Chapter 1

135K 2.7K 275
                                    

Hinilot ko ang sentido ko dahil sa nararamdamang kirot. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakababad sa computer at di pa nananghalian. Inaasikaso ko kase ang mga papeles ng magiging bagong branch ng 'sweet bite', my very own cafeteria and bakeshop.

Sinilip ko ang relong pangbisig nalaman kong 3pm na pala.

Kinuha ko ang telepono ko sa mesa at dinial ang no. ng isa sa mga empleyado ko para sana dalhan ako ng pagkain.

"Kate pakidalhan naman---."

"Ma'am!!."

"Why? May nangyare ba? Bat parang ang ingay dyan?." Kumunot ang noo ko ng mapansin ang pagiging kabado ng kausap ko sa linya.

"Yun na nga po ma'am! Andito po kase si sir Drake, eh di ba po ba ayaw niyong magpapasok sa office nyo? Tska ex husband nyo na po sya kaya banned na sya rito." Napapikit ako ng mariin ng marinig ang boses ni Drake sa kabilang linya na gusto akong kausapin.

"Calm down Kate, let him in."
Nagpakawala ako ng malalim na hininga at hinanda ang aking sarili.

Halos magiisang minuto lang ay bumukas na pinto ng office ko.

"Ano bang problema ng mga empleyado mo ngayon at bakit pinagbabawalan ako na pumasok sa office mo?! Di ba nila alam na asawa kita?." Halata sa sarili niya na pinapakalma niya ang sarili niya habang magkaharap kami sa lamesa ng office ko.

"Anong ginagawa mo dito?."

"What? Seriously? I just visiting my wife." He looks confused.

"C'mon Drake wake up!, I'm not your wife anymore, di mo ba naaalala five years na tayong hiwalay."

"What a funny joke you have there honey." He chuckled.

"I'm serious here Drake." Napipikong sabi ko.

"Well then makipagusap ka rin sa akin ng seryoso." Nang lumakad siya palapit sa akin ay mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumayo sa kanya. Agad gumuhit ang sakit sa mukha niya.
I looked away, di pwedeng magkaepekto pa rin siya sa akin, di na siya si Drake na minahal ko sasaktan niya lang ako at bubugbugin.

"Honey, what's the matter? May nagawa ba ako at nilalayuan mo ako?."

"Yeah a lot, pero nakalimutan mo na lahat ng mga kademonyohan mo dahil naaksidente ka at nagkaamnesia. At pwede ba hindi na nga kita asawa, hiwalay na tayo just freaking understand that!."

"I don't know, I don't know what you are talking about. And honey can't you see maayos naman ako, pinayagan na akong makalabas ng hospital dito ako pumunta kase wala ka sa bahay natin at wala rin ang mga gamit mo." Umiling iling siya at humakbang na naman palapit sa akin kaya umatras naman ako.

"Just leave me alone Drake."

"No."

"Please."

"No!." Pero sa pagkakataong iyon ay napahawak siya sa ulo niya, at nagsisigaw sa sakit. Natigalgal lang ako sa eksenang yun, di ko alam ang gagawin. Mabilis ko siyang inalalayan ng mawalan siya ng malay.

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon