"Look into your heart and soul, the answer is always there. Follow it and you'll find it."
Ara POV
After mom and dad told me about the problem, para akong wala lagi sa sarili. Nakatanga lang din minsan. I'm trying to figure out what will I do to help them. God! I'm not ready to let go of everything we have. I need to find solution to this, the sooner the better.
"Ara?" I heard Sofia's voice. "Ara?" She called again.
"Huh?" Maang na tanong ko sa kanya.
Naguguluhang tiningnan ako ng mga kaibigan ko. Nasa cafeteria pala kami ng school eating lunch.
"What's eating you up?" Penelope asked. "You're not yourself lately."
Maybe I need to tell them, baka sakaling matulungan nila ako. Pero nag-aalangan ako baka layuan nila ako dahil anytime soon magiging mahirap na kami. But... I need help. I know I can't do this alone.
Kaya wala na ako nagawa kundi sabihin sa kanila ang totoong nangyayari sa akin... sa family ko.
"What?!" Sabay sabay na bulalas nila.
"Ssshhhh." I hushed. "Please, lower your voices. Baka may makarinig sa atin na iba." Saway ko sa kanila. Ayoko munang may makaalam na iba tungkol sa amin dahil baka magbago pagtingin nila sa akin.
Para namang nakuha nila ibig ko sabihin. Unti-unti naman silang nahihimasmasan sa pagkagulat sa pinagtapat ko sa kanila.
"So how can we help you with this?" Concern na tanong ni Sofia.
"I need money." Sagot ko. "Can you lend me some?" Tanong ko sa kanila.
"As much as I wanted to help you babe, wala akong ganun kahalaga." Sabi naman ni Athena.
"Me too." Si Penelope.
"And me too." Malungkot na sabi din ni Sofia.
Bagsak ang mga balikat na sumandal ako sa upuan. Saan ako ngayon hihiram ng ganun kalaking halaga?
"But maybe we can lend you a little." Bawi ni Sofia. "May konti akong pera sa bank."
"Thank you, Sofia." Malungkot na ngiti ang sinukli ko dito.
"Okay, I have a little savings too. It might not be enough but it can help you." Sabi naman no Athena.
"Salamat, Athena." Naiiyak na yata ako sa mga friends ko. We're bitches pero may soft heart din naman kami paminsan-minsan.
"Uhm, Ara?" Nakangiwing tawag sa akin ni Penelope. "I'm sorry I don't really have cash or savings right now. I bought a new car kasi."
Ngumiti ako ng may pang-unawa sa kanya. "It's okay, Penelope."
"But I can sell it ---"
"Oh no! Please don't." Putol ko sa sasabihin pa niya. Ayoko naman na umabot sa ibebenta niya yung bago niyang car na alam kong noon pa niya pinag-ipunan para lang mabili ito.
Nagkwenta sila kung magkanu ang malilipon nilang cash kung sakali man mula sa pinagsama-samang resources nila.
"One million three hundred forty lang eh." Malungkot na sabi ni Athena na siyang nagkwenta.
"Haist, kulang pa rin." Malungkot na sabi ko.
"Magkanu pa ba exactly ang kailangan ng dad mo para di ma-foreclosed yung business and house niyo?" Sofia asked.
"Nakahiram na siya sa mga friends niya ng around P70 Million and binenta namin yung namana ni mama na lupa sa Pampanga." Sagot ko sa kanila. "Plus yung papahiram niyo sa akin, mga P86 Million na lahat. Kulang pa ng P64 Million."
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomanceArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...