Naghintay ako sa ating tagpuan
Ilang oras ang lumipas, inabutan na ng ulan
Naghintay ako kahit gabi na ngunit wala ka pa
Naniwala kasi akong darating kaHanggang sa nakaramdam ng pagkahapo
Kinailangan ng lumisan
Hinintay kita pero bakit ganito
Bakit tila pangako mo'y nakaligtaanIlang araw akong naghintay ng balita mula sa iyo
Umasang maaalala mo
Hanggang sa aking nabalitaan
Ikakasal ka na pala sa dati mong kasintahanTila bomba itong sumabog sa aking harapan
at napagtantong, ito marahil ang dahilan
kung bakit hindi nakarating sa ating tagpuan
sa ibang babae ka na pala nakalaanMahal kita at mahal mo ako, hindi ba?
Ngunit bakit nagkaganito?
bakit kaisang-dibdib mo'y iba?
hindi na ba kayang ipaglaban pa?Guillermo, ikaw ang una kong minahal
Ikaw ang tanging nais kong makasama habambuhay
ang pag-ibig na hiniling ko sa Maykapal
mayroon palang hangganan
BINABASA MO ANG
Poems of Lilaurcas
شِعرSamu't saring tulang sa puso't isipan ko nagmula. Nawa'y inyong magustuhan! Ingat!