Paano kung..?

0 0 0
                                    

Habang naglalakad siya papunta sa iyo
Punong-puno ng katanungan ang isipan ko
Mga tanong na kahit mabigyan ng kasagutan
Alam kung hindi na pwedeng balikan

Paano kung umamin ako?
Paano kung hindi ako naging manhid?
Paano kung hindi nagbingi-bingian?
Ako kaya ngayon ang papunta sa'yo?

Sa pagbigkas mo ng iyong mga pangako
sa titig mong para lang sa kanya
nakaramdam ako ng paninibugho
masakit palang masaksihan ang ganitong tagpo

hindi man tayo ang nagkatuluyan
nasabi ang nararamdaman ngunit huli naman
asahan mong naririto pa rin ako bilang isang kaibigan...

Poems of LilaurcasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon