Di ko na na-edit hehe....
"Oh God! Zander!." Sumalubong agad sa akin ang gwapong mukha ng ob-gyne ko na si Zander. Si Zander Villegas ang ob-gyne ko na laging nagchecheck-up sa akin nong pinagbubuntis ko pa si Zeke. Si Chelle ang nagrecommend sa akin na sa kanya magpacheck up, pero nong ipapanganak ko na si Zeke ay di ako pumayag na lalaki ang magpaanak sa akin. Kaya naman ang kaibigan niyang babaeng ob-gyne ang nagpaanak sa akin.
"Hi there, gorgeous!." Akmang yayakap siya sa akin ng dumaan sa harap namin si Drake, madilim ang mukha niya na humarap sa amin.
"Sorry naistorbo ko ata moment niyo magdidilig lang sana ako. Tabi pare. " maangas niya pang tanong kahit na maluwag naman talaga ang daan. Napilitan na lang din tuloy na tumabi ni Zander.
Saka siya tumalikod at dumeretso sa garden.
"Woah! What's with that man? And his outfit?." Mapakla ang mukha ni Zander na nakatingin sa nakatalikod na si Drake at busying nagdidilig. Nakaboxer shorts lang kase ito at tanging apron ang pang-itaas.
"Maid namin ni Zeke." Ngiti ko, saka sinulyapan si Drake na ngayon ay nakabusangot na nakatingin sa akin.
He really looks hot though kahit na nakasuot lang siya ng apron dahil kitang kita ang matitigas niyang muscles sa braso pati na rin ang mapad niyang likod.
Ngumisi naman sakin si Drake ng mahuli niya akong titig na titig sa kanya. Nakuha niyang pang i-pose ang braso niya. Inirapan ko lang siya bago hinila si Zander papasok sa bahay.
"How did you know na umuwi kami rito ni Zeke?."
"Kay Chelle. Gusto ko kasing bumisita muna sa inyo kase aalis na rin ako sa bansa at pupuntang California." Napatango tango naman ako.
"Sure lang maid mo lang talaga yon? Kamukhang kamukha ng anak mo eh?." Ngumisi siya sa akin. Kaya napilitan na lang akong tumango.
"Alam na ng bata?." Umiling naman ako.
"Di ko pa alam kung paano sasabihin. Di pa nga kami okey ng lalaking yon eh."
"Goodluck then. Just give me a call kung may kailangan ka."
"Salamat." Ngiti ko.
"Hey Zeke!." Dinaluhan naman ni Zander ang anak ko na naglalaro sa carpeted floor.
Pumunta muna ako sa kusina para maghanda ng meryenda nila.
Magbabake na lang siguro ako ng cookies, kinulekta ko ang mga kasangkapan na kakailanganin ko.
Shit lang di ko maabot ang flour na nasa pangitaas na part pa ng cabinet."Tss." Di ko na kailangan pang humarap para malaman kung sino ang lalaking nasa likuran ko na nagabot ng flour para sa akin.
Lumingon ako para lang mapasinghap dahil sa sobrang pagkakalapit ng mukha namin dahil bahagya siyang nakayukod para matitigan ako sa mukha.
"Sino yung bisita mo?." Sinikap kong wag mautal sa pagsagot dahil talagang nadidistract ako sa gwapo niyang mukha at ang mabango niyang hininga.
"Si Zander, kaibigan ko na ob gyne" Agad nagdilim ang ekspresyon niya ng marinig niya ang trabaho ni Zander.
"So siya ba ang nagpaanak sayo?." nagsalubong agad ang kilay niya!
"No. Babae ang nag-assist sa akin noon." I managed to say.
"Di ko pa rin gusto ang pagiging malapit niyo sa isa't-isa, nagseselos ako eh. Wag ka lang papahawak sa kanya dahil di mahaba ang pasensya ko Therese." He kisses the tip of my nose before capturing my lips.
Shit! Bakit di ba ako nakaiwas? Saan na yung masungit na Therese kanina? Great! Just great! Basta halik ni Drake nawawala ako sa sistema ko!.
"Ako ng bahalang gumawa ng cookies, join your visitor now. Just remember that he's not allowed to touch you even the tip of your nails."
"At bakit naman kita susunduin?." Pagtatapang ko.
"I'm your husband and the father of you child. O kulang pang ibedensya yun? Gusto mo na bang masundan si Zeke?."
"Hah! Kapal!." Inis kong sabi sa kanya.
Ngumisi lang siya sa akin bago lumayo sa akin at pinagpatuloy ang pagkuha ng kasangkapan. Saka lang ako nakahinga ng malalim, di ko man lang nalaman na nagpipigil pala ako ng hininga.. .
"Here's the cookies!." Malakas na anunsyo ni Drake habang may hawak na plate at nilapag yun sa center table. Naningkit ang mga mata ko ng makita ang niluto niya! Makakain pa ba ang ganito kasunog?!
"Cookies! Yehey." Agad naman kumuha si Zeke ng cookies pero inagaw yun ni Drake. May binulong pa siya sa bata at napatango tango naman ang anak ko na nakangiti ng maloko.
"Para sa bisita yan Zeke eh. Mamaya na lang ang cookies mo, ok?." Humagikgik naman ang anak ko at tumango tango.
"Pare, kain na habang mainit pa." Ngisi ni Drake kay Zander na parang tinakasan ng kulay dahil sa pagkakaputla na nakatitig sa sunog na cookies na niluto ni Drake.
"I'll make a new one." Saka ko kinuha ang plate agad naman akong pinigilan ni Zander.
"Let's have a snack outside, isama na rin natin si Zeke para makapasyal naman siya dito sa Baguio."
"Great idea...we're coming." Sagot ko naman.
"Yeah I'm coming too, maid slash guard and assasinator." Singit ni Drake sa usapan.
"No walang magbabantay sa bahay." Inikutan ko siya ng mata.
"May guard naman sa village ah." Katwiran niya.
"Marami ka pang lilinisin eh." Ngisi ko naman sa kanya. Ngumuso lang siya ulit at padabog na umalis sa harapan namin. Pero pagbalik niya ay may isang plato na siya ng cookies at mango shake.
"Oh maayos na ito. Dito na lang kayo. Prank lang yon pare, masyado ka namang seryoso." Napakamot pa siya ng batok pero sa akin siya nakatingin.
"Pero sabi mo po sa akin lang yan mamaya?." Singit naman ni Zeke. Pinanlakihan naman ito ng mata ni Drake.
Kita mo tong mag-ama sinusoportahan ang kanya-kanya nilang kalokohan.
..
Please follow me:
ancient_dream101
CLICK - - - > ⭐
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomansHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...