Chapter 3 The Mission

44.5K 1.1K 48
                                    

"Love is not something you feel, it is something you do."


Ara POV


"Are you insane?!" Sabay-sabay namin na bulalas kay Athena.

Nasa CR kami ngayon nagpupulong-pulong tungkol dun sa suhestyon niya kanina na si Alexandra Montalban na lang ang hihingan ko ng tulong tungkol sa problema ko.

"No. I'm genius." Proud pang sagot niya.

"We're serious here!" Naiinis ng sambit ni Sofia.

Nakahalukipkip kaming tatlo na nakapalibot kay Athena. Lunch break namin at mamaya maya ay pupunta na ulit kami sa stadium para dun sa seminar.

"What are you trying to suggest?" Di ko na napigilan itanong.

"Simple lang. Seduce Alexandra Montalban." Nakangiti pang sabi niya.

"Nahihibang ka na ba?" Bulalas ko dito.

Binatukan naman ni Penelope si Athena. "Sira ulo ka pala eh."

"Ouch!" Protesta naman nung isa. "Ang sakit kaya." Inirapan pa niya si Penelope.

"At isa pa, sabihin na nating umoo si Ara. Paano naman niya yun gagawin?" Sabi naman ni Sofia.

"Makinig muna kasi kayo." Sabi pa niya sa amin na para kaming mga batang pinagsasabihan niya. She earned a death glare from the three of us. But we listen to her anyway. "Ara needs to seduce Alexandra, and if she took the bait, madali na lang siyang makakahingi ng tulong dito dahil in love na siya sayo." Paliwanag niya.

"Parang ang dali lang gawin nun sayo ah." Nakataas ang kilay na sabi ni Sofia.

"Ara can do that... easily." Nakangisi si Athena sa akin.

Nakakataba naman ng puso na ang taas ng confidence sa akin ni Athena na magagawa ko yun. Pero maalala ko lang yung mala tigreng mga mata niya, parang ayoko i-try.

"Why don't you try Ara?" Sabi pa sa akin ni Athena.

"Okay. Granted that I agreed to your plan. To seduce Alexandra." Sabi ko. "Paano ako makakalapit sa kanya aber?"

"Magpabagsak ka sa exam next week ---" Hindi na niya naituloy dahil binatukan ulit siya ni Penelope. "Ano ba? Nakakadalawa ka na ha?"

"Hey, hey!" Awat ko sa kanila. "Stop!"

Ang sama ng tingin na pinukol ni Athena kay Penelope.

"Why would I do that?" Takang tanong ko naman sa sinasabi ni Athena kanina.

"Di ba yung mga babagsak sa mid term next week under Professor Manansala, may special project?" Tukoy nito sa Professor namin sa major subject, Entrepreneurship.

"Sira ulo ka na talaga. Sa major subject pa talaga." Naiiling iling na sambit ni Sofia.

"Hindi niyo kasi gets yung plano ko eh." Sabi pa ni Athena.

"Then explain... further!" Pinandilatan pa siya ni Penelope.

"Kapag mababa ang nakuhang grade ni Ara dun, bibigyan siya ni Prof ng special project --- yung research." Paliwanag niya. "And may mga pagpipilian siya dun sa mga ire-research niya. Ang pipiliin mo, Ara, yung large scale entrepreneurship -- agricultural/livestock base. And we all know that Alexandra Montalban owns hacienda in Padre Garcia, Batangas." Tumingin siya sa akin at para namang na-gets niya kung ano yung gusto ko itanong. "Paano ka makakapasok dun? Sabi ko nga simple lang, ask our Professor for a recommendation."

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon