Imahinasyon

6 2 0
                                    

Para kang isang bituin
Ang hirap mong abutin
Ako nama'y parang isang hangin
Dumadaan na't di mo pa rin pansin

Nagkakasya na lamang sa simpleng pagsulyap
At sa pag-asang balang araw, ikaw ay makakausap
Na ikaw ay mayayakap
Sa aking imahinasyon lang maaari, kaya ang saklap

Tuwing nakakasalubong ka
Kunwari hindi kita kilala
Kunwari hindi ako kinikilig
Kunwari hindi kumabog ang aking dibdib

Sana wala ka pang nobya
Baka sakaling ako'y may pag-asa pa
Sa oras na sa akin ay magkagusto ka
Bukas o sa makalawa, tayo na.

--
For my crush who doesn't even knew that Im existing in this world huhuhu.

Poems of LilaurcasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon