Chapter 24 Hottest Girl in Town

42.9K 928 67
                                    

"I want someone who will look at me and say I am her forever."

Ara POV

"What do you want to eat?" Abby asked me while we're sitting opposite to each other here at Italian Restaurant where she took me after she called me up to meet and talk.

"Anything." I answered back looking at her while she's busy scanning the menu. "I leave it to you."

Tumingin siya sa akin over the menu. "Are you sure?"

"Yup." Tipid kong sagot.

"Okay." Yun lang at sinabi na nito sa waiter kung anong order namin.

Hindi ko alam pero kapag si Abby ang kausap ko para akong kinakabahan palagi. Siguro dahil yun sa kaalamang she despises me for her cousin. Sabagay di ko naman siya masisising di ako agad pagkatiwalaan dahil nga sa nagawa kong panlilinlang noon kay Alex. But I've changed. I hope she can see that, cause Alex already did.

"Thank you for giving your precious time to me." Panimula niya ng makaalis na yung waiter.

Nasa school kasi ako ng mga oras na iyon, araw ng Miyerkules. Last Friday kasi, nakipag-deal ako dito at pumayag mag model nung brand niya ng underwear. Tapos nga iyon, tinawagan niya ako na magkita daw kami dito at may importante at masinsinang pag-uusapan.

"No problem, Abby." I said back.

She smirked at me. Yeah, smirk. I never saw her smiled at me, like smile, smile.

"Seryoso ka talaga sa pinsan ko." Mataman niya akong tiningnan.

"Yes." Walang kagatul gatol na sagot ko sa kanya. "I love Alexandra."

Napataas yung kilay niya sa sinabi ko. "Halos lahat yata ng babaeng nakilala ko na nalilink sa pinsan ko, mahal siya." Makahulugang sabi niya. "Sabagay di ko sila masisisi, Alex is a good catch." Patuloy niya at halos alam ko na kung saan patungo ang usapan namin. "She's gorgeous, young, intelligent, kind, very much single... and rich. Super rich."

I laugh sarcastically. "Yes she is." I stared at Abby. "I admit, malapit ng ma-forclosed yung business namin, including our house, but I assure you, Abby. Hinding hindi ako hihingi ng pera mula kay Alexandra." Mariing sabi ko.

"I admire your honesty." Sagot niya sa akin as she lean back to her chair and crosses her arms across her chest. "I want to tell you something, Arabella."

Mataman lang akong nakikinig sa kanya. Oo, nasaling niya yung ego ko. But she's Alexandra's cousin. Alam ko kung gaano sila close, together with Danielle. The least I want right now is a bad blood between Abegail and I.

"Absolut is my life right now." Kwento niya. "I can say and proud to tell you that it contains my blood and sweat. I built my own empire. I built my own kingdom... without the help coming from my dad." Kahit papaano, interesado ako sa kwento niya. I want to know more about Abby.

"Nagtiyaga akong magsimula sa maliit na negosyo until it blooms." Halata sa mukha niya ang pagka-proud sa nakamit na tagumpay ng brand niya. Hindi ko maaninag sa kanya yung pagiging mayabang. "Well, siguro na rin dahil dala dala ko ang apelyedong Montalban kaya somehow, nakilala agad ang Absolut."

"Why are you telling this to me?" Curious na tanong ko sa kanya.

"Because you accepted the deal." Sagot niya sa akin.

Nahinto lang yung usapan namin ng dumating na yung in order niyang pagkain namin.

"Because I want to earn your trust and approval." Direktang sagot ko sa kanya.

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon