Ako'y nasa sulok, nag-iisa
Nagmumukmok nang iwan mo na
Ganoon na talaga ako kadaling iwan?
Matapos mong gamitin at pagsawaan?Kilala mo lang ako tuwing kailangan mo
Di mo ba alam na sawa na ako?
Na katawan at laman ko lang ang habol mo?
Pahalagahan mo naman ako oh?Pag ako ang nagsawa makikita mo
Kung gaano ako kahalaga sa iyo
Pero di ko kasi kayang mahirapan ka
Kaya ako'y magpapaka-martyr munaKahit iniiwan mo lang ako basta
Pag kailangan mo ako, tutulungan pa rin kita
Ganyan ako kabait sayo
Sana naman ito'y marinig moPakiusap lang wag mo akong iwan
Dalhin mo ako kung saan ka nasaan
Yun lang ang hiling ko sa ngayon
Saka na ang iba, sa tamang panahon-ang libro
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
PoetrySamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!