"They say love doesn't cost a thing. But I disagree. Because falling in love with the wrong person can cost you everything."
Alex POV
"Aray!!!" Malakas na daing ko ng nilalagyan ng doktor ng benda yung kaliwang braso ko na muntikan ng mabali.
"Sa susunod kasi mag-iingat kang bata ka!" Galit ngunit nag-aalalang sambit ni nana na nasa tabi ko nakaupo.
"Eh hindi ko naman ho kasalanan yung nangyari nana." Depensa ko na nakalabi. Masakit na nga pinapagalitan pa ako.
Maaga pa lang nagpunta na ako sa kuwadra kanina para tingnan si Misty dahil itinawag sa akin ni Mang Amarilyo na nagwawala daw ito. Nagbabago na nga ugali ng kabayong yun. Malapit na talaga manganak.
At sana nga manganak na ang sakit ng sinipa!
Buti na lang kamo hindi direkta na nasipa ang braso ko kundi lamog ngayon sana ito baka worst, nabalian pa ako ng braso.
Ng makarating kasi ako dun sa may kuwadra niya, sinipa ng likod ng paa niya yung kahoy na nagsisilbing kulungan niya, natanggal yung kahoy at tumama sa kaliwang braso ko ng isangga ko yun sa mukha ko para di matamaan ulo ko. May sugat iyon pero di naman gaanu kalaki at kalalim. Kung tutuusin parang daplis lang. Ang masakit ay yung laman.
Gusto nila ako dalhin sa hospital kanina kaya lang di ako pumayag. Ever since bata ako ayoko talaga sa hospital. Lalo na yung amoy. Kaya naman wala na nagawa sina nana kundi ipatawag ang family doctor naming si Dr. Reynald Gutierez.
"Eto pala yung pain reliever, Alex." Sabi niya sa isang bote ng gamot. "Take this after meal. Wag ka magtetake nito basta basta kung pag sumakit yan."
"Salamat dok." Pasalamat ko sa fifty two year old na doktor bago kinuha ng kanang kamay ko ang gamot at inilagay ito sa bedside table.
"Pero kailangan pa rin yang ma X-Ray para makita kung naapektuhan yung buto." Payo niya.
"Sige ho dok. Kung kailangan ko ipabuhat yang batang yan para maipa xray gagawin ko." Sagot ni nana.
Napailing iling na lang ako na may ngiti sa labi sa sinabi ni nana Idad.
"Sige, mauuna na ako." Paalam sa amin ng butihing doktor.
Tumango kami dito at sinabing mag-ingat sa pag-uwi, pagkatapos nun ay lumabas na ng kuwarto.
"Narinig mo yun ha, Alexandra?" Sabi ni nana. "Uminom ka daw ng gamot." Bigay diin nito.
Napakamot ako sa ulo at sumandal sa headboard ng kama. Alam kasi niyang ayoko sa lahat yung umiinom ng gamot. Ang sama sama ng lasa. Hangga't maaari ayoko uminom niyan.
"Opo." Parang batang pinagsabihan na sambit ko sa kanya.
Pagkaiwan sa akin ni nana sa kuwarto ko ay umayos ako ng higa. Aaminin ko, kumikirot yung sugat ko ngayon pero titiisin ko na lang muna yung sakit kaysa uminom ng gamot. Itsura pa lang alam mo ng di masarap inumin.
Dapat ba masarap yung gamot para magustuhan mo inumin? Sabi ng inner self ko.
Itutulog ko na nga lang yung sakit baka sakaling paggising ko, mawala na yung hapdi.
Saktong pananghalian na ng magising ako. Hindi naman na masyado masakit yung sugat ko. Pinilit kung maupo sa kama. Ayoko yung nagbababad sa kama parang lalong sumasakit katawan ko pag ganun. Sanay na akong buong araw may ginagawa.
May kumatok sa pinto ko. Si nana na naman siguro. Sabi ko sa sarili ko.
"Pasok." Wika ko habang sinusubukan kong bumaba ng kama. "Nana pakilagay na lang sa may lamesita dun na lang ako kakain." Sabi ko pa na hindi nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Seducing Alexandra
RomanceArabella Mendez -- She's ambitious and determined. Hindi siya naniniwala sa true love. She said, love is just for fools. Ayaw niya ng attachment. She's a happy go lucky young lady. She needs someone wealthy --- wealthy enough to save her and her fam...