Maganda ang bawat araw na dumaraan
Kung positibong bagay ang iyong titignan
Humihinga ka pa hanggang ngayon
Oh di ba, blessing iyon?Para saan ba itong tulang aking isinulat?
Para saan ba ang bawat letrang dito nakatatak
Wala lang, oo para sa wala lang
Naisulat lang ito para malibangAng daming taong puro reklamo
Ang hirap raw ng buhay sa mundo
Sa bansang ito, di ka raw aasenso
Wala raw kasing ginagawa ang gobyernoPero makikita mo sila, sunod-sunod ang anak
Ang mga buto'y ayaw mabanat
Patambay tambay lang sa kanto
Nakiki-chismis kung kani-kaninoMay ilan namang nakakakita ng pag-asa
Sila yung mga taong puro gawa hindi salita
Nagtatatrabaho ng maayos
Para pagpapaaral sa anak ay may pangtustosMasaya na kahit tuyo ang nasa lamesa
Maalat naman, mayroon pa ring lasa
Hati-hati sa isang pinggang kanin ang buong pamilya
Bitin pero reklamo'y di maririnig sa kanilaKung sino pang gipit ang siyang positibo
Habang ay maykaya sa buhay napaka-negatibo
Tao nga naman, oo
Iba't-iba ang tingin sa mundoImbes na magreklamo, kumilos ka
Maghanap ng trabaho para masuportahan ang pamilya
Salitang batugan kalimutan na
Kilos na habang maaga paKabataan raw ang pag-asa ng bayan
Pero pwede naman lahat ng mamamayan
Maging responsable at maghanda para sa kinabukasan
Kasi baka ang bukas mo'y di mo na pala masisilayanO, may napulot ka ba sa nabasa?
Wala? Sabi na sayo wala tong kwenta
Pero salamat sa pagbabasa kaibigan
Nitong tulang bunga ng aking paglilibang
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
PoetrySamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!