3. Mystery Guy

469 3 0
                                    

Chapter 3: Mystery Guy

FIFI’S POV>>
October 23, 2011

Nandito kami sa bahay nina Nans. Lahat kami nandito sa napakalaki niyang kwarto sa second floor.

“Grabe lang! Ang hirap ng dare nyo sa’kin!” sabi ko sabay higa sa  malambot na kama ni Nans. Ang ganda talaga dito, para akong nasa ulap. Sky blue and white kasi ang theme ng kwarto niya, tapos yung ceiling, parang may mga stars.

“Mine was worst.” Casual na sabi ni Nans, ang dare kasi namin sa kaniya ay ang magpaka-kikay o magpunta sa sementeryo.

Pero tama naman sya, para sa kanya mahirap pumili, kasi takot sya sa sementeryo tska ayaw nyang magpakakikay. Pero yung chick dare ang pinili nya! At may nagyayang makipagdate sa kanya pero tinanggihan nya!

“Hala. Ano pa kaya yung sakin?” Sabi naman ni Cassie, magpa-kalunod sa harap ng crush nya or makipagdate kasi ang pinapapili namin sa kaniya. Ayaw nya na kasing makipagdate eversince nagbreak sila ng bf nya na niloko lang sya. And swimmer sya kaya nakakahiya na malunod sya sa harap ng crush nyang Senior Swimmer. Pero yung second choice ang pinili nya, at swerte, ni-CPR pa sya!

“Ako! Ako ang may pinaka-mahirap na dare!” Sabi ni Jianne habang kinakain yung cake na hinain samin ng katulong nina Nans.

“Ano ka, ang dali kaya ng iyo.” Pagtutol ni Cassie sabay irap ng bonggang bongga kay Jianne at higa sa tabi ko.

“Psh! Ang hirap kaya no. Pinapili nyo ko kung sisigaw ako ng “I LOVE YOU JEREMY!” sa hallway during class hours, o i-stalk ang vocalist ng pinakasikat na banda sa university.” Sabi ni Jianne habang kumakain parin, grabe talaga tong pinsan ko, napaka takaw.

Balik sa dare, si Jeremy kasi ang Biggest Geek sa buong university , malaking kahihiyan kung ang NBSB Prom Queen noong high school ay sisigaw ng ganun. At, ayaw nya rin ng stalk-stalk na yan, nagmumukha daw syang cheap, gusto nya sya ang nilalapitan.

“Pero pinili mo paring i-stalk yung vocalist nung..Summer Phoenix ba yun?” Sagot ko sa kanya habang niyayakap yung elephant stuff-toy ni Nans.

“Oo.. Ikaw nga lang ata ang natuwa sa dare eh, di ka naman nahirapan bebe!” Sabi ni Cassie na naki-join narin sa pagkain kay Jianne. Tch, dito nagkakasundo tong dalawang to eh.

“Ikaw rin kaya.. Ano kaya ang feeling ng maglapat ang inyong mga labi ng-- crshhhhhmasdfaghjkl.” Tinakpan kasi ni Cassie yung bibig ni Jianne kaya medyo muffled ang sinabi ni Jianne. Lagi kasi naming inaasar si Cassie tungkol sa ‘CPR’.
“Ay Jianne, magkwento ka na tungkol sa Summer Phoenix.” Sabi ni Cassie ng kilig na kilig. Oo nga pala! Naalala ko, hindi pa nasshare ng pinsan kong to ang mga impormasyon na nakuha nya tungkol sa sikat na banda na yun.

“Iyon nga girl! May ikkwento akong BIG THING.” Sabi ng pinsan ko na sobrang lapad na ngiti na akala mo may crazy idea na naiisip.

“Sino ba yang Summer Phoenix na yan?” Tanong ko at umupo ng maayos. Curious narin ako kasi lagi ko nalang naririnig yan sa campus, pero never ko naman silang nakita. Or baka nakikita ko nga pero di ko alam na sila yun?

“Okay. Summer Phoenix, isang super sikat na banda sa ating University. Pero hindi natin sila kilala!" Sabi ni Jianne sa tono na ‘as-a-matter-of-fact’.

“You don’t know them kasi hindi kayo sumasali sa mga activities ng school. I know them kasi lagi akong present do’n.” side comment naman ni Nans. “Shhh. Tuloy Jianne.” Di naman masyadong excited si Cassie?

“Eto nga, ang vocalist ng banda, Sean William Campbell also known as Sam, part British. Yun yung naka-salamin kanina. Guitarist, Vance Alexander Perez, aka Xance as in X-A-N-C-E, half Korean.” Xance? ang cute naman ng name! “On bass, Clarenz Yohan Yokohama or Renan, half Japanese. And on drums, Kyle Ethan Jeong or Ken, half Korean. Yun yung may hawak ng drumsticks kanina.”

“Oh, ano yung BIG THING??”  “Yung kiniss ni Fifi, sya ang.....
LEADER at GUITARIST NG SUMMER PHOENIX!”

“ANO???!!” “Swerte!” “Gulo yan.” Sabay sabay naming react. Grabe naman! Napakaliit ng mundo!

“Ayan ka na naman Nans, pero tama, gulo nga, maraming fans yun. And if nalaman nilang nakiss mo ang kanilang Prince Charming, lagot ka.. Balita ko, NGSB yun, kaya malamang, ikaw ang first kiss nya.”

Pero tama nga sila, sana walang nakakakitang kakilala namin, kundi double dead ako, lagot ako kay JV my Love, at magkakaron din ako ng death threats from that guy’s fans!

3RD PERSON’S POV>>

May isang misteryosong lalaking naka-upo sa paanan ng pinakamalaking puno sa playground.

Nagbabasa sya ng sulat na hindi naman nya kilala kung kanino. Mahigit isang taon narin nya itong ginagawa at sa tingin nya, unti-unti na nyang nagugustuhan si M, ang babaeng nagsusulat nito.

Napagpasyahan nyang magsulat, at inipit nya rin ito sa puno, “I’ll see you soon M” ang sabi nya sa sarili nya.

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon