"Maybe we should have a baby." Nagsalubong naman ang kilay ni Therese sa sinabi ng asawa parang nong nakaraan lang na nagparamdam ito sa kanya ah. Tapos ngayon ay ito na naman ang topic nila. Muntikan na tuloy niyang malunok ang toothpaste na nasa bibig niya.
Inirapan niya lang ito ng magtama ang mata nila sa bathroom mirror, pinagpatuloy niya nalang ang pagtotoothbrush. At ang walanghiya talagang pinandigan na rumampa lang sa bathroom na nakaboxer lang.
"Nasa tamang edad naman na tayo diba, I think we're ready." Sabi nito bago siya sinabayan sa lababo na magtoothbrush. Di na lang niya ito inimik at nagmumug na lang.
Nagpapuno siya ng maligamgam na tubig sa bathtub para sana makapagbabad siya kahit mga 10mins lang bago matulog. Para man lang makapagrelax siya at maalis muna sa isipan niya ang usapan nila kanina ni Kevin.
"Anong problema? Kanina ka pa tahimik ah?." Tanong ni Drake na nakayakap na ngayon sa likod niya.
"Ayaw kitang makausap eh." Biro niya dito. Ramdam naman niya ang pagsimangot nito sa likod niya.
"Magkababy na kase tayo." Ungot nito sa kanya.
"Bakit naman napasok sa isip mo ang pagkakaroon ng baby?."
"Gusto ko na kase na may nagtatawag sa akin ng 'daddy', at para naman umingay dito sa bahay." 'Kung alam mo lang' bulong niya sa sarili. Hinarap niya ito at sinapo ang mukha nito.
"Pagusapan na lang natin ito next time. And to be honest, I'm not ready yet. Ang sakit kaya maglabas ng baby." Sumimangot siya.
"Susuportahan naman kita." Ngiti ni Drake.
"Palibhasa kayong mga lalaki di niyo nararamdaman ang ganon na sakit kase ang gagawin niyo lang naman ay ang magpaputok." Natatawa niya itong inirapan bago tumakbo papunta sa kama nila. Agad din naman itong humabol sa kanya. At napuno ng tawanan ang kwarto nila.
..
Hatinggabi na ngunit di pa rin makahanap ng magandang pwesto si Therese para matulog. Mahimbing na natutulog si Drake sa tabi niya pero heto siya at mulat na mulat pa rin ang mga mata.
Bumangon na lang siya sa kama at naglakad papunta sa veranda at doon muna tumambay. Tumatagos sa silk nighties niya ang lamig ng hamog. Madilim sa bandang garden kaya naman di niya maaappreciate ang ganda nito, maliban na lang sa mga bituin at buwan na nagbibigay ng mumunting ilaw sa gabi.
Bigla tuloy niyang naalala ang anak niya mahilig kase itong tumingin tingin sa mga bituin. Sinulyapan niya saglit ang natutulog na si Drake bago tinungo ang closet niya at nagpalit ng pantalon at simpleng shirt. Balak niyang puntahan saglit ang anak kahit na alam niyang tulog na ito. Gusto niya lang itong makita para mapanatag ang loob.
Yumuko siya sa natutulog na Drake.
"Saglit lang ako, babalik din ako agad." Bulong niya at hinalikan ito sa tungki ng ilong nito.
Kinuha niya lang ang cellphone sa bedside table at umalis na ng tuluyan.
...
Napakunot ang noo niya ng may marinig na ungol sa bandang kusina.
May gising pa?. Tanong niya sa sarili.
Dumeretso siya ng kusina at doon niya naabutan si Chelle na walang pangtaas. Laglag ang panga niyang nakatingin dito, habang may kung anong kavideo call pa ito sa laptop nito habang gumagawa ng milagro sa sariling katawan.
"Chelle!." Sigaw niya rito. Gulat naman itong napatingin sa kanya, agad nitong sinara ang laptop. Hinagis naman niya rito ang robe na nakita niya sa table.
Alanganin itong ngumiti habang inaayos ang sarili.
"Bakit ka napauwi?." Tanong nito. Pero imbis na sagutin iyon ay nagtanong siya.
"Sinong ka SOC mo huh?." Tinaasan niya ito ng kilay ng wala itong balak sabihin kung sino.
"Sus ganyan na por'que nadiligan na ang flower ng isa dyan." Parinig nito sa kanya.
"Oh! So bakit ka nga biglaang umuwi?."
"Gusto ko lang makita si Zeke."
"Ahh. So kumusta naman kayo ni Drake?." Tanong nito habang sumisimsim ito sa kape.
"Okey naman. Gusto niya raw magka-baby." Di niya mapigilang magpaikot ng mata. Inagaw naman niya ang tasa ng kape dito at doon na rin uminom.
"Talaga huh? Ansabi mo naman?." Tanong nito pero nagkibit balikat lang siya rito. At nagsimula ng tahakin ang kwarto ng anak niya.
Tulog na tulog ang anak sa kama nito habang yakap yakap ang paborito nitong unan. Sumampa siya sa kama at niyakap ito sa likod.
Namiss niya ang baby niya lalo na ang amoy nitong baby na baby talaga. Well, 6 yrs old na ang anak niya pero tinatrato pa rin niya itong baby.
"Mimi?." Tanong nito sa paos na boses. Naalimpungatan siguro.
"Just sleep baby, mom is here." Hinalikan niya ito sa noo ng humarap ito ng higa at niyakap siya nito at tinuloy ang pagtulog.
This is what she need. Her son's warm embrace makes her whole being calm.
Nagstay lang siya ng kalahating oras bago umalis sa condo unit. Pero bago siya umalis ay pinagsabihan niya si Chelle na wag magSOC kapag andoon ang anak niya. Ngingisi ngisi naman itong tumango sa kanya.
...
Tulad ng nakaraang araw ay sumabay ulit siya sa asawa na pumasok sa trabaho.
Agad siyang pumasok sa opisina niya at ginawa ang dapat niyang pagkaabalahan. Pero di pa siya nagiinit sa pagkakaupo ay may kumatok sa pinto ng opisina niya.
"Ma'am may gusto pong kumausap sa inyo." Sabi ng isa niyang staff. Iyon naman ang naging hudyat para magpakita sa kanya ang taong gustong kumausap sa kanya.
"Anong kailangan mo?." Tanong niya kay Kevin ng makaalis ang staff niya. Di naman na nagabalang umupo pa si Kevin nakatayo lang ito sa harap ng mesa niya.
"Let's go."
Kinunotan niya ito ng noo.
"Saan?." Pagsusungit niya, di niya pa rin nakakalimutan ang nagawa nitong pagkuha sa kanila ni Drake ng mga pribadong litrato.
"Kailangan ko ng kasama eh."
"It' a date?."
"Not yet." Ngisi nito.
"Excited ka naman ata." Pangaasar nito.Inirapan niya ito.
"I'll go with you just promise me wala kang sasabihin kay Drake."
"Talagang wala kang balak sabihin kay Drake huh o baka naman talagang gusto mo akong i-date?." Nakangising tumango naman ito.
"He has the right to know. But not now. Not now with his condition." Irap niya dito.
"Don't assume to much." Dagdag niya pa.
Kinuha niya lang ang bag niya at sumama na rito. Dahil sa lalim ng iniisip niya ay di niya napansin ang pares ng mga mata na nakatingin sa kanila.
...
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...