#IKWKMTriviasAng kuwentong ito ay aking unang isinulat noong November 2008 at inilagay sa aking Multiply website. Pansamantala kong itinigil ang pagsusulat dahil sa ilang importanteng bagay. Sa pananatili ko sa Wattpad, naisip ko itong ipagpatuloy at natapos ang unang yugto noong March 2013.
Sa tulong ng isang publisher, nailathala ang unang libro noong June 13, 2014. Subalit bago pa iyon mailabas sa publiko, naisip ko nang magsulat ng ikalawa at ikatlong yugto.
Isinulat ko naman ang ikalawang libro mula August hanggang December 2014.
Nasa ikaapat na kabanata na ang ikatlong libro nang muli akong pansamantalang huminto sa pagsusulat.
Sa loob nang mahigpit dalawang taong pag-iisip, muli kong ipinagpatuloy ang pagsusulat sa ikatlong libro noong August 2016
Naging tuloy-tuloy naman ang aking pagsusulat mula ikapito hanggang sa epilogo at sa wakas natapos ang trilogy noong September 8.Sana magustuhan n'yo ang buong kuwento ng I Know Who Killed Me. Kung may nais kayong itanong tungkol dito ay sabihin n'yo lamang sa akin. :)
----------------------------------------------
#IKWKMUpdate
Sa ngayon ay inaayos ko na ang buong manuscript upang magkaroon ako ng self-pub version o pansariling kopya lamang ng aking I Know Who Killed Me Trilogy...
2016©Mysterious Eyes | Xerun Salmirro
BINABASA MO ANG
I Know Who Killed Me 3 (Published under LIB DARK)
Mystery / ThrillerBook 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na siguradong maglalagay sa 'yo sa bingit ng kamatayan. Kaya kapag hindi mo nagawa 'yon, hindi mo sila m...