"I've never been so scared of losing something in my entire life, then again nothing in my life has ever meant as much to me as you do."
Ara POV
Magdadalawang linggo na rin ang nakakalipas simula ng dumating ako dito sa Hacienda Montalban. And since the first day I got here, Alexandra still confuses me. I know my plans are working on her since she couldn't deny the strong attraction she feels towards me. And I know, I feel the same too.
Don't fall in love with her. Don't you dare! Paalala ko sa puso ko na nagwawala na naman ngayon dahil kay Alex.
Bago ako pumunta dito, buo ang loob kung gawin ang mission ko para sa family ko, para sa kinabukasan ng negosyo namin. But as days goes by, she makes me feel it isn't right anymore to pursue that mission.
But what should I do then? I'm torn between my mission for my family and my feelings for Alexandra. I know I shouldn't have involve my heart into this but I can't help it. Parang habang pinipigilan ko siya, mas lalo itong nagwawala.
Come on, Ara? You said before that love is just for fools. So what happened now? You're one of those fools too? Tuya sa akin ng aking isipan.
Habang palapit sa akin si Alex mula sa kinauupuan ko dito sa ilalim ng puno ng malaking mangga ay pakiramdam ko napapalapit ako sa isang bagay na nakakapaso.
"Okay ka lang ba diyan?" Tanong niya sa akin ng makita ako at makalapit siya sa kinauupuan ko.
"O-okay lang." Sagot ko naman at di ko naman maiwasang di mapansin ang braso nitong bagamat magaling na ay may gasa pa din yung sugat.
"Mahilig ka ba sa maasim?" Amused na tanong niya sa akin.
Kunwa'y nag-isip ako. "Hmmm... depende." Nakangiting sambit ko.
"Depende saan?" Kunot-noong tanong niya.
"Depende kung maasim na amoy ng tao o maasim na mangga." Biro ko sa kanya.
Di niya napigilang matawa, at di ko din mapigilang mapatanga sa kagandahang taglay niya.
"O sige iibahin ko na lang yung tanong ko?" Sabi niya. "Mahilig ka ba sa maasim na mangga?" May ngiting dagdag niya.
"Hindi masyado eh." Sagot ko which is true naman. Di ako mahilig sa maaasim na pagkain. Pero kapag matamis yung mangga, yun gusto ko.
"Saglit lang." Yun lang at eksperto siyang umakyat ng malaking puno ng mangga.
Napatayo ako at biglang natakot para dito. "Alex, baka mahulog ka diyan." Saway ko sa kanya. "Bumaba ka nga!"
Hindi niya ako pinakinggan. And kailan pa ba siya nagpa-saway sa akin? Iiling-iling na wala na akong nagawa kundi panoorin siyang umakyat sa mangga. Para itong naghahanap ng mapipitas. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng mamataan ang hinog ng mangga. Pagkapitas niya iyon ay saka niya inamoy. Ilang sandali pa'y bumaba na din siya dala ang dalawang piraso ng hinog na mangga.
"May lahi ka bang unggoy?" Biro ko sa kanya ng makababa na siya at nakatayo na sa harapan ko.
Nagkibit balikat siya. "Siguro." Sakay niya sa biro ko. "O." Iniabot niya sa akin yung dalawang piraso ng mangga.
Nag-alangan naman akong tanggapin iyon. "Hindi ba yan maasim?" Nakangiwing tanong ko sa kanya.
Umiling siya. "Hindi." Itinaas niya yung mangga sa mukha ko. "Amoyin mo."
"Ha?" Naguluhan naman ako dito.
"Basta amoyin mo." Pilit niya.
Inamoy ko naman yung sariwang pitas ng mangga. Ang bango ng amoy, pumikit pa ako para namnamin yung amoy niya.
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
Storie d'amoreArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...