True to his word ay talagang di siya unalis, di ko man siya makita ay alam kong andyan lang siya sa paligid dahil nasa tapat pa rin ng bahay namin ang kotse niya. Napailing na lang ako sana magsawa na siya agad at umuwi na, baka kase mapansin na ito ni Zeke at di ko alam kung paano uumpisahan ang pagpapaliwanag.
"Love you baby." I kissed him in the head habang busy siya sa panonood. Pero kahit busy ay nagawa niya pa rin akong lambingin. Sa akin niya siguro namana ang pagiging malambing, di naman kasi malambing na tao si Drake.
In the evening, ay agad kong napatulog ang anak ko gamit ang pagbabasa sa kanya ng favorite niyang story book. Hinalikan ko siya sa noo bago lumabas ng silid. Agad kong kinuha ang jacket at pangbalabal, dahil paniguradong yayakap sa akin ang lamig ng hangin ng Baguio.
Lumabas ako ng bahay para puntahan ang sasakyan ni Drake na nakapark sa tapat ng bahay namin. Kinatok ko ang pintuan ng sasakyan ngunit napagalaman ko rin na wala si Drake doon.
San naman yung kumag na yun?
Ng luminga ako sa paligid ay saka ko lang napansin ang tent na blue na nakapweseto ilang hakbang lang ang layo mula sa kotse.
Nilapitan ko ang tent at binuksan ng bahagya ang zipper para masilip ang loob.
"Drake!!." Sigaw ko sa kanya. Nataranta naman siya sa pagbangon pero ng makita niya ako ay agad siyang lumabas ng tent niya at nakangiting humarap sa akin.
"Hey! miss me honey?." Pangaasar niya sa akin
"Damn you! Talagang nagawa mo pa palang suhulan si Chelle huh. Well malaman mo man na andito kami ng anak mo ay di pa rin magiging madali ang pagtanggap namin sayo." Panghahamon ko sa kanya.
"Ouch! I'm wounded." Napakamot siya sa batok niya.
"And this?." Tinuro ko ang tent. "Really Drake ano sa tingin mo ang ginagawa mo?."
"Backyard camping?." He shrugged.
"I said go the hell out, di ko sinabi na magcamping ka rito sa labas ng gate namin!." I shouted.
"I already promise you, that I wouldn't leave until you forgive me." Sumeryoso na ang boses niya.
"Pwes magkasubukan tayo." Ngumisi ako sa kanya at tinawagan ang security ng subdivison.
Halos ilang minuto lang ay may dumating na security.
"Tumatambay siya sa tapat ng bahay ko ni hindi ko nga siya kilala eh." Humalukipkip ako sa harapan ng security guard. Para ipakita kung gaano ako kairita ngayon.
"Maniwala kayo manong nagkatampuhan lang kami ng misis ko kaya ang init ng ulo sa akin at dito ako sa labas pinatulog..outside the kulambo eh." Napasinghap pa ako ng ipaikot niya ang braso niya sa bewang ko at pinagdikit pa lalo ang katawan namin.
"For your information dear, I already signed our divorce paper." Inis kong inalis ang pagkakapulupot ng braso niya at inirapan siya.
"But I didn't signed it." He smirked
"Then signed it so can get rid of you!." Halos magusok ang ilong ko sa sobrang pagkabwiset sa kanya. Ang lakas niyang mang-asar! Nakakagigil talaga siyang sakalin!
"Ah ma'am, sir mukhang simpleng tampuhan lang naman ata ang meron kayo, pagusapan niyo na lang po sa loob ng bahay kase masyado pong malamig sa labas." Napanganga ako sa sinabi ng guard at nagawa pang makipagkamay ni Drake at ngumiti sa guard bago kami tuluyan na iniwan dito ni Drake.
"Get outta here!."
"Shh quiet honey, tulog na mga kapitbahay natin." Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"Seryoso ako Drake."
"Seryoso rin naman ako na di ako aalis. Masanay ka na Therese sa pangungulit ko, dahil hinding dindi ako aalis dito hanggat di tayo 'ok'. Hanggat't di ko nauuwi ang mag-ina ko."
"We'll never be 'ok'." Saka ko lang napansin ang mahigpit na pagyakap niya sa sarili niya. Natural nga siguro na lamigin kung talagang dito siya sa tent niya matutulog at wala pa siyang sweater na suot. Hmp! The hell I care! Sigurado akong susuko rin sa lamig yan. Hindi ata niya alam ang pagiging boy scout, ang dapat laging handa.
"Alam ko naman na di mo pa naman ako papatawarin ngayon eh. Good night." Di ako nakailag ng mabilis niyang nilapat ang mga labi niya sa akin. Gulat ko siyang tinignan.
"Hmm good start for my mission: taming my wife Therese." He smirked.
...
Belated Merry Xmas and a Happy New Year❤️
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...