"I love you." Hinalikan ni Drake sa sentido ang tulog na asawa. Nakatulog ito sa ibabaw niya, napagod ata sa kakaiyak kanina.
Inayos niya ito ng higa sa kama at niyakap. Di niya lang maintindihan kung bakit ayaw pa nitong sabihin ang gusto nitong sabihin. Hindi pa raw ito ang tamang panahon, pero bakit? Pero kailangan na lang muna talaga sigurong pagkatiwalaan ang asawa. Alam niyang hindi ito magsisinungaling, kilala niya ito bilang straight forward na tao.
Napabuga lang siya ng hininga iniisip niya kung paanong nagkakasama si Kevin at ang asawa niya. Binablackmail daw nito ang asawa niya, pero bakit? Hindi naman siguro may affair ang dalawa. Gulong-gulo na ang isip niya kailangan na muna siguro nila ng bakasyon na mag-asawa.
Mabuting magbakasyon muna sila. Napangiti siya sa naisip.
Kaya naman kinabukasan ay maaga siyang pumasok para tapusin ang dapat tapusin para maayos na rin niya ang bakasyon nilang dalawa. Para naman makabawi siya sa asawa. Baka di lang ito nagsasabi pero ang totoo ay nagtatampo na ito.
Nagabihan na rin si Drake sa pag-uwi, pagod pero excited na pinarada niya ang kotse niya sa garahe at agad na pumasok sa bahay nila para hanapin ang asawa.
"Honey?...Therese?." Lahat na ata ng sulok ng bahay ay nilibot na niya ngunit wala pa ring Therese na nagpakita.
Sinilip niya ang relong pambisig, it's already 7pm dapat nakauwi na asawa niya ng ganitong oras kung saan man ito nanggaling.Dumeretso na lang muna siya sa kwarto nila para magpalit.
Magpapalit na sana siya ng damit pangbahay ng mapansin ang phone ni Therese.Naiwan niya ba ito?
Habang tinititigan ang phone ay di niya na napigilan ang koryusidad na usisain ang laman ng phone, partikular na sa messages nito.
Ang pinaka latest na message nito ay galing kay Chelle.
Tinignan niya pa ang ilan pang messages galing kay Chelle, na kaibigan niya nong college pa sila.
'Gusto ka raw makita ni Zeke.' -Chelle.
'Gusto ko na rn syang makita kaso baka makahalata si Drake.' -Therese.
'Pero gusto talagang ni baby Zeke mo na magdate daw kayo.' -Chelle
'Para namang matitiis ko siya.' -Therese
"Whoo thank God! Ang kulit na kase niya eh.' -Chelle
'I really miss him, sige magbibihis na ako kanina pa nakaalis na si Drake.'
-ThereseHalos mabasag ang phone ni Therese sa sobrang higpit ng hawak ni Drake rito. Tinignan niya sa contacts ang pangalan na Zeke ngunit wala roon, malamang nakadisguise ang pangalan non sa isa sa mga contact number para hindi mapaghalataan.
Halos lahat na ata ng mura ay namura na ni Drake sa isip. Ano na naman ba ito?! Kakatapos lang ng issue tungkol kay Kevin. Pinalagpas na niya ito dahil sabi ng asawa niya ay magtiwala lang siya pero sino na namang itong lalaking ito?! Litong-lito na siya pero paano niya iyon masasagot kung wala si Therese dito.
He own Therese! Hindi si Kevin o Zeke na iyan ang pwedeng umeksena sa kanila. Hindi pwede!
"Nauna ka pa palang makauwi sa akin, Galing lang ako sa shop at nag-."
"At nakipagkita kay Zeke? Is that it?!." Nanlaki ang mata niya at tila nabuhusan ng malamig na tubig sa sobrang pagkabigla. Lalo pa siyang nanginig sa takot ng makita niyang hawak ni Drake ang phone niya.
"No it's not--."
"It's not?!, don't try to fool me Therese! Nabasa ko lahat ng text mo kay Chelle na makikipagkita ka kay Zeke na yan!!.will you please tell me kung sino talaga si Zeke sa buhay mo!." Huminga ng malalim si Drake para pakalmahin ang sarili. "Therese naman kakatapos lang ng kay Kevin! Ano na naman ba ito?! Ano talaga bang nagtataksil ka na sa akin?!."
"H-hindi pa to ang tamang panahon." Nag-iwas siya ng tingin habang nangingilid ang mga luha sa mga mata niya. Para akong sinuntok sa mukha ng makita ko ang mga pabagsak niya luha, pero hindi ito tama. Tama bang makipagdate siya sa ibang lalaki kung may asawa na siya?!. Fuck it!
"Tangina! Yan din yong sinabi mo sa akin 'non! Ano?! kelan pa yang tamang panahon na yan?!." Napasabunot ito sa sariling buhok. "Why can't you just spill it?! I'm your husband! Can't you trust me?!."
"Sasabihin ko rin ang lahat tungkol sa kanya pero hindi muna-- Drake!." Mas lalo siyang nanginig sa takot ng ihagis ng asawa ang phone niya sa pader, kaya nagkabasag-basag ang phone niya.
"Better. No more Zeke!." Ngumisi pa ito ng mapanguyam sa kanya.
"Wala ka pa ring pinagbago, ikaw pa rin ang self-centered at walang pinaniniwalaan na Drake na kilala ko." She said in a cold tone and run away from him.
Sumalampak ng upo si Drake sa sahig at sumandal sa kama. Ano na naman ba itong nangyayari sa kanila? Kala niya okey na sila? Bakit ayaw mag open-up sa kanya si Therese? Bakit pakiramdam niya andami nitong nililihim sa kanya?
Hindi na niya alam ang gagawin. Kung ano pang klaseng pagiintindi pa ang gagawin niya. Hindi naman siya ang mali dito eh, hindi naman siya ang may kasalanan.
Napahilot na lang siya sa sentido at nilabas sa bulsa ng pantalon ang cellphone niya at nagdial ng numero. Isang taong alam niyang makakatulong sa kanya.
"Mr. Cruz can you investigate who is Zeke! I dont know kung anong surname non. Investigate who is he in Therese life. I need your positive result this week." Maotoridad niyang sabi.
..
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...