Chapter 16

76.3K 1.4K 19
                                    

"Pwede sumabay na lang din ako sayo? Papasok na ako sa work, baka di na namomonitor ng maayos iyon." Pakiusap ko kay Drake habang inaayos ang neck tie nito. Ready na itong pumasok sa company nila, pero ngayon ko lang din nasabi na gusto kong sumabay sa kanya at pumasok na rin sa trabaho ko.

"Next week ka na pumasok, dito ka na lang." Sabi nito habang pinaglalaruan ang buhok ko. Lumayo naman ako sa kanya ng kaunti para di niya pagtuonan ng pansin ang buhok ko kundi sa gusto kong mangyari ngayon.

"Drake pwede ba?! Di ko naman pwedeng kalimutan yung negosyo ko." Inis na tumalikod siya dito. Pinayagan naman siya nitong pumasok noong nakaraang buwan pero halos magdadalawang week palang siyang pumasok non ng patigilin na naman siya nito. Ano bang problema nito?!

"May assistant ka naman doon ah, tska pwede mo naman na ibenta na lang iyon. Kaya naman kitang buhayin di mo na kailangang magtrabaho." Yumakap pa ito sa likod niya.

"Hindi ko pwedeng pabayaan iyon, binubuhay ko ang negosyong iyon para sa mga magulang ko. I hope you understand na mahalaga sa amin ang negosyong iyon." She explained. Narinig naman niya ang pagbuga ng hangin ni Drake.

"Alright then, get ready ihahatid na kita doon." Mabilis siyang humarap dito at pinugpog ito ng halik sa labi.

"Thank you!."

"Para naman kasing matitiis kita." Drake kissed her in the forehead before hugging her tightly.

...

"I'll pick you up at exactly 7pm." Pahayag ni Drake ng pagbuksan siya nito ng pinto. Nakangiting lumabas naman siya sa kotse.

"Alright. Ingat sa pagdadrive." Hinalikan niya sa pisngi si Drake na kinangiti nito.

"You too, hon. Take care. And please beware of men while Im not around." He winked bago ito pumasok sa kotse at nagdrive papunta sa company nito.

Ngiting ngiti siyang pumasok sa cafeteria.

"Good morning maam! Blooming kayo ah." Puri sa kanya ni Stella na nakatoka sa counter.

Binigyan niya lang ito ng magandang ngiti bago siya pumasok sa opisina niya.
Agad niyang inasikaso ang daily sales ng negosyo niya.

...

Sinilip niya ang relong pangbisig para mapagalamang halos maga-alas sinco na pala ng hapon. Halos ilang oras na rin pala siyang nagpapakabusy pero buti na lang di niya nakalimutang kumain ng lunch kanina kaya naman di siya nanlalanta sa trabaho.

Napasapo na lang siya ng ulo ng malagpasan niya ang oras kung kelan niya balak na bisitahin ang anak. And unfortunately nakalimutan niya, but maybe tomorrow matutuloy na rin siya. Miss na niya ang anak, kahit na nakakausap naman niya ito thru phone kapag may time na wala sa tabi niya si Drake.

Nagbuga muna siya ng hangin bago maisipang lumapas ng opisina niya. Agad niyang nabungaran ang busy niyang mga empleyado dahil ang dami nga naman nilang costumers ngayon. Kumuha na lang din siya ng notes ang ballpen para kunin ang orders ng iba nilang costumers, para naman matulungan niya rin ang mga crew niya alam naman niya kaseng pagod na rin ang mga ito. Tska tutal tapos naman na rin siya sa ginagawa. Di na lang niya pinansin ang mga empleyado niyang pinipigilan siyang tumulong.

"Good afternoon, I'm Therese can I have your order now?." Ready na siyang magsulat ng sasabihing order ng lalaking costumer pero nakatitig lang ito sa kanya habang may misteryoso itong ngiti sa labi nito.

She cleared her throat to catch his attention, at dahil na rin ayaw na niya ang klase ng tingin sa kanya nito.

"Sir?."

"Of course you are Therese, how could I forget you?." Sabi nito habang may ngisi ito sa labi. Kinilabutan naman siya sa sinabi nito kahit na gwapo ito at mukhang mayaman ay di niya maiwasang kilabutan dito.

"Hindi mo na ba ako naaalala?." Tanong nito.

"No." Deretsya niyang tanong.

"Kevin. Your ex or perhaps ex fling."

"I don't know you." Saka niya akmang tatalikuram ito ngunit naging maagap ang kamay nito at nahila nito ang braso niya. Inis naman na liningon niya ito, napatingala na lang siya dahil tulad ni Drake ay matangkad din ito, ngayon pa na nakatayo na ito.

"I know that you have a son. At alam ko rin na ayaw mo itong ipaalam kay Drake kahit na may amnesia pa ito, right?." Arogante nitong tanong. Natigalgal naman siya sa sinabi nito. Paano nito nalaman ang lahat ng personal na impormasyong iyon? Samantalagang iilan lang ang may alam sa tunay na sinapit ng buhay niya.

"I had you investigated." Sabi nito wari'ng sinasagot ang kung ano mang tanong na naglalaro sa utak niya.

"Who are you? And what do you want?!." Napatingin pa siya sa paligid kung may nakukuha na ba silang atensyon ng mga costumers but luckily busy ito sa pagkain.

"I want you Therese! I want you back." Mariing nitong sabi.

Di naman siya makapaniwalang tumingin dito.

"Nahihibang ka na ba? Ni hindi nga kita kilala." Sa halip na sagutin siya nito ay kinaladkad siya nito papunta sa parking lot kung saan walang tao.

"Maybe di mo na nga talaga ako kilala, hindi mo naman talaga ako kilala noon diba? Kase laging kay Drake ang atensyon mo kahit di ka naman niya pinapansin. And inaamin ko rin na isa rin ako sa may pakana ng mga pictures na pinakita sa parents mo, Elliza and I plan that to get revenge of you--"
Natigil ito sa dapat pang sasabihin nito ng mabilis na dumapo ang kamay niya rito para masampal ito.

"How could you?! Now I remember, You are Kevin Reyes the ace player of the basketball team." Tiim bagang niyang sabi.

"Im glad that you remember me, babe." Ngiti nito na parang di man lang nito ininda ang sampal na binigay niya rito.

"Kayo pala ni Elliza ang may pakana non! Wala kayong alam sa hirap na sinapit ko dahil doon! Mga walanghiya kayo!." Pinagbabayo niya ang dibdib nito habang patuloy na umaagos ang mga luha sa mata niya.

"MAY PROBLEMA BA?."  Ang tanong ni Drake ang nakapagpabalik sa kanya sa katinuan.

Andito sila ngayon sa paborito nilang seafood restaurant at dito napagkasunduang magdinner.

Tinignan niya ang plato ni Drake, nakalahati na nito ang meal nito habang siya ni hindi man lang ata nabawasan kahit isang kutsara. Kanina pa kase di maaalis sa isipan niya ang naging usapan nila ng Kevin na iyon. He wants to have a date with her kapalit non ay ang di nito pagsasabi kay Drake na may anak sila nito.

Napahilot siya sa sentido. Ano nga ba dapat ang tamang gawin sa sitwasyong ganito.

...

ABS 1: My Ex Husband, Drake OlivaresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon