Chapter 8

81K 1.5K 538
                                    

Taming Drake was not easy, lalo na't may girlfriend siya at mukhang seryoso siya sa relasyon nila. But i wont give up! I like him! So much. And Therese would gets want she wants.

Kaya naman ng makita ko siyang naglalakad papunta sa field ng school ay agad akong sumabay ng lakad sa kanya.

"Hi Drake!." I said placing a seductive smile on my lips, pero ni hindi niya ako nginitian pabalik. Basta basta na lang niya akong nilagpasan!. Another first Therese!

Ang snob netong gwapong toh ah! Pasalamat siya pinalagpas ko yung ginagawa nilang pagkakampihan ni Elizza laban sa akin.

Agad akong humabol sa kanya.
"Drake sabay na tayong maglunch." Ngiti ko.

"Not interested." Poker face lang siya. At nagtuloy tuloy ulit siya paglalakad kaya mabilis ko rin siyang hinabol.

"Please sige na, lahat na lang kase ng invite ko sayo eh hindi ka pumapayag." I pouted.

"May girlfriend ako." Ouch.

"Lunch lang naman eh. Wala akong sinabi na shoshotain kita, maliban na lang kung...." Pilit ko pa.

"Kung...?."

"Kung magpapaagaw ka sa girlfriend mo. Handa naman akong makipag third party eh." Ngisi ko. Napanganga siya sa sinabi ko pero mabilis din na nagblangko ang ekspresyon niya.

"Kasabay ko siyang kakain ng lunch." Napairap ako sa hangin ng makita kong palapit ang girlfriend niyang si Elizza, pero dahil nakatalikod si Drake sa pwesto niya at nakaharap ang dereksyon ko sa kanya ay may naisip akong masamang ideya.

Agad kong sinabit ang mga braso ko sa leeg niya at tumingkayad ng kaunti para maabot ang mga labi niya. He's lips are so soft for a man damn! Kung alam ko lang na ganito kasarap halikan si Drake malamang di na ako nagpaligoyligoy sa kanya.

I smiled at myself ng makita kong natigilan si Elizza at mabilis na tumalikod para tumakbo paalis.

"Shit! What was that for?!!." Galit na tanong sa akin ni Drake na halos magpabingi ng tenga ko. Pero di ko lang siya pinansin.

I just lick my lips para ipakitang nagustuhan ko ang nangyari. I just love the taste of his lips.

"Hey Elizza!!." Tawag ko agad kay Elizza ng di pa siya masyadongg nakakalayo. Agad namang pumihit paharap kay Elizza si Drake bakas ang pagkabalisa sa mukha niya.

Parang wala lang nakita si Elizza na ganong senario dahil nakuha pa netong ngumiti at lumapit sa amin.

"Hi Elizza!." I faked a smile. Kunyare ayos kami.

"Hello, what are you guys doing here?." Tanong ni plastik.

Tumingin ako kay Drake na ngayon ay tulala pa rin.

"Hmm ano nga ba ginawa naten Drake?." Agad dumilim ang mukha niya ng tumingin sa akin.

"Oh Elizza I want to say sorry pala dahil hinalikan ko si Drake. He's so cute kase while confessing to me that he likes me." Agad na naglaho ang ngiti ni Elizza.

"Therese what the fuck are you saying?!." Sigaw ni Drake.

"Gusto ko pa sanang makipagkwentuhan sa inyo lovers but my practice pa kase ako ng cheerdance...bye Elizza." I smiled at Elizza na shock pa rin.

"Bye Drake." I said seductively and wink at him.

That's right Therese!, If you like someone fight for it kahit sa maduming paraan pa.

...

"Bakit ang bababa ng grades mo ngayon? Ano ba ang pinaggagawa mo sa school huh, Therese?." Napairap na lang ako sa hangin dahil yun agad ang bungad sa akin ni dad ng makarating ako ng sala dahil pinapababa niya ako.

"Ok I know that dad, so can I go now?."

Di niya pinansin ang tanong ko.
"Pinopormahan mo raw yung anak ng bussiness partner ko?."

Agad nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Pinapabantayan mo ba ako sa campus?! Dad! Ano ba college na ako hayaan mo na ako sa mga ginagawa ko." Inis na sabi ko.

"Hahayaan? Sa mga mali-mali mong desisyon?, kapag yang grades mo ay di tumino, grounded ka sa paggamit ng gadgets, ifrefreeze ko rin ang bank card mo at di ka makakagimik ng buong year..do you want that?."

"Of course no!."

"Good, then study hard." Napairap na lang ulit ako bago nagmartsa papasok sa kwarto ko.

This will be a hell week!!

..

"So...kumusta kayo ni Snob guy?."

"Oh shut up Chelle, ayoko ng marinig ang kahit ano tungkol sa kanya."

"Really? Di mo na ba siya type?."

"Not anymore, I need to focus on my study first kundi magragrounded ako tss...and di lang naman siya ang gwapo dito sa campus kaya wag siyang pachick magsama sila nong manang na Elizza'ng yun!." Sumimangot ako ng maalala ang kasunduan namin ni dad.

No for boys, yes for study.

Tsk what a cheap quote!

"So aral muna ka muna bago landi?."

"Yeah." I boredly said.
"Wait for me here, ipapasa ko lang tong biology project ko." I said bago ko siya iwan at dalhin ang project ko.

Dahil break time naman ay dumeretso na lang ako sa nakatokang class ang prof ko which is sa classroom ni Elizza. Walang tao sa hallway dahil breaktime, paniguradong canteen o sa field nakatambay ang iba.

Pipihitin ko na sana ang pinto ng room ng may marinig akong mga ungol. I'm not stupid, alam ko ang meaning ng horrible sound na yun. Pasimple akong yumukod para masilip ang loob ng class room, natutup ko ang sarili kong bibig sa pagkabigla sa nakita ko.

Si Elizza nakasakay sa kandungan ng prof namin, at pareho silang walang saplot habang gumagawa ng milagro!!.

"Anong sinisilip silip mo dyan?." Napabaling agad ang tingin ko sa nagsalita.

It's Drake!

Agad ko siyang hinila palayo. Pero pinigilan din niya ako kalaunan.

"Wag mo nga akong mahilahila." Sabi niya at naglakad muli papunta sa kwartong iyon.

Pinagpag niya ang kamay ko na nakakapit sa kanya. Sabi niya at naglakad muli papunta sa kwartong iyon.

"wag kang pupunta dyan."

"Pupuntahan ko ang girlfriend ko kaya pwede ba umalis ka na."

Before I could stop him ay nabuksan na niya ang pinto....

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon