"Goodnight po." Humalik ako sa noo ni Zeke bago siya kinumutan.
"You too. Sleep well." I said before closing his room.
Habang naglalakad ako papunta sa kusina para ibalik ang basong pinagtimplahan ko ng gatas ay naabutan ko si Drake sa sala. Nanonood ito ng TV pero nasa phone niya ang atensyon niya.
"I'm fine here mom. Medyo pagod lang po." Si tita Vina pala ang kausap niya. Alam kong maling makinig sa usapan nila pero namalayan ko na lang ang sarili na nakasandal sa kabilang pader para marinig silang mag-usap.
"Mahirap palang ligawan si Therese 'ma pero okey lang mahal ko naman. Paano ba magligaw ng maayos?." Napakamot ito sa batok.
"Hindi kase atang tumatalab sa mga ginagawa ko....nasubukan ko na yan 'ma...opo di po ako magsasawa."
"Si Zeke po pala yung anak namin isesend ko na lang po yung picture niya para makita niyo....opo....sige Bye 'ma." Pagkatapos ng paguusap nila sa phone ay lumupaypay na ito ng higa sa sofa.
Lumunok na muna ako bago dumeretso sa kusina para ilagay ang baso sa lababo tsaka ako bumalik sa sala.
"Hindi ka matutulog kasama si Zeke?." Tanong ko dito.
"Huh? Hindi na. Kawawa naman ang bata di na kami kasya don." Pagod itong bumangon sa sofa.
"Ikaw bakit andito ka pa? May ipaguutos ka pa?." Umiling naman ako.
"Wala naman. Matulog ka na ng maaga sabay sabay na tayong bumalik sa Manila. Malapit ng matapos ang break nila Zeke."
"Sige. Goodnight." Sabi niya pa tumango na lang ako saka dumeretso sa kwarto ko.
..
Tunog ng telepono ko ang gumising sa akin ng umaga.
"Chelle it's too early pa." Gustong gusto ko siyang bulyawan dahil ala sinco palang ng umaga at nambubulabog na siya.
"Good morning too sleeping beauty!." I sense her sarcasm.
"May importante ka bang sasabihin?."
"Well nagtatanong kase si Drake kung ano ba ang dream date mo. Sasabihin ko ba sa kanya?."
Napakamot naman ako sa ulo bago binalot ulit ang sarili sa kumot dahil sa lamig.
"Bahala ka. Ano na naman bang sustento niya sayo huh?."
"Well addtional week for vacation."
"Edi go for it! Di ko siya sisiputin."
"Really now Therese?! You stood that low. You act like a childish bitch right now." Huminga ito ng malalim.
"That guy is doing all what you want. Desidido siyang mapatawad mo ulit, but look what you are doing?! Give him a chance okey? Di mo naman ikakamatay yon."
"What if niloko niya ulit ako?."
"Hindi ka niya niloko, nagsinanungaling siya dahil nga mahal ka niya! Gusto ka niyang makuha ulit at magsimula ng bagong buhay kasama ng anak niyo. Hindi ko talaga matanggap itong pagmamatigas mo. Para kang highschool na first time lang na nakipagrelasyon at makikipagbreak na lang kung trip lang niya. Hello Therese?! May anak at kasal ka ng tao, you should act like a matured person now. Kahit para sa anak mo na lang o?."
"Yung pananakit niya noon? Parte ba yun ng pagmamahal niya?!." Tuluyan na akong bumangon dahil naguumpisa ng maginit ang ulo ko sa mga sinasabi niya.
"Edi itanong mo sa kanya! Kaya di kayo nagkakaintindihan kase sarado yang tenga mo sa pakikinig. Nageeffort na nga itong tao eh, kaw lang tong matigas."
"Wala kang alam sa nararamdaman ko!." I hissed at the phone.
"Alam ko! Dahil ako ang lagi mong kasama dba?! Kaya wag mo akong sumbatan dyan Therese! Napapagod na akong magpayo sa utak highschool na tulad mo."
"Sige magsama kayo ni Drake! Siya naman ang kinakampihan mo eh!."
"Oh ayan asal bata ka na naman! Wala akong kinakampihan sa inyo ikaw lang tong nagiisip na may pinapaboran ako sa inyong mag-asawa." Naiiyak ako dahil nanggigil ako sa sarili ko dahil wala akong masagot dahil tama naman lahat ng sabi niya eh.
"Tumawag din pala ako para magtanong kung anong gusto mong pasalubong pero mukhang alam ko na kung anong magandang pasalubong sayo... sa inyo."
"Nido! At tulad din sana ni Noah ay magkabalikan kayong mag-asawa. Ipapakain ko sayo pati kahon ng magising ka na!" Then she ended the call.
I sobbed hard in my room until Drake stormed in my room with a tray of breakfast in his hands. Nakangiti siya pero ng makita niya akong umiiyak ay agad nangunot ang noo niya.
"What happened?."
"Kasalanan mo toh!!." I screamed and throw the pillow into him kaya naman nalaglag ang baso ng gatas sa sahig..basag.
Di niya iyon pinansin binaba niya lang ang tray at nilapitan ako. He tried to touch me but I slapped him instead. Pumaling ang mukha niya sa kabila.
"Kasalanan mo lahat ng nangyayari sa buhay ko! I really hate you!." I hissed at sinubsob ang mukha sa tuhod ko. At umiyak lang.
Maya maya lang din ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
"Do you really want me out of your life?." Bulong niya sa akin habang pinapatahan ako pero di ko siya masagot.
...
Hehe kayo na bahala humusga😂
Yuko na malapit na midterm namin😅
#ABEnglishIsLayp
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...