Tiniklop ko ang laptop ko bago humilig sa swivel chair at hilutin ang sentido ko. Kanina pa ako dito sa opisina ngunit iilan pa lang ang natatapos ko. Masyadong malayo ang iniisip ko sa tinatrabaho ko.Niligpit ko na ang gamit ko bago lisanin ang opisina ko. Kailangan ko ng ayusin ang gusot namin ni Therese bago pa lumala. Di ko na rin kaya pang magtiis, I miss her. Ako na lang ang magpapakumbaba, wala rin kaseng mangyayari kung magpapataasan kami ng pride. Hindi rin naman kase iyon basta magpapatalo.
That brat. Nagmature na nga rin talaga siya pero andoon pa rin ang pagiging mapride niya. Natutuwa nga ako dahil magaling na rin siyang magluto at sa iba pang gawaing bahay. I'm so proud of her talagang
nahiyang na siya sa pagiging mabuting asawa. Anak na lang talaga ang kulang sa amin. At talagang binabalak ko iyon para wala na talagang siyang kawala......
Bumungad kaagad sa akin ang tahimik na loob ng bahay. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng bahay at para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng pagkapasok ko ng study room namin ay tumambad sa akin ang nagkalat na mga papeles sa drawer ko. Sinita ko ang bukas na drawer ko at doon ko lang na-realise ang nawawala! Shit! Hindi kaya't nakita na ni Therese yun?!
Nagmadali akong bumaba ng hagdan at tinungo ang garahe para imaneho ang kotse ko.
Di rin nagtagal ay nakarating din ako sa destination ko. May ideya kase akong dito siya unang pupunta. Agad akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng bahay ng mga magulang ko. Sana di pa nagpunta dito si Therese.
"Oh hijo, biglaan naman ata ang pagpunta mo rito." Bungad agad sa akin ni mom. Humalik naman ako sa pisngi niya ng makita ko siyang nagkakape sa sala.
"Mom, nanggaling ba rito si Therese?." Hinihingal pang tanong ko.
"Hindi, b-bakit?."
"Nothing." Kumalma naman ako ng kaunti pero di ko alam kung saan siya hahanapin. Di kaya ay pagkakita niya non ay lumayas na siya? Hindi naman siguro dahil andon pa ang mga gamit niya.
"Tell me hijo, alam kong may bumabagabag dyan sa isip mo. C'mon open up baka matulungan kita." Giniya ako ni mom upang maupo sa sofa.
I inhaled before speaking.
"I didn't signed our divorce paper at hindi rin totoong may amnesia ako, nakakaalala talaga ako." Pag-amin ko.
My mom gasped.
"Good God! Drake ano na naman ba tong pakulo mo?." Napahawak pa ito sa dibdib na parang di makapaniwala."I know it's a childish stunt but I did this because I want Therese back to my life."
"Can you repeat what you have said awhile ago."
Napahinto ako sa dapat kong sasabihin ng marinig ko ang maotoridad na boses ni dad. Napalunok ako dahil nararamdaman ko na galit siya sa ginawa ko.
Tumayo ako at hinarap siya.
"I didn't signed our divorce paper at wala akong amnesia. I did that because I want Therese back." Di na ako nagulat ng kwelyuhan ako ni dad."You want here back?! Really?! After what you did?!!." He scolded me.
"Narealise ko na ang pagkakamali ko. Nagbago na ako, mahal ko talaga siya dad."
"But it's to late right?! Therese is a good and strong woman. Nakita ko siya kung pano siya nagpakatatag pagkatapos mamatay ng mga magulang niya, nakita ko rin ang pagtatyaga niya para iahon muli ang nalugi nilang kumpanya. I offered her help, but she refused. And I salute her for that. And now you want her back?, maawa ka naman sa kanya, maayos na lagay niya ng maghiwalay kayo. Kung ang magiging resulta ng pagbabalikan niyo ay muli niyang pagkawasak ay wag mo na lang ituloy." Mahinahon ngunit may banta ang boses ni dad.
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...