"I wish you just slapped me instead of leaving me. Because physical pain is much more bearable than this." - Arabella
Ara POV
"Ma'am heto na po yung mga bagong supply ng spare parts." Sabi sa akin ng isa sa mga tauhan ko dito sa shop, si Mang Boyet.
"Sige po, mang Boyet. Paki check na lang po." Sabi ko sa kanya at ibinigay sa kanya yung checklist ng mga supplies.
Pagkatapos nun ay nagtungo na ako sa mini office ko sa loob ng shop. Malamig na yung kape kong kanina pa yata umaga natimpla. I glanced at my wrist watch. Mag-a ala una na di pa aki kumakain ng lunch.
Hindi namin natubos yung mga negosyo at bahay namin kaya wala na kaming nagawa kundi hayaan na lang ang bangko na ma-foreclosed iyon. At ilang linggo din ang nakalipas pagkatapos ng pangyayaring iyon, namatay si daddy. Heart attack.
Iyak ng iyak si mommy nun. Kinailangan kong magpakatatag para sa kanya... para sa aming dalawa. Kahit na wasak na wasak yung puso't kaluluwa ko that time dahil sa pag-iwan sa akin ni Alexandra.
Speaking of Alexandra... bigla ko na namang naramdaman yung pamilyar na kirot sa dibdib ko.
Hindi ko alam kung anong nangyare at bigla na lang out of nowhere, ayaw na niya ako makita at makausap. Hinintay ko siya nun sa bahay na binili niya dito sa Laguna na siyang nagsisilbing tagpuan namin at kung san siya tumutuloy kapag nandito't binibisita ako. Pero walang Alex na dumating. I called her a hundred times pero ni isa wala siyang sinagot. Ilang text messages din ang pinadala ko sa kanya, ni isa man lang dun kahit blank message na lang sana nireply niya kaya lang wala eh.
Ay dahil nag-alala ako sa kanya nun, agad ako bumiyahe patungong Batangas para tingnan siya pero wala daw siya sa hacienda ang sabi nung guard. At di man lang ako pinapasok sa loob na dati rati makilala lang nila na kotse ko yung papasok, wala ng tanong tanong pa at hinahayaan na lang nila ako pumasok. Malaya akong nakakalabas pasok sa hacienda nun, pero ng araw na iyon, di nila ako pinayagan. Utos daw iyon ni Alex.
I tried to call her again pero wala talaga. Di siya sumasagot. Nagmakaawa na ako sa mga guard dun pero wala pa ring epekto. Umuwi akong gulong gulo ang isip at nasasaktan. Ang daming katanungan sa isipan ko ng mga sandaling iyon.
Bakit bigla bigla na lang akong iiwasan ni Alex? May nagawa ba akong mali at di niya nagustuhan? O nagsawa na ba siya sa akin? Ano?
Iyak ako ng iyak nun at tumuloy ako sa bahay ni Alex sa Laguna, na ayun sa kanya ay sa aming dalawa daw iyon. Na binili niya iyon para sa akin.
Hindi ko alam kung ilang beses ako nagpabalik balik sa hacienda. Kahit umuulan o bumabagyo naghintay ako sa labas ng hacienda para kausapin lang si Alex pero matigas siya. Kahit anino ko yata ayaw niyang makita eh.
Nalaman ko na lang isang araw na sumunod pala ito sa pinsan niyang si Abby na nasa Paris at dun daw muna pansamantala titira.
Ang sakit sakit ng pag-iwas at pag-iwan niya sa akin nun. Halos ikamatay ko ang pangungulila ko sa kanya. Lahat ginawa ko para sana makausap man lang siya. Nagmakaawa na din ako nun kay Danielle na ibigay yung address at kahit phone number man lang nu Abby para siya na lang sana tatawagan ko pero ayaw din ibigay dahil nakiusap daw si Alex sa kanya.
Ang laki ng katanungan nun sa isip ko kung BAKIT niya ginawa yun sa akin?
Tapos yun nga, na foreclosed lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko, namatay pa si daddy. Si mommy sobrang lungkot niya ng mga sandaling iyon. Kinailangan ko magpakatatag at kalimutan ang sarili kong sugat sa puso para kay mommy.
Kahit papaano, may natira kaming pera. Yung pinagbentahan ni mama ng lupain niya nun sa Pampanga na hindi naminnnagamit, yun ang pinambili ko ng condo at pinang simula ko ng maliit na business na unti-unti namang lumago.
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomanceArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...