Kape

1 0 0
                                    

Magmula ng ika'y aking matikman
Sarili'y di na mapigilan
Araw-araw ay gusto kang makasalo
Ng isang beses hanggang tatlo

Ang tamis na iyong hatid sa aking dila
Na siyang gumigising sa aking diwa
Pait na minsa'y iyong pinadama
Nais kong ulit-ulitin ka

Kulang ang umaga kung wala ka
Walang saysay ang meryenda kung di ka kasama
Kung sa gabi'y di ka matikman
Malungkot ako't sumasama ang pakiramdam

Ganito na ata ako kaadik sa iyo
Na kahit magkulang ang tulog ko
Ikaw pa rin ang hanap-hanap
Sa tamis man o kapaitan ng buhay nais kong makasalo ka ng matagal

--
Tara, kape??

Poems of LilaurcasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon