Nandito ka na naman kaibigan!
Ano? Nagustuhan mo ba ang huling tula ko?
O naghahanap ka lang ng mapaglilibangan mo?
Ano man ang dahilan, salamat sa pagparitoAnong gusto mong meryenda?
Tatayo ka na lang ba o uupo na?
Pili ka, suman o puto't kutsinta?
Hilaw o hinog na mangga?Ninakaw ko lang sa kabitbahay
Nakasabit sa bakod mukhang nangangalay
Kinuha ko na at binalatan
Nagluto pa nga ako ng bagoong bilang sawsawanBaka gusto mong manood muna?
Anong gusto mo? Drama o komedya?
Pinay o koreana? Meron ako ditong pirated na Koreanovela
O baka mas gusto mong si FPJ ang bida?Mahirap bang pumili? Naku, kaya mo yan
Mas madali kaysa pagpili kung sinong sasagutin sa mga manliligaw
E kung bastedin mo na lang?
Ang haba naman kasi ng buhok mong kulay dilawIkaw ba ay anak o asawa ni San Goku?
Kamukha mo kasi sa kahit anong anggulo
Mukha ka kasing lalaki este super sayan na kulang lang ng ligoAy teka? Naliligo ba si San Goku? E, si Gohan, Goten o si Majimbu?
Teka hindi ko alam ang sagot diyan
Baka alam mo tutal kahawig mo namanAh! May tanong pa pala ako sayo
Habang inuubos mo iyang hilaw na manggang hain ko
Na hindi halatang gusto mo
Dahil sa asim ng mukha moAnong brand ng kape ang iniinom mo?
Para kung sakali iyon na lang iinumin ko
Para magising na ako sa katotohanang hindi niya ako gusto
Kahit napakaganda kong taoKamukha ko pa nga raw si Jessy Mendiola
Oh bat ayaw mong maniwala?
Pagkatapos kitang pakainin ng mangga
Di mo man lang ako susuportahan sa kung saan ako sasaya?Saan ba ako sasaya? Sa piling niya?
Hindi. May mahal siyang iba.
Ayokong maging sabit lang sa buhay niya
Naiiyak ata ako, teka pasinghot muna sa manggas ng damit moInumin pala, gusto mo?
Anong flavor ang nais mo?
Pineapple, orange o mango?
Naku, wala palang yeloWalang yelong magpapalamig ng inumin
Walang dahilan para manlamig siya sa akin
Pero nangyari na e, may babaeng dumating
Siya ang yelo sa relasyon naminNakapili ka na ba?
Baka sa pagkukwento ko ay nawili ka
At nalimutan mong may labahan ka pa
Umalis ka na muna at maglabaOkey lang, sanay akong mag-iisa
Sanay na iniiwan, nasasaktan
Minahal ko naman siya
Pero hindi sapat kaya naghanap ng iba.Lalabas ka o pagtutulakan pa kita?
Gaya ng minsan ay ginawa niya
Pinagtulakan at kinawawa
Umuwing bigo at di matigil ang pag-agos ng luhaSalamat sa pag-ubos ng mangga
Kahit di mo ako tinira
Ayos lang, sanay rin ako sa ganyan
Ibibigay lahat pagkatapos iiwanHumuhugot ako pero huwag mo akong bawalan
Bahay ko ito, nakikain ka lang
O huwag kang mainis, biro lang
Ingat sa pag-uwi, sana susunod mong pagbisita, di ko na bubuksan ang pintuanMukhang kailangan kong manungkit ng manggang hilaw
Para meron akong maiulam
Kumakalam na rin aking tiyan
Ang tulang ito'y hanggang dito na lamang
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
PoesíaSamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!