Chapter 10 The Fever

42.2K 1K 199
                                    

"As much as you want to plan your life, it has a way of surprising you with unexpected things that will make you happier than you originally planned."

Alex POV

Gusto kong batiin ang sarili ko kahapon dahil sa pagtitimping ginawa ko kay Arabella. Matinding self control ang ginawa ko para lang hindi siya kuyumusin ng halik sa may taniman ng dragon fruit.

Napapikit ako. Parang palagi akong inaakit ng mga labi nito. And I must say, I like the feeling of her in my arms. She's soft and delicate. Warmth yet sweet.

"O!" Parang nagulat pa ako sa boses ni Nana Idad ng lumapit siya sa akin sa may garden. Nakaupo kasi ako dun at nakatulala... na naman. "Nakatulala ka diyan, anak. Ang aga-aga eh."

"Hindi naman po, nana." Sagot ko sa kanya. Inilapag niya ang dala niyang agahan ko. "May iniisip lang po."

Naupo siya sa kabesera ko. "Hindi na kita nakikitang lumalabas ng hacienda." May halong pag-alala sa boses niya.

"Lumalabas naman po ah." Saad ko.

"Ang ibig ko sabihin, yung mamasyal. Maranasan ang buhay ng isang dalaga." Payo niya.

Kunwari'y natawa naman ako sa sinabi niya. "Nana, alam mo namang kapag lumabas ako, imbis na maranasan ko ang buhay dalaga, baka mabingwit ako ng isang dala na." Biro ko.

"Hay ikaw talagang bata ka!" Sabay tayong sambit niya. "Puro ka kalokohan."

"Si nana talaga o." Kunwa'y nagtatampong sambit ko.

"Hala, kumain ka na diyan. May gagawin lang ako." Sabi niya at tumalikod. Pero humarap din sa akin ng may maalalang sabihin. "Hindi pala makakasama sayo si Ara sa may kuwadra ngayon."

Next kasi na pupuntahan namin yung kuwadra. Isa din iyon sa part ng research niya.

Kunot-noong tumingin naman ako kay nana Idad. "Bakit daw po?"

"May sipon." Sagot niya. "Nilagnat din kagabi."

Bigla naman akong sinalakay ng pag-aalala pero pilit ko iyon itinago kay nana. "Bakit di niyo dinala sa hospital?"

"Hay naku parang ikaw din yun ang tigas ng ulo!" Sabi pa na winagayway ang kamay na parang may pinapaalis.

Nag-isip ako. "Sige po nana. Dadalawin ko na lang ho siya mamaya." Sabi ko kapagkuwan.

Tiningnan naman ako nito ng makahulugan. Pero hindi siya nagsalita.

"Syempre ho bisita natin siya. Nasa hacienda po siya at kapag may nangyaring masama, sagutin ko ho." Depensa ko.

"May sinabi ba ako?" Nangingiting sabi ni Nana Idad. Hindi ko kumibo at nagsimula ng kumain.

"Ke gandang bata ano?" Sabi niya. "Di malalayong magustuhan mo." Tukso pa niya.

Nasamid ako sa tinuran niya. Nauubong kinuha ko yung baso ng tubig at uminom. Nangalahati yun.

"Nana alam mo namang hindi ganun ang mga tipo ko." Kunwaring sagot ko.

"Ano? Yung mga gusgusin?" Tukoy niya sa mga tipo ko.

Sabi ko kasi sa kanya dati, ang mga tipo kong babae yung marunong sa buhay, responsable. Yung hindi maarte. At higit sa lahat, yung stick to one. At kayang mamuhay kasama ko dito sa hacienda.

"Gusgusin?" Sambit ko naman. "Nana naman hindi gusgusin yung ganun."

"Hay naku, kung ayaw mo kay Ara, irereto ko na lang siya kay James." Sabi pa at tumalikod na ng tuluyan.

Napatigil naman ako sa pagsubo. In-imagine ko si Ara kasama si James.

Sagwa! Di bagay! Sabi ko sa sarili ko na napaismid pa at iiling iling na parang nandiri.

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon