"True love isn't easy, but it must be fought for. Because once you find it, it can never be replaced."
Alex POV
Saturday morning, bumisita sina Danielle at Camille sa hacienda. Finally, I got to meet Camille... Dani's obsession.
"It's so nice to meet you, Camille." Nakangiti ng tipid na sabi ko sa kanya at inilahad ang aking kamay.
"Nice to meet you too, Alex." Nakangiti ding bati niya sa akin na nagpakita sa dimples nito sa pisngi ng tanggapin niya ang aking kamay for a hand shake.
"Di na ako magtataka why Danielle's so in love with you." Panunukso ko sa kanilang dalawa.
Para naman itong nahiya at nag-blush pa. Saka mahinang siniko sa kanang tagiliran si Danielle na nasa tabi niya at nakaakbay sa kanya ng mga sandaling iyon.
"And where's Arabella?" Danielle asked.
Di na ako magtataka kung bakit alam niyang nandito ngayon si Ara dahil tiyak ko na si Abby na naman nagsabi sa kanya.
"Nasa kusina." Sabi ko.
"Wow, pinagsisilbihan ka niya talaga ng mabuti, huh?" May pilyang ngiti sa labi na sabi ng pinsan ko.
"Well..." Di ko na naituloy yung sasabihin ko ng lumapit sa amin si Arabella na may dalang tray ng merienda kasunod si Nana Idad na may dalang juice at baso.
"Merienda muna kayo." Sabi ni nana at inilapag sa may center table dito sa salas yung merienda.
"Nana Idad!" Masiglang bati ni Dani sa matanda saka niyakap ito.
"O Danielle, ikaw pala iyan!" Masaya ding sabi at gumanti ng yakap. "Buti at napadalaw ka naman dito." Saad niya ng kumalas ito kay Dani.
"Yup, gusto ko kasi kayong personal na imbitahan sa kasal ko." Nakangiting sabi ni Danielle. "And I would like you to meet, my bride, Camille." Pakilala niya. "Camille, si nana Idad. Mayordoma dito and a second mom to us."
"Kumusta po?" Masayang bati ni Camille. "Ikinagagalak ko po kayong makilala, nana." Magalang pa niyang dugtong. Parang ang bait bait nito. Ang swerte ni Dani.
Imbes na tanggapin ni Nana yung nakalahad na kamay ni Camille ay niyakap niya ito. Tumingkayad pa kasi mas matangkad si Camille sa kanya.
"Mas ikinagagalak kong makilala ka, hija!" Masayang masayang sambit ni nana. "Kay gandang bata." Sinipat niya ng tingin si Camille mula ulo hanggang paa ng kumalas na ito sa yakap.
"Syempre naman nana di ako pipili ng basta basta." Sabay kindat naman ni Danielle kay Camille.
"Sira!" Natatawang sambit ni Camille sa kanya saka masuyo niya itong sinampal sa mukha.
Ang sweet nilang tingnan at tsaka ramdam mong mahal na mahal nila ang isa't isa. Sila ang magpapatunay na may forever nga kahit sa same sex relationship pa yan.
Nang maalala ko si Arabella sa tabi ko na nakangiting nakamasid lang kina Danielle at Camille.
"Hey," Tawag ko sa pansin ng dalawang mag-love birds. "I would like you to meet, Arabella." Sabi ko at nakangiti sila parehong tumingin kay Ara. "Ara, my cousin Danielle and her wife Camille."
"Hi." Nakangiting sambit ni Ara sa kanila at nakipag-kamay. "It's so nice to meet the both of you. Congratulations din pala sa nalalapit na kasal niyo."
Masaya namang nakipagkamay yung dalawa sa kanya at kumindat pa si Danielle sa akin ng tumingin siya sa gawi ko. Napailing-iling na lang ako at lihim na nangingiti.
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomansaArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...