"Sometimes I wish I could hurt you the way you hurt me. But I know if I had the chance to, I wouldn't."
Alex POV
"Sana itinawag mo na lang na kailangan mo ulit yung chopper para di ka na napagod bumiyahe papunta dito."
Sabi kay Abby isang hapon ng biyernes. Pinuntahan niya kasi ako dito sa hacienda para sabihing kailangan nila ni Danielle ulit yung chopper. May papapuntahin kasing bisita si Danielle dun para sa surprise niya daw kay Camille. In love talaga yung pinsan kong yun, ang lakas ng tama!
"I wanted to see you, too." Sagot naman ni Abby na nakaupo sa harap ng study table.
Sumandal ako sa swivel chair at may dudang tiningnan siya. Hindi siya basta basta nagpupupunta ng walang agenda.
"Alright." Sabi niya. "I'm worried about you."
Sabi na eh. "Abby, I'm fine." Pang a-assure ko sa kanya. "At tsaka hindi na ako bata. I can take care of myself."
She rolled her eyes. "Yeah, Alexandra!" Sarcastic na sambit niya. "The last time I saw you, you are a mess. Sorry but that's the truth."
Napangiti ako sa sinabi niya. "The last time, huh?" Napailing-iling ako. "And I'm okay already." Iminuwestra ko pa sa kanya yung dalawang kamay ko. "See?"
"Hay naku!" She flips her hair. "Makita ko lang yang Arabella na yan sasabunutan ko." She doesn't like Ara. "And make her regret hurting you."
Binabawi ko na yung sinabi kong di niya gusto si Ara. She hates Arabella.
"Okay na nga eh." Sabi ko pa.
Syempre ayoko din siyang madamay between Arabella and me. I can deal with her myself.
"Ah basta." Sabi pa niya na parang bata. Protective si Abby sa aming pinsan niya. "She don't have the right to hurt you in the first place."
"Abby..." May kalakip na pagpapaalala yung pagtawag ko sa kanya.
"Fine!" Sambit niya. "I'm going." Sabay tayong saad niya at isinukbit na sa balikat ang shoulder bag nito.
Tumayo na din ako para ihatid siya sa kanyang sasakyan sa baba.
"In love talaga si Danielle 'no?" Komento ko habang pababa kami ng hagdan."Super!" Masayang sagot ni Abby.
"I'm happy for her." Nakangiting sabi ko.
"Sana nga matuloy na yung kasal nila next month para happy ending." Wishful na sambit niya.
"Magaling ba naman siya manligaw?" I asked.
Tumawa naman si Abby. "This is her first, you know that."
Nakangiting umiling iling ako. Mapapasabak si Danielle sa panliligaw sa asawa niya.
"Mag-ingat ka sa pagda-drive." Paalala ko sa kanya at pinagbuksan pa siya ng pinto sa may driver's seat.
"I will." Nakangiting sabi niya saka ako hinalikan sa pisngi at niyakap.
Nawala naman yung ngiti ko ng makita ang isang pamilyar na kotse na papasok ng bakuran. Akala ko ba mamya pa siya darating?
"Who's that?" Curious na tanong ni Abby.
Damn! Nandito pa pala si Abby!
"Ah wala ano lang ah." Natatarantang sabi ko. "Bisita. Sige na baka gabihin ka sa daan." Pagtataboy ko sa kanya.
Pero parang wala na siyang naririnig dahil nasa pulang kotse na ang kanyang atensyon.
Shit! Why now? Di sila pwede magkita!
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomanceArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...