Chapter 29

74.2K 1.5K 168
                                    

Nang mga sumunod na araw ay talagang kinarir na ni Drake ang pagiging katulong sa bahay, hindi na lang siya basta babysitter. Siya na nga rin ang maagang nagluluto ng almusal. Siya na rin ang naggigising sa akin, pero minsan bago ako magmulat ng mata ay ramdam ko minsan na may kung anong dumidikit sa mga labi ko. Simpleng tyansing lang din talaga ang lalakeng iyon.

Kaya kadalasan ay busangot lagi ang mukha ko kapag ginigising niya ako. Pero siya ngingiti ngiti lang na kala mo walang ginawang kamanyakan.

"Anong gusto mong tanghalian at meryenda mamaya? Mag-grogrocery ako mamaya." Sabi niya habang balik balik sa lutuan at lamesa para ihanda ang mga niluto niya.

Nagisip naman ako ng malalim. Gusto ko kaseng pahirapan siya sa pagluluto mamaya. Hmmm.

"Gusto ko ng seafood paella para sa lunch. Tska pizza naman or empanada sa meryenda." Ngingisi ngisi ako habang nakatalikod siya.

Pero laking dismaya ko ng lumingon siya ng may ngiti sa labi. Argh! I hate that smile! That smile screams victory!

"Ang tagal ko na rin di nagluto ng mga yon. Madalas din irequest ni mom yon dati kapag umuuwi ako sa kanila."  Buong pagmamalaki niya pa.

"Na niluto mo rin para sa mga babae mo?." I smirked sarcasticaly.

"Iluluto ko pa lang para sa kanya." Ngumiti siya sa akin pero inirapan ko lang siya.

"Korni mo! Ipaharvest kita dyan eh." Pero tinawanan niya lang ang pagsusungit ko.

"Wala ka ng request?." Umiling lang ako.

"Sige gigisingin ko lang anak natin." Paalam niya bago tinungo ang palabas ng kitchen.

..

"Truth or dare mimi?." Pilyong tanong sa akin ni Zeke habang nakapaikot kami sa table at nakaupo sa carpet. Puno rin ng snacks ang mesa namin.

"Dare." Hamon ko naman.

"Akin na po lahat ng chocolates sa ref." Ngisi niya sa akin.

"Sure baby!." Tuwang tuwa naman siyang tumakbo agad sa kusina at pagbalik nga niya ay may hawak na siyang chocolate.

"Just brush your teeth later huh." Paalala ko pa. Tumango tango naman siya.

"So Drake, truth or dare?." Tanong ko naman sa katapat ko.

"Truth." Sagot niya.

"Okey. You have this two capsules. The red one will let you go back in time and the blue one will give you immortality. Which one will you choose?."

"Red capsule so I can go back in time.  Gusto kong maitama ang lahat, nong panahon na nasaktan kita. Gusto kong maibalik ang mga panahon na duwag ako. Dapat naging matapang ako at di nagpabulag sa galit."

"Cut the crap. I know that you would pick the blue one." I said bitterly. Gusto niya pa sanang magpaliwanag pero sinenyasan ko siyang nasa tabi lang si Zeke. Tumahimik na lang ulit siya.

Nagtuloy tuloy lang ang laro naming tatlo hanggang sa bumagsak sa hita ko si Zeke. Mahimbing na itong natutulog.

"Truth or Dare Therese?."

"Tulog na yung bata. Bukas na---."

"Truth or Dare Therese?." Ulit niya lang.

"Truth."

"Si Zeke ba ang dahilan kung bakit ka binablackmail ni Kevin noon?." Tumango naman ako.

"You could just tell me."

"Hindi ko na lang sinabi dahil sa pagaakalang totoo yang pagkawala ng amnesia mo. Baka kase mahimatay ka na naman, ang galing mo palang umarte noon sa cafe ko." Pang aasar ko sa kanya.

"Truth or Dare?." Its my turn to ask.

"Truth."

"Anak niyo ba ni Pamela yung baby na nakita ko noon?."

"No. No pamangkin niya lang iyon na binilin lang sa kanya. I didn't mean--."

"Just a simple yes or no would do. You sound defensive." Ngisi ko sa kanya. Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin? I'm telling the truth." Nagbuga na lang siya ng hininga ng mapansing wala akong interes sa sinasabi niya.

"Truth or Dare Therese?."

"Truth."

"Bakit basta ka na lang umalis? At may divorce paper pa?."

"Because you love Pamela right? And you to---."

"I don't! Never I lay a hand over her." Pinaningkitan ko siya ng mata. Signaling him to tone down his voice.

"Oo dahil nga akala ko si Pamela ang mahal mo at akala ko anak niyo na yung kasama niyo. At talagang nag-expect ka pa na magtatagal pa ako sayo eh halos patayin mo na ako sa bahay." laban ko naman sa kanya. It's now or never na ito, kailangan niyang malaman lahat ng nararamdaman ko noong nasa panahong iyon pa kami.

Yumuko siya at nagkusot ng mata. Mapula ang mata at sumisinghot siyang nakipagtitigan sa akin.

"C'mon Drake di ako madadala dyan sa pag-iyak mo. Nong nagmakaawa at umiyak ba ako noon sa mga paa mo ay nakinig ka? Hindi di ba? Kaya danasin mo rin ang mga dinanas ko sayo." Matatag kong sabi, pilit pinapatapang ang boses na halos mapiyok na sa pagpipigil ng luha.

"I love you."

"You can have your 'I love you' to yourself. I don't need that." That's the exact phrase that he told me.

Nagyuko lang siya ng ulo.

"Truth or Dare Drake?."

"T-truth."

"So how was it Drake? Anong pakiramdam na binabasura ang pag-ibig mo ng taong mahal mo?."

"M----masa--kit. Parang d-di ko na kakaya--nin." He cleared his throat para di mamalat ang boses niya sa pagitan ng pagluha.

"Truth or Dare Therese?."

"Dare."

"Kiss me."

"Pinagloloko mo ba ako?." Inis kong tanong sa kanya. Umiling naman siya.

"Bakit? Para mabasa ang nararamdaman ko? Ganon ba? Sorry to disaappoint you dear---."

"Do it or do it Therese. You sound defensive." Nagsalubong ang kilay ko ng marinig ang kapareho kong litanya kanina.

"Fine. Pero ikaw ang lumapit, nasa akin si Zeke." Tumatango naman siya na kala mo eh teenager na ngayon lang makakahalik.

Lumapit naman siya ng nakaluhod sa harap ko. Kusang napalunok ako ng lumapit ang mukha niya sa akin. Now he's near, I can breathe the same air with him.

"I miss you." Bulong niya pa bago niya tuluyang ilapat ang mga labi niya sa akin.

It's just a simple kiss. Magkalapat lang, at di gumagalaw.

"Huliii!! Bakit kiss mo si mimi ko?." Sabay pa kaming naghiwalay agad at napatingin kay Zeke na nakahiga pa rin sa hita ko at ngayon ay mulat na mulat na ang mga mata.

"Truth or dare is really a cursed game, huh?." I whispered na narinig ata ni Drake dahil bahagya pa siyang napangisi. Pero ng titigan ko siya ng masama ay mabilis siyang ngumuso.

....

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon