Chapter 9

78K 1.6K 176
                                    

"Sinabi ng wag eh!!." Agad akong humarang sa daraanan niya ng mabuksan niya ang pinto pero tinulak niya lang ako kaya naman nauntog ako sa isang upuan. Di ko yun ininda, agad akong humarang ulit sa kanya, nakakatakot siyang tignan para siyang papatay ng tao anumang oras.

Nabaling ang tingin ko sa dalawa na ngayon ay nagmamadaling magdamit. Nakakadiri sila.

"Mamaya ka na makipagusap sa kanya, kapag kumalma--."

"Sinabi ng wag mo akong pakealaman!!." Saka niya ako hinawi sa daraanan niya kaya naman nauntog naman ako ngayon sa whiteboard.

Letse! Nakakadalawa na ito ah!!.

"D-drake m-mageexplain a-ako." Nangangatal na pahayag ni Elizza habang pilit inaabot ang kamay ni Drake pero patuloy lang si Drake sa paghawi.

"Explain but please don't touch me." Malamig niyang saad at matalim parin ang titig kay Elizza, nilibot ko ang paningin ko para hanapin ang hayup naming prof pero wala na siya. Gago yun ah tumakas! Susumbong ko siya kay dad para mapatalsik na yun.

"Yung nakita mo kanina wala akong itatanggi d-doon...totoong may nangyayari sa amin ni Prof Nick kapalit ng pagpapa-aral niya sa akin at sa iba ko pang luho." Nakatungo niyang saad.

Such a slut!! A well-disguise slut!

"Your sugar daddy to be exact?." Agad naman tumango si Elizza.

"Ok I undestand." Mahinahong sabi ni Drake.

"Is that means--." Her face lit up.

"Yeah that means we are over. I didn't know that you'll stood this low. That's all, don't expect na babalik pa ang respeto ko sayo." He coldly said then left the room. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaalis siya bago ko binalingan ng masamang tingin ang babaeng malandi.

"Alam mo kakampi mo sana ako eh, nasilip ko na ang ginagawa niyong kababuyan ni Prof Nick pero sinawalang bahala ko lang yun pero malas niyo lang at dumating si Drake at di siya nakinig sa akin na wag ng tumuloy dyan." Humalukipkip ako.

"Bwiset ka talaga!! sinadya mo yun! Ngayon na nakipagbreak na sa akin si Drake wala na akong mahuhuthutan ng pera! Babalik na naman ako sa bulok kong apartment!!." Matalim na tumingin siya sa akin.

"Hmm so mukha ka talagang pera ano...I'm maybe a brat di ko ipagkakaila yun pero maipagmamalaki ko naman sa sarili ko na Virgin pa ako di tulad mo!..nagpagalaw na nga sa kulubot pa yuck!! Wala talagang class!." Umirap ako sa kanya.

"May araw ka rin sa akin Therese!." Tili niya.

"Oh dear, hindi mo na masisilayan ang araw kapag ako ang gumanti." Laban ko.

"Ok bye now, see you kung makikita pa kita dito kinabukasan." Ngumiti ako ng malademonyo sa kanya bago umalis at hinanap si Drake.

..

"So nagmumukmok ka dahil sa impokritang yun?." Maarte kong komento ng matagpuan ko si Drake sa dulo ng campus kung saan walang mga estudyante. Prente siyang nakasandal sa malaking bato at malayo ang tingin.

"I know that I'm a bitch but I'm telling you this...just fucking move on she's not worth it anyway." Saka ako umupo sa tabi niya at tumingin sa mukha niya. Tahimik akong napasinghap ng bigla siyang humarap sa akin.

Matalim ang tingin niya ng una pero unti-unting naglaho at napakunot ang mukha niya habang nakatingin sa mukha ko. Nagbukas sara ang bibig niya na parang may sasabihin ngunit hinugot na lang niya ang panyo niya sa jeans niya at inabot sa akin.

"Blood." Saka siya nagiwas ng tingin at sumandal na nakapikit ang mata.

"Huh?."

"On your forehead." Agad ko namang hinawakan ang noo ko at doon lang ako napadaing ng marealise kong nagkasugat pala ako sa pagkakauntog ko kanina.

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon