LHS : Chap. 24 [The Favor]

250 3 1
                                    

Author's note : (sa unahan talaga? XDD) 

I edited some infos sa buong story. 

Si Fifi, instead of taking some units sa HRM, binago ko na.. Sa Food Technology na. 

Then yung kay Cassie, diba Business eching yung course nya, then kumukuha lang sya ng ilang units sa Culinary Arts. Binago ko na, Culinary Arts na talaga ang course nya, then part time model sya. :D 

________________________________________________________________ 

Chapter 24 : The Favor 

Cassie's POV 

"Uhm.. Cassie." approach sakin nung lalaking ewan ko kung saan nanggaling. Nandito kasi ako sa library, researching for some recipes. 

"Yes?" nilingon ko sya. Waiting for his answer. 

"Pwede bang manligaw?" Ligaw kagad? Ni hindi ko nga to kilala. Tinignan ko sya ng mabuti, matangkad, maganda ang facial features. Mukhang matalino. 

"Oo naman.." napangiti sya sa sinabi ko, "Wag nga lang sakin.; sabay tayo, binalik ko yung mga libro sa shelves, then lumabas na ng library. 

Alam ko, i'm the type na kinikilig sa love story ng iba. But, ayoko magkaron ng sariling love story. 

Dahil pare-pareho lang ang mga lalaki! Mga manloloko sila. Well, except sa Dad ko, and sa mga Dad ng Phoenix and Co. Pati narin sina Jam, Sam, Stephen,.. But, ewan ko lang kina Jayd, Ken, Renan at kay.. Xance. 

Grabe talaga, nagulat ako sa revelation ni Fifi nung isang isang araw. Whew. 

*Flashback* 

"Hahaha.. Pero ang ganda nung video mo ah. Galing mo kumanta Bebe." sabay hug sakin ni Jianne. 

Napatingin naman ako kay Fifi. Para syang.. 

Tulala. 

"Fifi, anung meron?" tanong ni Leigh. 

Napatingin ako sa tinitignan ni Fifi. Xance and Belle, walking together, while laughing.. Ang saya saya nila tignan. 

Nagkatinginan kami nina Nans at Jianne. Tumingin din samin sina Leigh, Jam at Jarel. 

Parang parepareho kami ng naiisip. 

Nagseselos ata si Fifi. Ikaw ba naman, nakita mo ang babaeng umaagaw ng pwesto mo sa pamilya mo, na kasama ang boyfriend mo eh. Di ka ba magkakaganyan? Tsk. Sarap sabunutan ni Belle! 

"Girls, Jarel and Jam.. I have something to tell you." tinignan lang namin sya, naghihintay sa susunod na sasabihin nya. 

"Our relationship.." matagal syang nagpause. Lumunok at parang naghhesitate pa. 

"..is fake." 

Walang umiimik samin, para bang lahat kami nag-buffer ang utak. 

Binasag ko ang katahimikan. 

"Panong--.. Bakit?" hindi ko alam kung anung itatanong ko. 

"Sino-sino pang nakakaalam?" mabilis na tanong ni Jarel. 

"Alam ba to ni cutiepie? Bakit wala syang sinasabi sakin." sabay kamot sa ulo ni Jianne. 

"What's the reason?" tanong ni Jam. 

"Teka teka. Wait lang. Isa isa lang. Mahina kalaban." tinignan lang namin sya. Ako naman, nag-act na parang zinipper ko yung bibig ko. 

"Ikkwento ko nalang from the start." tumango kaming lahat. Kinakabahan ko na na-eexcite, ang adik. "Kasi naaalala nyo nung debut ko?" 

LOVE-HATE STORY (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon