Chapter 22

75.9K 1.7K 133
                                    


"Mabuti nakapunta kayo ngayon dito." Bakas sa mga mata ni tita Vina ang galak ng makita kami ni Drake na papasok sa bahay nila.

Kakauwi lang kase nila galing sa Italy kaya inimbitahan niya kaming dito na kumain ng hapunan kasama nila. Hindi ko alam ko pano kami nakapunta dito ni Drake kahit di kami naguusap.

"Good to see you po Tita." I hug and kissed her in the cheeks.

"Same here, hija." Ngiti niya sa akin.
"Let's talk mamaya huh." Bulong niya pa sa akin. Tumango naman agad ako.

"Oh Drake halika na! Kanina ka pa tahimik dyan." Baling niya sa anak pero nanatili lang itong tahimik.

"Aren't you happy na nakauwi na ako?." Pagtatampo nito sa anak.

"I'm not really in the mood right now, mom. Can't we just eat already? "
Natawa naman si tita sa tinuran ng anak. Hinawakan niya ang nga kamay namin at hinila na papunta sa dining room.

Magkatabi kaming naupo ni Drake habang ang dad naman niya ay nasa gitna at katabi ang asawa. Sa totoo lang ay di ako komportableng pumunta ngayon dito lalo na't may away kami ni Drake. May isang araw na ata kaming di naguusap. Malamang ay naghihintayan lang kung sino ang unang kakausap o hihingi ng tawad, pero hindi ako ang unang gagawa non. Bakit naman ako hihingi ng tawad kung wala naman akong ginagawang masama. Siya itong bigla na lang naninigaw at naninira ng gamit.

Naramdaman ko ang pagsulyap ni Drake sa akin pero hindi ko siya sinulyapan, tinuon ko lang ang sarili ko sa pagkain na nakahain sa plato ko.

"So kumusta naman kayo?." Basag ni tita sa katahimikan.

"Maayos naman kami, mom." Maiksing pahayag ni Drake na kinunotan naman ng noo ng dad niya.

"Paanong maayos?." Di na mapigilang tanong ng dad niya.

"Maayos po kami ni Drake dahil di naman po kami nagkakatampuhan." Ako na ang sumagot natatakot kase akong iba ang masabi ni Drake.

Mukha namang nakumbinsi ko si tito dahil nagpatuloy na lang ulit itong kumain. Nang matapos akong kumain ay agad akong hinila ni tita paakyat sa study room ng bahay.

"How's Drake hija? Any improvements?." Mapait akong umiling.

"Wala pa ring pinagbabago. Di niya pa rin po maalala ang mga ala-alang pinapaalala ko sa kanya."

"That's strange." Kumunot ang noo ni tita. "Supposedly ay temporary lang ang amnesia ni Drake. Halos ilang buwan na rin kayong magkasama." Takang katwiran nito.

"We don't know tita." Huminga ako ng malalim. "I'm quitting, tita."

Gulat agad ang rumihestro sa mukha ni tita.

"bakit?."

Pinaglalaruan ko ang mga daliri ko dahil sa nerbyos. Sa totoo lang ay ilang araw ko rin itong pinagisipan at sa tingin ko ay ito ang makakabuti sa amin.

"Gusto ko na po kaseng magsimula ng panibagong buhay. I have someone in my life right now, tita. Hinihintay niya lang ako and I can't go with him habang andyan si Drake." Paliwanag ko sa kanya. Malungkot naman itong tumingin.

"I honestly feel sad about that, kala ko kase ay magiging kayo pa rin ng anak ko hanggang sa makaalala siya. But then I realise that I'm just a stupid old woman to believe in that kind of story." Umiling-iling pa ito.

"Hindi na ba magbabago ang isip mo Hija?."

"Gusto ko po talagang tulungan si Drake pero ang pinapangarap ko pong buhay naman ang unti-unting nasisira. Masyado naman pong napokus ang atensyon ko sa kanya na di ko namamalayan na may nasasaktan na po ako. Di ko na po kayang paghintayin pa siya ng matagal."

"I understand. At alam ko nga namang mali ang ginawa ko na guluhin pa ang buhay mo. You and Drake are legally separated at wala na akong magagawa doon, di ko na sana pinagawa sayo ito, pasensya na talaga Hija talagang nagfreak out lang talaga ako siguro ng ikaw agad ang hinanap niya sa amin." Tumulo na ang luha nito. "And maybe we shouldn't push that marriage dahil nasaktan ka lang ng anak ko hija. Pinagpapasalamat ko na lang na hindi mo siya idemanda kahit na may karapatan kang gawin iyon. I'm so sorry." Humagulgol na ito, nilapitan ko ito at niyakap. She's my second mother in my heart.

"It's all in the past na po. Nakamove on naman na po ako." Hinawakan nito ang dalawa kong pisngi at hinaplos haplos ito.

"Wala talaga akong karapatan na maging anak anakan ka." Ungit nito. Napangiti naman ako.

"Para ko na po kayong ina Tita. Dadalawin ko po kayo minsan, pero wag po tayong magpakita kay Drake." Ngiti ko. Tumatawa naman siyang tumango.

"I understand. Ako ng bahala kay Drake, kapag hinanap ka sasapokin ko na iyon." Pagtatapang niya natawa naman ako.

Sorry Drake, I'm choosing our son Zeke

...


Habang nasa trabaho si Drake ay hinanda ko na ang mga gamit ko. Nang niligpit ko lang ay ang mga gamit kong dinala dito sa bahay. Pagkatapos non ay naglinis ako ng bahay para paguwi ni Drake ay malinis ang bahay, at sa paguwi niyang iyon ay wala na rin ako.

Hinuli ko ng linisin ang study room niya dahil mas komplikadong maglinis dito marami kaseng mga document na maaring mahalaga. Natatakot akong mangealam.

Nilinis ko ang table niya at pinakintab. Nilabas ko rin ang mga nasa cabinet ng table at inayos lang ang mga papeles. Binasa ko ang ilan ngunit mga tungkol lang ito sa kompanya hanggang sa madako ako sa isa pang lagayan. Nilabas ko ang mga laman non at inayos, katulad kanina ay mga tungkol sa kompanya pa rin at ilan ay mga resibo hanggang sa makuha ko ang isang papel na nagpalaki sa aking mga mata.

Bakit andito pa ito?! Wala na dapat ito. Tapos na dapat ito pero bakit nasa harapan ko ito at hawak hawak. Habang hawak ng mga nanginginig kong kamay ang papel na ito ay di ko maiwasang malukot iyon dahil sa dami ng emosyon na gustong lumabas aa loob ko. Idagdag pa ang mga katanungang pumupuno sa utak ko.

Bakit?!

I'm holding our divorce paper na may pirma ko pero walang pirma ni...Drake.

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon