kapag kinakailangan.

NANS’ POV>>

Ang kulit ng tatlo dito sa van. Cassie’s singing while driving, yung mag-pinsan nag-aayusan sa likod. Hays, ewan ko ba kung pano ko nakasundo tong mga to.

We’re going to ‘My Dream Land’, an amusement park that is owned by Jianne’s brother, kuya Red.

Si Jianne, may-ari sila ng isang sikat na Clothing Line dito sa Pilipinas, sya ang tagapag-mana nun, kaya kahit na Accountancy student, kumukuha sya ng ilang units sa Fashion Designing.

Si Cassie, may-ari sila ng isang Toy Company. Culinary Arts ang kinukuha nya, tapos may sarili syang Pastry Shop, yung Cassie’s Sweets na bubuksan palang next month.

Si Fifi naman, may-ari sila ng M Architectures at Diamond Food Corp, kaya kahit Accountancy ang course, kumukuha sya ng ilang units sa Food Technology.

Ako naman focused on my pre-med which is Biology. Dahil mag-dodoktor ako, ako kasi ang tagapagmana ng ospital namin.

“Nandito na tayo!” Sabi kagad ni Cassie pagka-park niya sa reserved space namin sa parking ng MDL. Masyadong excited sa dare ni Fifi.

FIFI’S POV>>

“Okay, here’s your dare girl.” Sabi ni Jianne sabay kindat. Nako, kapag ganito tong pinsan ko nakakatakot to, may kung anung nangyayari sa utak nito.

“Exciting yan!” Sabay sabi naman ni Cassie nanag may nakakalokong ngiti.

“Hala. Mukhang hindi maganda to.” Sabi ko nalang sa sarili ko habang pinagmamasdan ko sila. “Oh, ano na Jianne, para matapos na to.”

“It’s Kiss or Break-up.”  todo ngiti si Jianne si Jianne habang confident niyang sinasabi yun.

“Ah, kiss or bre--" Natigilan ako at napalaki ang mata. "ANO?!! KISS OR BREAK- UP???” Anung kiss or break-up ang sinasabi nito? Tama ba yung naiisip ko?

“If you chose break-up, kailangan mo makipagbreak kay JV and if kiss ang pinili mo, you’ll kiss the most handsome guy na makita natin.” Sabi ni Jianne na parang kumikinang kinang pa ang mata. Sabi na nga ba at may masamang binabalak tong mga to eh. Nako, pag ito nalaman ni JV. Ayoko talagang makipagbreak kay JV kahit matagal na nilang sinasabi yun sakin, kaya…

“Ok, I’ll choose....KISS!” Mukhang mapapasubo ako sa dare nitong mga to. Sana lang di namin kilala yung mattripan nila.

“Buti nalang wala kuya ko, kasi alam naman nating sya ang pinaka-gwapo!” Tumatawang sabi ni Jianne. Ang tinutukoy niya si Kuya Red, yung maya-ari nitong My Dream Land. Bestfriend yun ni Kuya Nash, yung kuya ko, pero nauna lang maka-graduate si Kuya Red. “Right girl!” Pag sang-ayon naman ni Cassie kay Jianne.

“Oh, ayun, gwapo!” Sabi ni Jianne sabay turo dun sa lalaking nakasalamin malapit samin. “Eeh!! Mukhang masungit. Ayun! HOT!!” Singit naman ni Cassie, sabay turo dun sa naka-headphone na guy malapit sa tinuro ni Jianne.

“Hot ka dyan, gwapo hinahanap, ayun!” Sabi naman ni Jianne sabay turo dun sa blonde guy na may hawak na drumsticks.

“Cute lang yan Couz!” nakisali narin ako sa pogi-hunting nila. “Ayun.. yun ang totoong gwapo” Sumali narin si Nans at tinuro ang lalaking kabababa lang ng sa sasakyan, lahat kami napatingin. Mukhang kakilala nung mga kanina pa namin pinagtututuro.

“Ang pogi! Ayun nalang Couz!” “Oo nga bebe!” At pinagtulakan na nga ako nina Jianne at Cassie.

JIANNE’S POV>>

Bakit nga ba nasingit ang Break-up? Eh kasi, alam namin na niloloko sya ni JV, he’s not serious, but Fifi is denying it to herself, baliw na baliw ang lola mo sa captain ng BLUE DEVILS!

Eh, alam naman namin na di papayag yun, kaya siningit ko rin yung kiss, dahil nakita ko ang dalawang member ng Summer Phoenix, ang drummer at ang crush kong vocalist na pina-stalk nila sakin, sakto naman dumating din yung isa pa.

Lumapit na si Fifi dun sa lalaki, nakatalikod yun sa kanya kaya bigla niyang hinila ang braso para mapaharap sa kanya, walang pag-aatubiling biglang nag-smack si Fifi dun sa lalaki. Gulat na gulat yung lalaki pati narin yung mga kaibigan niya.

Tumatawang tumakbo si Fifi papunta samin. “Grabe! Ang brave mo bebe!” “Congrats Fifi.” Nakangiting sabi ni Cassie at Nans sa pinsan ko. Ako naman ay niyakap lang siya, kahit na hindi break-up ang pinili niya, proud padin ako kasi ang tapang niya ngayon.

Pagkatapos ay nagkayayaan na nga papunta sa bahay nila Nans.

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon