"So ano na?."
"I don't know Chelle. Di ko aakalaing ngayon pa ito mangyayari, ngayon pang may di kami pagkakaintindihan." Napahawak na lang ako sa sentido dahil di ko malaman kung ano ang dapat gawin.
"Ang gulo niyo rin kaseng dalawa. Tanggapin mo na nga lang kase ulit si Drake para naman may tatay na yang si cutie Zeke. Tska para makapagsolo na rin ako dito." Ngumisi naman siya sa akin pero pinaningkitan ko lang siya ng mata.
"Suggestion ang kailangan ko hindi ang bulgarang pagpapalayas mo amin ng inaanak mo."
"That's not my point noh! Angry bird naman agad si madam." Irap niya sa akin. Naiiling na lang na kinuha ko ang tasa ko at himigop ng kape.
"Walang amnesia si Drake. Niloko niya ako Chelle, sa tingin mo ganon lang kadaling tanggapin siya? Like, hey honey! It's okey atleast your fine na." Irap ko sa kanya.
"Hindi ganon kadaling tanggapin yung pangloloko niya sa akin, pinaglaruan niya ako. Malay ko ba kung pagtalikod ko ay tinatawanan ako non kase nafall na naman ako sa kanya?."
"Isn't that his intention? Ang mahalin mo ulit siya? Isipin mo kase, ginawa niya iyon dahil mahal ka nga niya."
"Kaya kailangan niya pang gumawa ng istoryang ganon? Na may amnesia?, really Chelle talagang kanakampihan mo pa iyon?."
"Hindi sa ganon. Just try to listen and understand him. Maybe kaya siya nakagawa ng ganon ay baka nahihiya kase siya na iaapproach ka bigla dahil nga sinasaktan ka niya dati. So he came up with that plan. Kunin ulit ang loob mo then boom!, nag-away lang ulit kayo." Nagawa niya pang tumawa kata di ko tuloy alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya. Pero talagang sarado pa rin ang tenga ko sa mga paliwanag, kailangan talagang mahiwalay muna ako kay Drake dahil kumukulo pa rin ang dugo ko sa lalaking iyon.
"Tsaka besh, wag kaseng side mo lang ang kunin mo kailangan mo tin intindihin ang kay Drake. Mag-usap na kase kayo." Seryoso na siya sa sinabi niya. Nakakaunawang tumango naman ako.
"Alright. But maybe, space is all I need right now. Ayaw ko munang may Drake na kakatok bigla sa pinto." I rolled my eyes.
"Magbabakasyon muna siguro kami ni Zeke. Doon kami sa bahay nila dad sa baguio." I exhaled, I almost feel the cold breeze of Baguio. Mabuti na lang break nila Zeke sa isang linggo, gagawa na lang siguro ako ng paraan para mas mapaaga ng kaunti ang bakasyon ng anak ko.
"Wag mo nang isama si Zeke, ikaw na lang lumayas dito." Mabilis kong dinampot ang throw pillow ng sofa at mabilis na tinapon sa mukha ni Chelle. Tatawa tawa naman ang gaga. But I really appreciate na andito pa rin siya sa tabi ko sa kabila ng kamalditahan ko sa kanya minsan.
"Pero sana magkaayos na talaga kayo ni Drake. Kawawa naman din kase yung inaanak ko kung hiwalay kayo. Bigyan mo pa ng isang chance ang marriage niyo. I know that Drake really loves you." Tumango tango lang ako at yumakap sa kanya.
..
"Good morning baby!." Pinanggigilan ko ang pisngi ng anak kong parang wala pa sa sarili dahil kakagising lang nito. Muntikan pa nga itong mauntog sa ref. Pagod siguro sa byahe namin kahapon papuntang Baguio.
"Morning po." Medyo paos pa niyang sabi. Binuhat ko siya at pinaupo sa dining table. Napapalakpak siya ng makita ang pancakes sa lamesa.
"Love you po!." Humalik pa siya sa labi ko dahil sa saya. Natatawang pinunasan ko na lang ang chocolate syrup sa bibig niya.
Panay lang ang kwentuhan namin mag-ina ng biglang may magdoorbell. Napakunot noo na lang ako dahil wala naman akong inaasahan na bisita.
"Morning!." Akmang isasara ko ang pinto ng mapagbuksan ang nagdoorbell pero agad niyang hinarang ang katawan niya sa pinto.
"Ang aga ang init agad ng ulo." Biro pa nito.
"Paano mo nalaman na andito kami?." Sabi ko ng hindi pinapansin ang biro niya.
"I have sources." Ngiti pa nito.
"Sources huh?. Umuwi ka na!."
"I just got here. Ito pala oh." Inabot niya sa akin ang dalawang pulang rosas. Napakunot naman ang noo ko, bakit dalawa lang? Ang alam ko kase dapat tatlo.
"What would I do with that?." Bagsak naman ang balikat niya ng marinig ang sagot ko.
"I don't know. I just want to give you those for forgiveness." Mas lalo akong nairita sa kanya.
"Pwes iuwi mo na lang din yan gawin mong salad. At wag ka ng babalik dito!." Isasara ko na sana ulit pero mas malakas siya.
"I just want us to talk."
"Not now. Please not now." Nakakaintinding tumango naman siya.
"Can I talk to Z-zeke?."
"Wag na muna Drake, maguguluhan pa ang bata. Mabuti pang umalis ka na lang muna."
"Hindi ako aalis hangga't di kita nakakausap. Maghihintay ako Therese."
"Bahala ka!." Then I slammed the door.
I fished my phone on my pocket at nagdial.
"How dare you Chelle?!."
"I'm sorry, ok? Nasilaw lang talaga ako sa offer niya. Andito na nga akong Korea eh sagot ni Drake lahat ng gastusin ko dito ng isang linggo. Isn't that great?." She giggled like a stupid teenage girl.
"Great!." Sarkastikong sabi ko. Ang totoo niyan ay gusto ko siyang sabunutan! Argh!
...
😘😘
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...