Wala silang kapa, walang kapangyarihan
Ngunit marami na ang natulungan
Sa oras na ito, malayo sa pamilya
At kanilang buhay ay nakatayaHindi lumilipad, wala silang pakpak
Ngunit parang mga anghel sa lupa'y tumapak
Nagsisilbi, naglilingkod ng taos-puso
Silang modernong bayani ng mundo
Ang lahat sa kanila'y sumasaludoMahirap man at delikado
Nagbibigay pa rin ng serbisyo
Para sa kapwang nangangailangan
Handang isugal ang kanilang buhaySa kalabang hindi nakikita
Sandata'y pananampalataya
Sa nag-iisang Diyos ng mundo
Sama-samang mananalo

BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
PoesieSamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!