"What is happening here?." Napabalikwas ako ng higa sa kama ng magtanong si tita Vina pagkapasok niya sa kwarto ni Drake.
"T-tita I...a-mm." Di ko mahanap ang salitang dapat isagot sa kanya. Kinakabahan pa rin ako.
Doon ko naman nakita ang nakalahad na kamay ni Drake, asking for assistance. Doon ko lang din napansin na masama ata ang pagkakahulog niya.
Agad ko siyang tinulungang tumayo at pinaupo ulet sa kama.
"Anong ginagawa mo sa ilalim ng kama? Dapat nagpapahinga ka, my gadd Drake." Sermon agad ng mom niya.
"You should atleast knock mom." Iritableng sagot nito habang hinahaplos ang nasaktang likod.
"I'll only knock if it is lock." Kumunot ang noo ni tita habang nakapameywang sa harap naming dalawa.
"Argh! Don't you get it mom? Therese and I are having our private activity..then you happened." Umirap ito sa ina.
Para na akong maiiyak sa sobrang pagkapahiya ng lumipat ang tingin ni tita Vina sa akin.
"H-hindi po iyon t-totoo, tita." Kanda iling ko.
Napasapo lang ito sa noo tska bumaling sa anak.
"Tawagin mo ang nurse, hija. Nagalaw ata ang sugat niya at nagdugo na naman." Saka ko lang din nakita ang pulang marka na namuo sa puting benda sa ulo ni Drake. Hindi pa naman fully recover ang sugat niya sa ulo galing sa aksidente.
"Sige po."
"Dito ka lang, hon." Pigil nito sa akin.
"Ayy nako Drake, tigilan mo muna yang asawa mo. Magpagaling ka muna. And please spare the hospital" Sermon nito sa anak.
Tumayo na ako at lumapit na sa pinto.
"Honey dito ka lang."
"Isa Drake! kapag di ka tumino dyan itatago ko ang asawa mo!." Banta nito sa anak. Di ko napigilang bumungisngis ng makitang ngumuso at yumuko na lang si Drake.
"Behave ka muna dyan, Drake." Pero sinimangutan lang ako nito na nagpangisi sa akin.
..
"Alam mo Therese di siya healthy para sayo." Sermon agad sa akin ni Chelle ng makauwi ako sa condo na pinagseshiran naming dalawa.
"Alam ko naman yun, pero di ko naman inaasahan na maiipit ako sa ganoong sitwasyon." Hinimas ko ang nanakit ko ng batok, buti na lang nakapagpalusot si tita Vina kay Drake para makauwi ako.
"Tska Hoy Therese!, bat feeling ko may something ka parin sa kanya!." Tinuro turo pa ako ng magaling kong bestfriend.
Di na lamang ako umimik pa dahil hahaba lang ang usapan.
"Sabi na eh, ikaw na kase ang martyr."
"Saan si Zeke?." Pagiiba ko ng usapan.
"Andoon sa kwarto." Tumango lang ako saka ako naglakad papunta sa kwarto namin.
There he is..sleeping peacefully.
Nagbihis muna ako ng pangbahay bago siya tabihan sa kama.
"Mimi?."
"Why baby? Nagising ka ba ni mommy?."
"Mimi, bat ngayon ka lang uuwi?." He ask and hug me.
"Aww bakit namiss mo ba si mommy?." I asked and hug him back.
"Hmm opo, miss po kita ng malaki." Hinaplos haplos ko ang buhok niya.
"Miss ka rin ni mommy." I kiss his head.
Zeke is my five year old son, anak namin siya ni Drake pero nilihim ko na lang dahil mulat sapol ay di naman niya alam na nong nagdevorce kami ay two weeks pregnant na ako non. Di ko pa nakakalimutan ang mga katagang binitiwan niya sa akin noon.
'Ang katawan mo na lang ang pakikinabangan ko sayo'
Napapikit ako ng mariin ng maalala kung pano niya ako galawin noon, wala siyang pagdadahan dahan. Ngayon ang bunga ay ang cute at malambing kong si Zeke.
"Mimi?."
"Hmm, gising ka pa?." Sinilip ko siya na nakayakap pa rin sa akin. Pero madiin nya lang na pinikit abg kanyang mga mata na may ngiti sa labi.
Pinanggilan ko na lamang siya ng yakap. Gusto ko sanang ikwento ang tungkol sa kanyang ama ngunit wag na muna ngayon. Sa ngayon ay sapat na magkasama kami ng anak ko.
..
BINABASA MO ANG
ABS 1: My Ex Husband, Drake Olivares
RomanceHuminga muna ako ng malalim bago pumasok ng kwarto. Ng magtama ang mga mata namin ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ako ng yakap. "God, where have you been? Bakit mo ako iniwan kasama nila? Ayoko dito, umalis na tayo Therese." Mas lalo pang hum...