Chapter 5 Close Encounter

45.9K 1K 94
                                    

"Love is n untamed force. When we try to control it, it destroys us. When we try to imprison it, it enslaves us. When we try to understand it, it leaves us feeling lost and confused."


Ara POV


Pagsapit ng Lunes, maaga ako bumiyahe papuntang Padre Garcia, Batangas. Kulang-kulang dalawang oras din ang biyahe. Dinala ko lahat ng mga kailangan ko, at sinigurado ni mom na wala ako nakalimutan. Hindi ko kabisado ang daan patungo sa hacienda pero naisip kong magtatanong tanong na lang ako pagdating dun. Kahit pa sabihing may gps yung car ko. Mas maganda na yung sigurado.

Habang nasa biyahe, iniisip ko na ang daming posibilities na pwedeng mangyari. Isa na dun yung magugustuhan ba ako ni Alexandra.

Pagdating ko sa Padre Garcia, nagtanong na ako kung saan ba ang daan patungo sa Hacienda Montalban, madali lang pala malaman ang daan dahil naka-separate lang ang yun mula sa bayan. Pagdating ko sa may bukana ng hacienda, may dalawang lalaking naka-uniform ng pang guard ang humarang sa akin.

"Ano po kailangan nila ma'am?" Magalang na tanong nung isang mas matanda, mga edad forty eight na siguro.

"Ako po yung inaasahan ni Miss Alexandra Montlaban na magreresearch sa loob ng hacienda." Sagot ko. Sa kotse lang ako di na ako nag-abala pang bumaba.

"Pangalan po ma'am?" Tanong pa niya.

"Arabella Mendez." Tipid kong sagot sabay tanggal ng shades ko.

Tiningnan niya yung logbook kung may pangalan ako. At nung makumpirmang andun nga ako sa list, my tinawagan siya. Maybe it's Alexandra.

"May ID ka po ba ma'am?" Tanong sa akin nung guard na may hawak ng telepono.

Kinuha ko yung school ID ko at ibinigay sa kanya. Narinig ko naman na sinabi niya iyon sa kausap niya.

"Ma'am may in-email daw po ba sa inyong confirmation nung appointment niyo?" Tanong pa.

Ang higpit naman dito. Bulong ko sa sarili ko.

"Yes." Medyo mataray nang sagot ko.

"Pwede po bang makita?" Magalang na sabi niya.

Napahinga ako ng malalim. Nagpipigil ng inis. Ano naman akala nila sa akin? Impostor? Bulong ko pa sa sarili.

Bakit hindi pa ba? Tuya ng utak ko.

Ibinigay ko sa kaniya ang na-print ko na confirmation nung appointment ko kay Alexandra.

"Meron po, ma'am." Narinig kong sabi ni manong guard sa kausap sa phone. "Sige po, ma'am."

"May kailangan pa ba kayong identification from me?" Sarkastikong tanong ko ng maibaba na nito yung telepono. "Just to be sure it's me?"

Nagkamot ito sa ulo. "Pasensya na po ma'am." Magalang na sabi niya. "Sumusunod lang po kami sa protocol."

Ibinalik na niya sa akin yung ID ko pati na yung printed copy ng sulat at tsaka ako pinapirma dun sa logbook.

Sinabi naman sa akin nung isang guard yung direksyon kung saan ang bahay ng certain Candida Marquez. Dun daw kasi ako titira pansamantala habang nandito ako sa hacienda.

Isa pa yun sa nakapagpaisip sa akin. Bakit hindi ako pinatira ni Alexandra sa bahay niya?

Baka kasi makagulo ka sa mga 'affairs' niya. Sabi ng isip ko.

Napasimangot ako sa isiping iyon. If she thinks, I'm gonna like her. Well, she's wrong. I'm not into girls. And I'll never be.

And I'm sure as hell of that.

Pinaandar ko na ulit yung kotse at tinahak ang daan patungo sa loob ng hacienda. Ang rusty na arko na may katagang Hacienda Montalban ay halatang matagal na itong naipatayo.

Seducing AlexandraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon