"Drake! Sino na naman ba yung kasama mo kanina?." Tanong ko ng dumaan siya sa harapan ko dito sa sala. May kasama kase siya kaninang babae dito, pakilala niya ay sekretarya daw niya iyon. Pero duda ako doon dahil di naman sila parehong nakaoffice attire ng umalis sila at heto nga at ginabi pa siya pauwi."Pwede ba wag mo akong bungangaan ngayon Therese!." Irita niyang sabi sa akin.
"May karapatan akong malaman Drake! Asawa mo ako." Giit ko pero tinignan niya lang ako na para bang nandidiri siya.
"Asawa pala kita? Ang alam ko kase pinikot mo ako." Puno ng sarkastimo ang boses niya.
Kinagat ko ng madiin ang labi ko para maiwasang pumalahaw ng iyak. Mahal ko siya, kakayanin ko ito.
"Drake maniwala ka naman sa akin wala akong kinalaman sa mga pictures na iyon. Sa tingin mo ba kukunan ko ang sarili ko ng hubad na katabi ka at ibibigay sa magulang ko?."
"I know you can. You're obsess with me, right?." Ngumisi siya.
Napapikit na lang ako ng mariin.
"Can't we just move on? We've been married for a half year already. Please Drake? "I pleaded.
Mabilis niya akong nalapitan at pinisil ng madiin ang panga ko gamit ang kamay niya habang pinanlilisikan ako ng mata. Agad akong naluha. Naramdaman ko na naman ang pamilyar na hapdi ng di ko pa gumagaling na sugat sa labi.
"Move on? Tang*nang yan!." Pabalibag niya pa akong binitawan kaya mabilis kong binalanse ang sarili ko para di mapaluhod.
Walang lingon siyang umalis sa harapan ko.
...
Nataranta ako sa pagbangon ng makitang magtatanghali na. Kailangan kong magluto dahil andito sa bahay si Drake dahil wala siyang trabaho kapag linggo.
Halos matisod pa ako sa hagdan sa pagmamadali. Pero unti-unti ring bumagal ang paglalakad ko ng may maamoy sa kusina. Sumilip ako sa pader ng kusina.
Doon ko nakita si Drake na nakatalikod at may kung anong niluluto. May umukit na maliit na ngiti sa labi ko.
"Wag kang tumayo lang dyan! Maghain ka na ng kanin." Utos agad niya ng makita ako.
Dali-dali naman akong nagsandok ng kanin sa rice cooker. Ilang sandali ko lang siyang hinintay ay nailapag na niya ang niluto niyang kare-kare. Napalunok ako ng makita ang ulam.
"minsan pang tanghaliin ka ng gising, ikakandado na kita sa kwarto mo." Banta niya. Tumango na lang ako.
Kumunot ang noo niya ng di pa ako sumasandok ng ulam.
"Wag kang mag-inarte sa ulam kung di ka naman marunong magluto." Dagdag niya pa.
Kahit na may pagaalinlangan ay sumandok ako ng kare-kare. Di ko ito palalagpasin, ngayon ko lang matitikman ang luto ni Drake. Titiisin ko muna ang resulta.
Sumandok ako ng kanin at ulam. Napangiti ako sa sarap ng luto niya. Nakailang subo na rin ako at nararamdaman ko na ang pagatake ng allergy ko. Allergic ako sa nuts at di niya alam iyon.
"Ang sarap!." Sabi ko pa kahit para na akong pinagpipyestahan ng mga higad sa sobrang kati ng pakiramdam ko.
Pinilit kong makangiti pero di niya ako tinapunan ng tingin.
...
"Maasahan ko bang di mo na uulitin iyon Mrs. Olivares?." Tanong sa akin ni doktora.
"Opo."
"Maswerte ka at may nakareserba kang gamot, pero mabuti na rin na dumaan ka pa rin dito. Tandaan mo, maari mong ikapahamak yon."
Mapait akong ngumiti bago tumango.
"Can I go now? Baka kase hinahanap na ako ng asawa ko. Di po kase ako nakapagpaalam.""Sigurado ka bang ayos ka na talaga? ."
"Oo naman. Balak ko ngang mamulutan ng mani eh." I joked.
Napailing-iling na lang ito sa kalokohan ko.
"Sige, you can go now. Mag-ingat ka hija." She smiled genuinely.
...
"Captain!." Someone screamed.
Lumingon ako kahit di ko alam kung ako ba ang tinatawag. Ngumiti ako ng makita si Pamela isa sa mga kasama ko sa cheer leading dati nong college.
"Hi!." Nagbeso kami.
"Kumusta? O kumusta ang buhay mag-asawa?." She teased me.
"Ayos naman. Nagkakaproblema minsan pero kaya naman." I lied.
"Anong klaseng problema naman? ." Tanong niya pa. Pero hindi ko alam kung bakit parang iba ang pakiramdam ko sa tanong niya.
"mga s-simpleng bagay lang."
"Talaga? Kala ko babae ang pinag-aawayan niyo." ngumisi siya na lalong nagpagulo ng isip ko. Bakit parang may alam niya? O nagoover react lang ako.
"By the way, you look like a manang na, captain. Parang di ikaw ang campus bitch noon." Pinakatitigan niya ako mula ulo hanggang paa. At parang nandidiring tinitigan ako.
"Duster, really? Ganyan ka na manamit?." Maarteng pahayag na nito. I see no wrong wearing duster lalo na at ang presko at komportable siyang suotin.
"Anyway you slay pa rin naman." Asar nito.
"See you when I see you. Goodluck sa marriage niyo ni Drake." Di ako nakaimik hanggang sa makaalis na siya.
Namuo ang mga luha sa mga mata ko. Malakas ang kutob kong may alam si Pamela tungkol sa kalagayan ng buhay mag-asawa namin ni Drake. Sana mali ang kutob ko.
...
Sampal ang abot ko kay Drake ng makauwi ako ng bahay. Salo ko ang nasaktang pisngi bago tumingin sa kanya.
"Ikaw p*ta ka! Alam mo ba kung anong oras na?!." Alas-otso pa lang naman ng gabi, maaga pa naman akong nakauwi. Nagkita rin kase kami ni Chelle, gusto ko lang muna kaseng magkwento. Gusto kong may makinig sa mga hinaing ko. Siya lang naman matatakbuhan ko ngayon dahil may tampo pa rin sa akin ang parents ko. Medyo natagalan lang ako dahil ayaw akong pauwiin ni Chelle kanina nagaalala siyang baka saktan na naman ako ni Drake.
"Siguro naghanap ka ng lalake mo no?." Agad akong umiling.
"Hindi totoo yan. N-nagkita lang kami ni Chelle." Paliwanag ko pero madilim pa rin ang mukha niya. Lalo akong natakot. Para siyang papatay ng tao.
"Don't fool me, Therese! Ano naghahanap ka ng kakamot dyan sa kati mo?!."
"H-hindi."
"Tinatanggi mo pa?! Halika ako na mismo kakamot dyan sa kati mo!." Hinuli niya ang braso ko at sapilitan niya akong pinasok sa kwarto niya.
Agad niya akong binalibag sa kama kasabay non ang pagkapunit ng mga damit ko.
"Drake, wag ngayon please." I sobbed but he doesn't seem to care. Pinaliliguan niya ako ng halik, nanlaban pa rin ako. Hanggang sa natagpuan ko ang palad ko at sinampal siya.
Natigil siya bago ako tinitigan ng matalim. Sinampal niya rin ako pabalik, umikot ang paningin ko sa lakas ng sampal niya. Nalasahan ko na rin ang dugo sa labi ko.
I sobbed harder lalo na ng ilabas niya ang hand cuffs sa cabinet. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanya pero pinosasan niya pa rin ako sa kama. Binusalan niya rin ako ng panyo sa bibig, kaya mas lalo akong nahirapang umiyak.
"Now you're quiet." Ngumisi siya at nagawa pa akong halikan sa ilong bago bumaba ang kamay niya sa pagkababae ko.
That night he force me helplessly, until I feel numb all over.
...
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...