"Courting is much sweeter term than 'dating'. It sounds like it has more intent, more like an agreement that two people enter into with a future in mind."
Alex POV
"Okay, bye Danielle!" Nakangiting sabi ko habang kausap namin siya ni Abby through her phone. Naka-loud speaker kasi para marinig naming dalawa ni Abby.
"Enjoy your honeymoon!" Masaya ding sabi ni Abby sa pinsan namin na kasalukuyang nasa Paris kasama ang asawa niyang si Camille at doon sila nag honeymoon.
"That's for sure!" Narinig pa namin ang tawa niya ng sinabi yun.
"Kawawang Camille." Natatawang tukso ni Abby sa kanya.
"Hey, I heard that!" Agad na sagot ni Danielle. "Alexandra?"
"Yes?" Sambit ko.
"Dalian mo manligaw kay Arabella ha?" Saad niya. "Para ikaw na sunod na ikakasal next year. Hayaan mo na si Abby na tumandang dalaga." Sabay tawa pa.
"Damn you, Dani!" Natatawa namang sagot dito ni Abby habang nagmamaneho siya.
Malutong na tawa din lang ang isinagot nung isa. "Sige na. I have to go. Camille's already waiting for me." May pang-iinggit pang sabi niya.
"Ingat kayo diyan." Pahabol ko naman.
Nagpaalam na din kami ni Abby dito. Masaya ako para kay Danielle dahil alam kong maligayang maligaya ito sa piling ni Camille. Nakakainggit nga sila, sa totoo lang.
"So you're still courting Arabella huh?" Abby's teasing me again.
Sumulyap ako sa kanya at ngumiti. Nung dumalaw kasi ito kanina sa hacienda, nakisabay na ako papuntang Laguna. May business trip kasi ito dun. Di baleng yung kotse na lang ni Ara ang gagamitin namin pabalik ng hacienda.
"Ano namang masama dun?" I asked.
I know naman na hindi na galit si Abby kay Ara pero hindi pa rin sila nag-uusap. Ara wanted to make peace with Abby. Minsan lang kasi mataas ang pride nitong isa.
Umiling siya habang nakatuon ang pansin sa kalsada. "I'm just wondering sa tagal ni Ara na pabalik-balik sa hacienda kung wala pang nangyayari sa inyo."
Hindi ako kumibo. I just simply smiled at her thoughts. Ara and I, uhm, let's say, we're very compatible pagdating sa bagay na iyon.
"Alex?" Palipat lipat siya ng tingin sa kalsada and then sa akin. A realization hits her. "Oh my God!" Eksaheradang sambit niya. "So meron?" Nakangiting tanong niya sa akin. Nakangiting nakatingin lang ako sa kanya. "Alex, you're a perv!" Natatawang hinampas niya ako sa balikat.
"Aray!" Kunwaring protesta ko dito. "I don't kiss and tell, Abegail." Sambit ko sa buong pangalan niya.
"So courtship pa rin talaga kayo?" May pilyang ngiti sa labi niya.
Nagkibit ako ng balikat. "Gusto niya kasing ligawan ko daw muna siya."
Natatawa din naman ako sa sitwasyon namin ni Arabella. Sabi niya gusto daw niyang ligawan ko muna siya bago maging kami. Pero kapag ganung medyo mainit na yung harutan namin, di naman siya tumatanggi.
"I can see you're in love with her." Narinig kong sabi niya.
"She's different Abby."
"Sana lang talaga totoo na yang pinapakita niya sayo." Mahirap kasi kunin ang tiwala nitong si Abby lalo na't nasaktan ako dati ni Arabella.
Nakakaunawang tumingin ako sa kanya. Ayaw lang niya kasing niloloko kami ng iba.
"Nagbago na siya." Depensa ko kay Ara.
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomanceArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...