Chapter 16 Hard To Say I'm Sorry

33K 920 52
                                    

"Pain can change you, but that doesn't mean it has to be a bad change. Take that pain and turn it into wisdom."

Ara POV

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng mapaalis ako sa hacienda. Ilang araw na din akong nagkukulong sa kuwarto, umiiyak, nalulungkot. Ilang beses ko na bang sinisi ang kagagahan ko dahil nasaktan ko si Alexandra at dahil dun, lumayo siya sa akin.

Ilang araw na din akong kinukulit nina mama na lumabas at mamasyal kasama sina Sofia. Pero wala akong gana.

Karma is a bitch. Ang sabi ng aking isipan.

Yeah, karma ko na nga talaga 'to sa lahat ng lalaking pinaasa ko, niloko at pinaglaruan. At ang nakakatawa ay babae ang gumanti para sa kanila.

I miss her so much. I miss her smile though I seldomly see those on her beautiful face. I miss her touch, her kisses, her.

Mas nanaisin ko pang sinampal na lang sana ako ni Alex kaysa sa pinagtabuyan niya ako at sinabing ayaw na niya akong makita pa kahit na kailan. Tinawag pa akong ahas.

God! Ang sakit sakit pala kapag yung taong mahal mo ang magsasabi nun sayo.

And yes, I love her. I've just realized that I do love her. I fell in love with Alexandra Montalban.

Sana man lang binigyan niya ako ng chance na magpaliwanag. Na nag-iba na intensyon ko sa kanya sa simula pa lang na nagkita kami. I don't need her money anymore, dahil siya, siya mismo ang kailangan ko. Wala na akong pakialam kahit mawala na lahat ng mga mararangyang bagay na nakasanayan ko. I know mahihirapan ako mag-adjust kung sakali, pero mas mahirap yung ganito. Yung galit siya sa akin. Yung kinamumuhian niya ako.

I'm not sure if I'm ready to go back to school tomorrow. I don't know how to face the world anymore. Not the usual Arabella who will just shake it off and go on with her life. Na wala pang sinuman ang kayang manakit sa akin. But Alex did in just one swift motion.

Kasalanan mo din naman eh. My conscience. Alam mo naman na sa simula pa lang, mali na talaga yung intensyon mo.

I heard a soft knock on my bedroom door. At kilala ko na kung sinuman yun. It's my mom.

"Arabella, anak." Tawag niya sa akin. "Please naman kumain ka na. I'm so worried." Pakiusap niya.

Kailangan din bang pati sila madamay at masaktan? Sabi ng inner self ko. They don't deserve this.

Pinunasan ko na yung luha ko, nag-ayos ng sarili tsaka nagtungo sa pinto upang buksan iyon. Inuwang ko lang ng konti yung pinto at nakita ko ang sobrang pag-aalala sa mukha ni mommy.

"Oh, baby." Malungkot na sambit niya. "Please let me in. We can talk whatever it is."

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso. I know I'm a mess right now and I look like one too.

"Simula ng makauwi ka from Batangas ganyan ka na. Tell me, anak, ano ba talaga nangyari sayo dun?" She said. "Don't you trust mama?"

Para naman akong nakonsensya sa sinabi niya. Dati kasi nagsasabi ako sa kanya kahit ano pa yun. But this one, I don't know pero parang ang hirap sabihin eh.

"Mom... I..." Ang hirap ding magsalita ng mga sandaling iyon. "I c-can't talk right now. Please."

Hindi siya kumibo at malungkot lang siyang nakatingin sa akin. "Pwede bang kainin mo na lang 'to?" Sabi na lang niya sa dala niyang tray ng pagkain.

Tumango ako. "O-okay." At kinuha ko na yun sa kanya.

"You can talk to mama anytime you want." Sabi pa niya bago ko isinira yung pinto.

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon